Posts

-Why The Covenant Recitation?

Why The Covenant Recitation?

Exo. 20:1-17; Ps. 62:1-12; Phil. 3:1-16

1.   Tayo sa lahat ng ating gawain, sa itinatakda ng ating Church Code, ay sumasambit, nagsasalita at nagsasabi, nagre-recite ng tatlong bahagi ng Banal na Kasulatan.

a.   Una, sa Exo. 20:1-17 (The Ten Commandments) na doon ipinapahayag ng Panginoong Jesucristo ang Kaniyang pamantayan at patakaran ng matuwid na pamumuhay;

b.   Pangalawa, sa Ps. 62:1-12 na doon ay ipinapahayag naman ni David at lahat ng sumasambit ng pangungusap ng Ps. 62:1-12, na ang Panginoong Dios, ang Panginoong Jesucristo, ang Siya nilang bato at kaligtasan, na sa lahat ng panahon sa Kaniya sila nananalig at sa harapan Niya nila ibinubuhos ang kanilang puso.

c.   Pangatlo, sa Phil. 3:1-16 na ang pinaka-climax, ang pinakasukdulang antas o yugto nang pagkakatalaga ng tao ayon sa Philippians Chap. 3 ay “pinagtiisan ko na mawalaan ng lahat ng mga bagay, makamtan ko lamang ang Panginoong Jesucristo.”

2.   Ngayon, mabuting ating gunitain at panariwain at ating ikintal sa ating kamalayan ang mga pangunahing kadahilanan kung bakit isinasaulo natin iyong mga bahaging ito ng Biblia at kung bakit lagi nating sinasambit o binibigkas o nire-recite at dapat hindi lamang sa ating mga gawain kundi ginagawa natin sa ating mga buhay. Bakit?

a.   Iyong Exo. 20:1-17, samakatuwid, iyong Ten Commandments, mayroong 2 tipak ng bato nang ipahayag ito ng Panginoon kay Moses na sinulat ng daliri ng kamay ng Panginoong sa 2 tipak ng bato. They are inscribed by the finger of the Lord upon the rock tablet for writing. Iyong unang tipak ng bato, ang pinakabuod ay iibigin mo ang Panginoong Jesucristo ng buong puso mo, buong kaluluwa mo at buong kalakasan mo. At ang pangalawang tipak ng bato, ang buod ay iibigin mo ang iyong kapuwa katumbas ng pagibig mo sa iyong sarili. Na ito’y pangsarilinan (individually) at pangkapisanan (collectively) na pamumuhay sa katarungan ng Dios. Dahil ang katarungan ng Dios, ang itinatakda ng katarungan ng Dios ay ganito: The justice of God ordains that every creature, more particularly humankind should live a life of love, all consuming love for the Lord Jesus Christ. And because of this all-consuming love for the Lord Jesus Christ, you are motivated to love your humankind with the same measure of love you have for yourself. That is the justice of the Lord at work in humankind, individually and collectively.

b.   Balik sa ating tinatanong. Bakit natin ito sinasaulo, bakit natin ito binibigkas? Dahil ito ay maitutulad sa isang napakalaking salamin. Ang nakikita mo ay iyong sarili; ang anyo ng pagkatao mo, ang anyo ng sarili mo ay makikita mo. Ikaw lamang ang humaharap sa salamin. Ang Biblia, ang Salita ng Dios ay parang napakalaki at napakagandang salamin. Kapag humarap ka diyan, makikita mo ang sarili mo. Paano makikita mo ang sarili mo? Samantala ang sinasabi diyan ay ang tao ay umiibig ng tudo kay Jesus at dahil sa pagibig ng tudo kay Jesus, iibigin ang kapuwa ng katumbas ng pagibig sa kaniyang sarili. Kaya pagharap mo sa salamin ng Salita ng Dios, makikita mo ang sarili mo. Na ano? Na ikaw ay umiibig ng tudo kay Jesus-Yes or No? Na dahil sa pagibig kay Jesus ay iniibig mo ang iyong kapuwa-tao ng pagibig na katumbas ng pagibig mo sa iyong sarili. Iyan ba ang nakikita mo sa iyong iyong sarili? Talaga bang tudo ang pagibig mo kay Jesus? Buong buhay mo ang nilalaman ba ay pagibig kay Jesus? All my life is consumed by my love for the Lord Jesus Christ-Yes or No? At dahil sa pagibig mo kay Jesus, iniibig mo ang iyong kapuwa ng katumbas ng pagibig mo sa iyong sarili? Iyo bang pinaparangalan ang iyong magulang? Hindi ka pumapatay ng iyong kapuwa tao? Hindi mo siya binebentahan ng sigarilyo o alak? Hindi ka ba nangangalunya? Hindi ka ba nagnanakaw? Hindi ka ba nagiimbot ng hindi sa iyo? Kung ang sagot mo sa lahat ng tanong na may “huwag” at ang sagot mo sa lahat na pinapagawa ng Panginoong Jesucristo ay “iyan ang ginagawa ko,” ikaw ay “perfect.”

c.   Pero sa Biblia walang nakatupad kahit isa na tao buhat sa lahi ng unang Adan ay walang nakatupad sa itinatakda sa kautusan ng Dios. Dahil kapag nagkasala ka sa isa, linabag mo na ang buong kautusan ng Dios. (Jas. 2:10) All have sinned and come short of the glory of God. (Rom. 3:23) There is no righteous, no not one…Ther is no one that doeth good, no not one. (Rom. 3:10, 12) Kapag nire-recite natin ang 10 utos, para na nating sinasabi:

“Panginoong Jesucristo, ikaw po ay ganap (perfect) at ganap ang iyong pamantayan at patakaran ng tamang asal at saloobin ng pamumuhay nitong 10 Utos mo. Pero hindi kami nakaabot sa iyong pamantayan. Hindi kami nakaabot sa iyong patakaran. Hindi namin natupad ang iyong pinapatupad sa amin.”

d.   Kapag nire-recite natin ang ten commandments, nare-realize natin how perfect is the Lord and how morally perfect is the standard of living for humankind and how immorally committed is humankind. Ang ginagawa ng sangkatauhan ay immoral. Hindi moral sa paningin, sa pamantayan ng Panginoon. Tiyak makasalanan tayo at hindi natin maililigtas ang ating sarili sa kasalanan at kamatayan. Kung bayaran ko ang aking kasalanan, yes, you can do that with your death. Pero kung binayaran mo ang kasalanan mo ng kamatayan mo, ang kasalanan wala nang claim, mamamatay ka dahil binayaran na. ang kamatayn mo ang pambayad sa kasalanan mo. Then you have no claim to life anymore. The debt is settled but you are dead forever. Nabayaran na ang utang mo ng kamatayan mo pero tapos ka na. Wala ka nang karapatan sa buhay dahil naubos na sa pagbayad ng utang na kamatayan.

e.   Kaya para tayo makaligtas sa kamatayan at kasalanan, kinakailangan ang Dios Anak ay magkatawang tao at Kaniyang katawanin, Kaniyang akuin at Kaniyang pagbayaran ang kasalanan ng sanglibutan sa paghahain ng Kaniyang katawan sa kamatayan na Kaniyang ginanap sa pagtitigis ng Kaniyang dugo at noong Kaniyang magampanan ito, bayad na ang singil na kamatayan ng kasalanan. Ang nagbayad ay ang Panginoong Jesucristo. at binuhay Niya muli ang Kaniyang katawang tao upang Kaniyang patunayan na Siya ay Dios na nagkatawang tao at upang Kaniyang patunayan na Siya nga ang kaligtasan at tayo naman ay manumbalik sa Kaniya at sa Kaniya magkaroon tayo ng karapatan na umangkin ng panibagong buhay. Hindi ang ating buhay na makasalanan kundi ang buhay na walang hanggan ng Panginoong Jesucristo.

3.   This leads us to the second covenant recitation. Kaya natin nire-recite ang Psalm 62-“ For God alone my soul waits in silence; from Him comes my salvation. He only is my rock and my salvation, my fortress; I shall not be greatly moved.” Therefore, we can say, “Trust in Him (when?) at all times, O people. Pour out your heart before Him;”

a.   Masasabi natin, “Laging magtiwala sa Kaniya sa lahat ng panahon (masamang panahon, gipit na panahon, maluwag na panahon, maysakit na panahon, malusog na panahon (cf. Marriage, for richer or poorer, in sickness and in health. Sabi ng iba, “Sa iyo ang poor, akin ang rich, sa iyo ang sickness, akin ang health.) Hindi, sa lahat ng panahon-panahon ng karukhaan, panahon ng kasaganahan, manalig ka sa Panginoong Dios, na Siyang Panginoong Dios na saligang bato na Siya ring ang iyong kaligtasan, walang iba kundi ang Panginoong Jesucristo.

b.   Kaya ang ating tiwala ay laging sa Kaniya at ating pananalig ay ibuhos natin mula sa ating puso-pour out your hearts before Him-anong puso ang ibubuhos mo nang lahat? Iyan an gating figurative heart, iyana ang ating espirito. Lahat ng nasa kalooban mo, lahat ng bumabagabag ng kalooban mo, lahat ng problema mo, lahat ng dalahin mo, mga iyan ay ibuhos mong lahat kay Jesus. Pour out your hearts before Him; Casting all your care upon him. Why? Because He cares for you. (1Pe 5:7)  Lahat ng dala-dala mo sa buhay mo, ibuhos mong lahat kay Jesus dahil Siya ang kumakalinga sa iyo. (FOR HIS EYE IS ON THE SPARROW, AND I KNOW HE WATCHES OVER ME.)

4.   This leads us further to the third covenant recitation. Philippians chapter 3. Kaya ang sabi ni Pablo, “For his sake I have suffered the loss of all things, and count them as refuse, in order that I may gain Christ and be found in Him.

a.   Dapat sabihin ko at bawat isa sa atin, “Na alangalang sa kaniya’y tiniis ko ang kalugihan ng lahat ng mga bagay, at inari kong sukal lamang, upang tamuhin ko si Cristo.” (THIS THOUGHT IS A SOURCE OF STRENGTH DURING PERIODS OF FASTING.) On the other hand, ito ay may corollary sa Matt. 16:26  “For what is a man profited, if he shall gain the whole world, and lose his own soul? or what shall a man give in exchange for his soul?” Bakit natin sinasambit ito, “For his sake I have suffered the loss of all things, and count them as refuse, in order that I may gain Christ.”?

b.   Dahil kung nasa akin si Cristo, lahat ng bagay ay akin sa pamamagitan Niya. Dahil kung nasa akin ang Panginoong Jesucristo dahil ako ay sumasa-Kaniya, lahat ng nangyayari sa aking pamilya, lahat ng nangyayari sa aming kabuhayan, lahat ng nangyayari sa aming buhay, lahat ng mga iyan ay sagot at patuloy na sinasagot ni Jesus.

5.   Exodus 20 ay pamantayan at patakaran ng matuwid na pamumuhay sa Panginoong Jesucristo. Dito natin sinasalamin an gating mga sarili. Sapagkat walang maliligtas sa paggawa ng 10 kautusan, sinasabi sa Psalm 62, na ang saligang bato at aking kaligtasan ay walang iba kundi ang Panginoong Jesucristo. Kaya sa Kaniya ko ibubuhos ang lahat ng tiwala ko at nilalaman ng buhay at puso ko. Kaya sa Philippians chp 3 ay sasabihin ng bawat isa sa atin, kahit mawalaan ako ng lahat ng mga bagay makamtan ko lamang si Cristo sapagkat si Cristo na ang sagot sa lahat sa buhay ko. Ito ay bahagi lamang ng Banal na Kasulatan ngunit nagsasaad ng kabuuan ng kahulugan ng Biblia na tanging ang Panginoong Jesucristo ang buhay ng lahat

6.   Minamasdan tayo ng Panginoong Jesucristo ngayon. Nakikita Niya lahat n gating problema, nalalaman Niya ang lahat n gating pangangailangan, nauunawaan Niya ang lahat ng paghihirap n gating kalooban, nalalaman Niya ang lahat n gating pagkabagabag, damang-dama ng Panginoong Jesus. Kaya nga Siya nagkatawang tao upang Siya ang kumatawan sa atin at Siya ang kumakatawan sa atin. Alam Niya ang bigat ng mga dala-dala natin, naririnig Niya ang mga daing n gating kalooban, alam Niya ang nararamdaman natin, alam Niya ang mga karamdaman natin, lahat ng sakit, lahat ng karamdaman, lahat ng dalahin, lahat ng bumabagabag, lahat ng lumiligalig, lahat ng nagbibigay suliranin sa atin, alam Niya at Siya ang umako sa lahat ng nararamdaman at karamdaman na iyan ay sinasabi ng Banal na Kasulatan, “By His stripes, we are healed (past tense)” Tanggapin ninyo kay Jesus ang lahat ng kagalingan, kaayusan at pagkabuo ng inyong buhay mula sa ating Panginoong Jesucristo. Na inyong ilagak sa kaniya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagka’t kayo’y ipinagmamalasakit niya. (1 Pet. 5:7)

Why The Covenant Recitation? by Rev. Mario I. Quitoriano is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License.
Based on a work at www.tafj.org.

Leave a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: