Posts

Loving God-Loving the Lord Jesus

Loving God-Loving the Lord Jesus Mar 12:29-31Joh 14:21 He that hath my commandments, and keepeth them, he it is that loveth me: and he that loveth me shall be loved of my Father, and I will love him, and will manifest myself to him…If a man love me, he will keep my words: and my Father will love him, and we will come unto him, and make our abode with him. 1Co 16:22Eph. 6:24

As we were studying Rom. 8:28 for the past two weeks, there were two conditions for the realization of the promise of this verse in our life, i.e., knowing that all things work together for our own good: (1) loving God and (2) heeding the call of God’s purpose in our life. Last week we took up “following the call of God” and we mentioned three: (a) Jesus’ calling sinners unto repentance (Matt. 9:13), (b) call to follow Jesus (Matt. 9:9), and (c) call of Jesus to those who serve Him to follow Him and whosoever serves Jesus, him will the Father honor. We also learned that believing Jesus meant obeying or following Him. Those who do not obey the Son shall not see life but the wrath of God abides in them. (Jn. 3:36) They become vessels of wrath fitted unto destruction (Rom . 9:22) while those who believe the Lord Jesus become vessels of mercy prepared unto glory (Rom. 9:23). And this week, we look at loving God

  1. Ang pagibig sa Panginoong Jesucristo:
    1Co 16:22 “If any man loveth not the Lord, let him be anathema (accursed).” Matindi ang sinasabi dahil ang sinomang hindi umiibig sa Panginoong Jesucristo ay isinumpa na. Hindi na kailangan isumpa pa dahil ang sinomang hindi umiibig sa Panginoong Jesucristo, siya ay isinumpa na, itinakwil na.
    b. Sa kabilang dako, sa Eph 6:24 “Grace be with all them that love our Lord Jesus Christ with a love incorruptible.” Ang biyaya ang lumulukob sa mga umiibig sa Panginoong Jesucristo ng pagibig na hindi maaagnas. Kung ganoon ang pagibig mo sa Panginoong Jesus, nakaputong na sa iyo ang pabor, ang biyaya ng Panginoong Jesus.
    c. Sa Mk. 12:30-31 (Deut. 6:4-5) sinasabi na “Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng todo love.” Todo love kay Yahweh Elohim.
    d. Sa Jn 14.21,23, ang katas ng talata doon ay sinasabi ni Jesus “Kung iniibig ninyo Ako, ay iingatan ninyo ang aking mga utos.
    e. Kung ang nagsasalita sa Deut. 6:5 ay hindi ang Panginoong Jesus kundi ang Dios Ama, ang labas nito ay magkaribal sila sa pagibig ng tao at nilalang. Subalit kung iyon ang Panignoong Jesucristo, walang kontrahan. Sa halip, ayon sa Jn. 14:2123, ang umiibig sa Panginoong Jesus ay iibigin din ng Ama. (cf. Jn. 12:26) Samakatuwid, gusto at nais ng Dios Ama na ang ibigin natin ay ang Panginoong Jesucristo. Kaya isinulat ni Apostol Pablo ang 1 Cor. 16:22 at Ephe. 6:24.
  2. Tignan lang natin itong paksa ng pagibig. Doon sa 1Jn 4:19, sinasabi doon na, “we love Him because He first loved us.”
    Mayroong pakikipagpalitan ng pagibig. Ang unang umibig ay ang Panginoong Jesus at ang kaniyang inibig ay tayo. At dahil sa tayo ay kaniyang inibig, (ito ang hinihingi ng katarungan) wala tayo dapat iganti o ibalik sa Kaniya kundi ang ating ding pagibig sapagkat makatarungan, tama, wasto matuwid at marapat lamang na tayo ay magkusang umibig sa Kaniya.
    b. Paano ang pagibig Niya sa atin? Ibinigay Niya ang Kaniyang lahat para sa atin. Paano mo ibigin ang Panginoong Jesus? Maraming pagsasalarawang pahalintulad ng pagibig natin sa Panginoong Jesus: (1) pagibig ng isang alipin sa kaniyang panginoon, (2) pagibig ng asawang babae sa kaniyang asawang lalake, (3) pagibig ng anak sa kaniyang magulang. Iyan ay mga pagsasalarawang pahalintulad ng ating pagibig sa Panginoon Jesus.
  3. Ang ating pagpapakuan ng pansin ay iyong pagibig ng isang alipin sa kaniyang panginoon. Bago ang lahat:
    Una, ang sinasabi sa Bible, Acts 10:36Rom. 10:12 na si Cristo ang Panginoon ng lahat. Hindi lamang Jesus is Lord kundi Jesus is Lord of all. Kabilang tayo sa “all” na puma-panginoon sa Panginoong Jesus.
    b. Pangalawa, sa Ps. 119:91, sinasabi doon na “All are thy servants.” Lahat ay alipin ng Panginoong Lahat tayo ay kabilang sa kaniyang alipin.
    c. Kaya palasak ang sinasabi na “tinanggap ko si Jesus” (Jn. 1:12Col. 2:6) bilang aking Panginoon at Tagapagligtas. Subalit Panginoon mo ba Siya sa lahat sa buhay mo? Tinanggap mo ba si Jesus sa Kaniyang kapuspusan? (Jn. 1:16) Anong uri ng Tagapagligtas? Tagapagligtas na Dios (Titus 2:13) Dapat tinaggap mo si Jesus bilang Siya ang iyong Panginoong sa lahat at kasama ka sa Kaniyang mga alipin.
    d. Kaya ngayon iibigin mo Siya ng pagibig ng isang alipin.
  4. Paano ang pagibig ng isang alipin sa kaniyang panginoon? Una: Iibigin mo si Jesus bilang Panginoon na iyon lamang kaniyang karapatan ang iyong paiiralin sa buong buhay mo.
    Kung ikaw ay katulong ni Pedro at sinabihan ka ni Pedro na pumunta sa Antipolo, at si Juan na hindi mo namang amo, sinabihan ka na pumunta sa Maynila, sino ang masusunod sa iyo? Kaninong karapatan ang masusunod sa iyo bilang ikaw ay katulong ng iyong amo na si Pedro? Kung an gating Panginoon na ating pinaglilingkuran ay si Jesus, samakatuwid, walang karapatan at pamamahala na ating tanggapin at paiiralin sa ating buong buhay kundi ang karapatan at pamamahala ni Jesus na ating Panginoon. Hindi ang ating sariling karapatan, hindi ang karapatan ng sinoman o alin mang iba. Walang karapatan at pamamahala na ating ipatupad kundi ang sa Panginoong Jesus.
    b. Paano ang karapatan at pamamahala ng Panginoong Jesucristo? Karapatan at pamamahala ng katarungan, Karapatan at pamamahala ng katotohanan; Karapatan at pamamahala ng pagmamagandang loob ng Panginoong Jesus. Sa lahat sa buhay mo, sa abot kaya mo, ang iyong paiiralin ay ang karapatan at pamamahala ng katarungan, katotohanan, pagmamagandang loob ng Panginoong Jesucristo.
    c. Kung ganoon, kahit angkinin ka ng masama, hindi ka paangkin sa masama. Hindi ka paaangkin ng kasalanan, ng mali, ng sakit at karamdaman, kakulangan, kabiguan. Lahat iyan ay walang karapatan sa iyo sapagkat ang tanging may karapatan sa iyo ay ang Panginoong Jesus. Ipagpipilitan mo na paiiralin ang karapatan ng Panginoong Jesus sa buhay mo, sapagkat hindi ka inilaan ng Panginoon sa kasalanan, karamdaman, kawalaan, kagipitan, etc.
    d. Iyan ay tutuo kung ikaw ay umiibig kay Jesus bilang Siya ang iyong Panginoon at ikaw ay Kaniyang alipin.
  5. Paano umibig ang alila sa kaniyang panginoon? Pangalawa: Iibigin mo ang Panginoong Jesus na iyon lamang Kaniyang utos at ang Kaniyag salita ang ating susundin. SaJn 14:21,23, sabi ni Jesus, “if you love me, you will keep my commandments.” Sa Lk 6:46, sabi ni Jesus, “why do you call me Lord, Lord and do not what I say.” Ano ang Kaniyang salita? Mk 12:30-31 Iibigin mo ang Panginoon Dios ng tudo love at iibigin mo ang kapitbahay mo na nasalanta na abot kaya ng iyong pagmamalasakit. Sa iyong buhay, hindi ka magtatanim ng sama ng loob kundi ang kabutihan ni Jesus. Ano ang itinanim mo sa iyong buhay? Katotohanan? Kabutihan? Pagmamalasakit? Pagmamagandang loob? Ginagawa mo ba iyan dahil wala kang tinutupad at sinusunod kundi ang Kaniyang salita at utos?
  6. Pangatlo: Kung ano ang gusto ng Panginoong Jesucristo, iyon lamang ang paiiralin mo. Wala kang gagawin kundi exacto sa gusto ng Panginoong Jesus. Sa 8:5-13, mayroong centurion doon na may aliping malubha ang kalalagayan at naroon sa kaniyang bahay. Anong ibig sabihin iyong pangyayari doon? Una, sinasabi ng centurion kay Jesus, makapangyarihan ka sa lahat, taglay mo ang kakayahan at karapatan na kahit anong gustuhin mo ay magagawa saan man dako at kailanman. Sabi ng Panginoon, “wala Akong nakita na pananmpalataya na ganito sa buong Israel.” Sabi ng Panginoong Jesus sa kaniya, “ayon sa iyong pananampalataya, mangyari sa iyo.” Noon ding oras na iyon, gumaling ang kaniyang alipin. Sapagkat tinaggap niya at inibig niya ang Panginoong Jesus na kung tutuusin ay sinasabi ng centurion sa Panginoon, “wala akong kinikilala at tinatanggap na kapangyarihan, karapatan na umiiral sa lahat kund ang iyong kapangyarihan, karapatan at kapamahalaan. At iyon lamang sinabi mo ang magkakaroon ng bisa at katuparan at iyon lamang ang masusunod sa aking buhay.” Sabi ng Panginoong Jesucristo, “mangyari ayon sa pananampalataya mo.”
  7. Conclusion: Kung ang tanging karapatan na pinapairal mo sa iyong buhay ay ang karapatan ng Panginoong Jesucristo, walang karapatan sa iyo ang problema mo (kagipitan, kakapusan, karamdaman, kasamaan, kasalanan, kasawian, kabiguan). Ang tanging may karapatan sa iyo ay ang karapatan ng Panginoong Jesucristo. Si Jesus ang iyong kasaganahan (tagumpay, kalusugan, kaligtasan, buhay na walang hanggan). Siya ang Yahweh Jireh na nagsabi kay Abraham, “God shall provide” or in another translation, “God is providing.” Ang kailangan lamang ay lingunin mo ang provision o panustos ng Panginoon Jesus.
    Illustration: Ang bata may hawak na hotdog pero kahit wala pang tinapay, ang tingin niya sa hotdog ay sandwich. Ikaw, anong taglay mong problema? Ang tingin mo ba diyan sa hawak mo ay problema ng kagipitan o kawalaan o karamdaman. Tumingin ka sa ibayo ng suliranin mo. Tignan mo si Jesus at lahat ng sa mundo ay didilim sa liwanang ng mukha at kaluwalhatian ni Jesus.

marioq copy

A sermon outline of Rev. Archbishop Mario I. Quitoriano (Aug. 7, 2007)

top

 

Leave a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: