Posts

Ang Pagtalima Sa Tawag Ng Panginoong Jesucristo

Ang Pagtalima Sa Tawag Ng Panginoong Jesucristo Jn. 3:36; Rom. 9:22-23; Matt. 9:9-13

Intro: Noong nakaraan na linggo ay napagaralan natin na ayon sa Rom. 8:28, yaong mga umiibig sa Dios at tumalima sa Kaniya ayon sa pagkakatawag sa kanila ng Dios ay nalalaman nila na lahat ng bagay ay nagkakalakip-lakip na gumagawa sa kanilang ikabubuti. Ngayon, tignan natin ang mga pagkakatawag ng Dios sa bawat isa sa atin.

I. Dalawang (2) sisidlan (Rom. 9:22-23)

A. Sisidlan ng kahabagan- may buhay na walang hanggan (Jn. 3:36a): Mga tapat, nagtalaga at nagalinsunod ng kanilang lahat kay Jesus; mga tumalima sa tawag ni Jesus na umalis sa kasalanan at sumunod ng kusa, tuluyan at panglahatan sa pagsampalataya, pagasa at pagibig sa Panginoong Jesus.
B. Sisidlan ng poot ng Dios-(Jn. 3:36b) mga hindi makakakita ng buhay kundi ang poot ng Dios ay nakasilid sa kaniya: Mga suwail sa Panginoong Jesucristo; iginagawad ang hatol ng Panginoon sa kanila dahil hindi pagtalima o hindi pagsampalataya sa pangalan ng tanging Anak ng Dios. Ito ang mga hindi tumatalima o hindi umaalinsunod sa tawag ng Panginoon sa kanila.
C. Malalaman mo kung anong uri ka ng sisidlan (sisidlan ng poot o sisidlan ng kahabagan) ng Panginoon ayon sa pagsunod mo o hindi mo pagsunod sa mga hinihingi ng mga sumusunod na tatlong panawagan ng Panginoong Jesucristo.

II. Ang tatlong (3) mga katawagan ng Panginoong Jesucristo sa mga nilalang.

A. Unang tawag ng Panginoong Jesucristo: ”Sapagkat hindi Ako naparito upang tumawag ng mga matuwid, kundi ng mga makasalanan tungo sa pagsisisi.” (Matt. 9:13)
1. Tanong ng mga Pariseo: Bakit ang Guro ninyo ay sumasalo sa mga naniningil ng buwis at mga makasalanan?
a. Mga Pariseo ay hindi nila nalalaman at hindi nila tinatanggap na sila ay makasalanan at ang tingin nila sa kanilang sarili ay matuwid dahil sa pagsunod sa kautusan ngunit ang kanilang puso ay malayo sa Dios. (Ps. 62:4-sila’y nagsisibasbas ng kanilang bibig, nguni’t nanganunumpa sa loob.) Kaya ang turing sa kanila ng Panginoon sa kanila ay pinaputing libingan ngunit puno sa loob ng buto ng patay na tao at karumaldumal (puno ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan. (Matt. 23:27-28)
b. Sa mata ng Panginoon, lahat ay nagkasala. ( Rom. 5:12; Jn. 3:17)
c. Hanggat hindi mo kinikilala na ikaw ay may sakit, hindi mo kailangan ng doctor kaya wala kang kagalingan. Hanggat hindi mo tinatanggap na ikaw ay makasalanan, ang paniwala mo ay hindi mo kailangan ang tagapagligtas na si Jesus kaya wala kang kaligtasan. Akala ng marami, wala silang kasalanan dahil sila ay gumagawa ng mabuti sa kanilang kapuwa. Ngunit ang pagiging makasalanan o hindi makasalanan ay hindi nakabatay sa iyong mga ginagawa kundi sa iyong pagsampalataya sa Panginoong Jesucristo o hindi.
d. Jn. 16:8-9: “At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol: Tungkol sa kasalanan, sapagka’t hindi sila nagsisampalataya sa akin; Tungkol sa katuwiran, sapagka’t ako’y paroroon sa Ama, at hindi na ninyo ako makikita; Tungkol sa paghatol, sapagka’t ang prinsipe ng sanglibutang ito ay hinatulan na.” Hanggat hindi mo isinasampalataya ang iyong lahat kay Jesus, ikaw ay nasa kasalanan at kailangan mo ng kaligtasan ni Jesus.
2. Ang tawag ng Panginoong Jesus ay hindi lamang upang iligtas ang mga makasalanan kundi iligtas sila mula sa kasalanan tungo sa pagsisisi o pagiwan sa kasalanan. Ang pagtanggap natin kay Jesus ay hindi lamang pagtanggap ng Kaniyang kaligtasan kundi pagtanggap ng Kaniyang kapuspusan. Kapuspusan ng katotohanan ni Jesus, kapuspusan ng katuwiran ni Jesus, kapuspusan ng pagmamagandang loob ng Panginoong Jesucristo. (Jn. 1:16) Samakatuwid, iiwanan mo ang kasinungalingan, iiwanan mo ang kalikuan, iiwanan mo ang samaan ng loob. Ito ang pagsisisi o pagiwan sa kasalanan.
3. Pagsisisi: Lk. 24:46-47-“At sinabi niya sa kanila, Ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw; at ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem.” Walang kapatawaran ng kasalanan kung walang pagsisisi. Repentance is a condition precedent to remission of sins, otherwise, heaven will be filled with unrepentant sinners.
B. Pangalawang tawag ng Panginoong Jesucristo-“Sumunod ka sa Akin.” (Matt. 9:9)
1. Prerequisites to following the Lord Jesus. (Matt. 16:24)
a. tumanggi sa sarili (hindi na maka-sarili (Adam and Eve before the fall had their eyes only on Jesus, not on themselves); hindi na maka-salanan, hindi maka-sanlibutan kundi maka-Dios, dahil hindi na ang sariling kagustuhan ang sinusunod kundi ang gusto ni Jesus. (Gal. 2:20) Hindi palalo, hindi sinasabi, kawawa naman ako…
b. pasanin ang kaniyang krus (hindi krus ni Jesus ang pinapapasan sa iyo, hindi mo kaya iyon)-Ang krus mo ay kung ano ang ipinapabalikat ng Panginoon sa iyo na tungkulin. (may krus sa tahanan, sa mga kamaganak, sa trabaho o opisina, sa lipunan, atbp.) Paano ka magdala ng iyong tungkulin sa Panginoon? Nagdadabog, nagtatampo o maluwag sa loob at nagsasakripisyo?
c. saka ka pa lang makasunod sa Panginoong Jesus. Hindi ka makakasunod sa Panginoon hangat hindi mo inayawan ang sarili mo at hanggat nakahanda ka na magbata alangalang sa Panginoong Jesus. (That is why you need to love Jesus for without love for Him, you won’t last following Him. It is only by reason of our love for the Lord Jesus that we can continue to fight the good fight of faith. Duty and sense of responsibility will not be enough to carry on carryong the weight of our responsibility. We can do it only if we do it for Jesus because we love Him. Then we can say, “I can do all things through Christ who strengthens me.” 1 Cor. 16:22; 2 Tim. 1:12; Phil. 4:13)
C. Pangatlong tawag: Ang sinomang naglilingkod sa Akin ay susunod sa Akin at kung saan Ako naroroon, ay doon naman doroon ang lingkod ko: kung ang sinomang tao’y maglingkod sa Akin, ay siya’y pararangalan ng Ama. (Jn. 12:26)
1. Kung ikaw ay tagasunod ng Panginoong Jesus, maglilingkod ka sa Kanya. Walang tagasunod ni Jesus na tatamad-tamad. (wise, faithful or unfaithful, foolish servant). Ang Panginoong Jesus ay katotohanan, sumunod ka sa katotohanan, hindi kasinungalingan. Ang Panginoong Jesucristo ay katuwiran, ayawan mo ang kalikuan; ang Panginoong ay puspos ng pagmamagandang loob, kaya huwag sama ng loob ang pumuno sa iyo.
2. Isa lamang ang paglilingkuran. Sa Matt 4:10, isa lamang ang paglilingkuran. Dahil sa Matt 6:24-sinoma’y hindi makapaglilingkod sa dalawang panginoon; kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa. At ayon dito sa Jn. 12:26 , ang paglingkuran ay ang Panginoong Jesucristo at ang sinomang naglilingkod sa Panginoong Jesus ay pararangalan ng Dios Ama.
3. Maglingkod ka ng lubusan sa Panginoong Jesucristo (Col. 3:17, 23-24) na nagbibigay ng pasasalamat sa Dios Ama sa pamamgitan Niya. At sa iyong paglilingkod mo sa Panginoong Jesus ay tatanggap ka ng ganting mana. Bakit? Sabi ng talata-sapagkat naglilingkod ka sa Panginoong Jesucristo.

III. Conclusion

A. Kapag ikaw ay tumatalima sa tatlong (3) katawagan ng Panginoon, ikaw ay may buhay na walang hanggan at nagiging sisidlan ka ng kahabagan ng Panginoong Jesus.
B. Kapag ikaw ay hindi tumalima sa tatlong katawagan ng Panginoong Jesucristo, ikaw ay hindi makakakita ng buhay kundi ikaw ay sisidlan ng poot ng Dios.
C. Kung ano ang pinili mo, doon ka ihahantong ng Panginoong Jesucristo at doon Niya igagawad ang Kaniyang katarungan sa iyo ayon sa malayang pagpili mo.
marioq copy

A Sermon Outline By Rev. Mario I. Quitoriano

top

Leave a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: