Posts

Mabuhay sa Pagsampalataya

Mabuhay sa Pagsampalataya

Matthew Chapter 25-The Parable of the 10 Virgins and The Judgment of Nations

Intro:   Ang buong Biblia ay nakafocus sa PanginoongJesucristo. Ang usapin, pinapaksa, tinutukoy, pinapatungkolan, ang tinutudla, ang ipinapatutuo ng buong Biblia ay walang iba kundi ang PanginoongJesucristo. Sa Old Testament-Jn. 5:39-40; Lk 24:44. Sa New Testament-Jn. 20:31; 1 Jn. 5:13. Samakatuwid, ang Biblia ay:

  1. Christocentric. The Bible is aimed at, focused or centered on, homing-in, dwelling upon and addressed to as well as destined only for the Lord Jesus Christ HIMSELF.(Heb. 12:2) Until one’s all has been devoted to the Lord Jesus Christ, that one is not yet a Christian, because Christianity is devoting, committing your all to the Lord Jesus Christ.Ang pagtutuunan mo ng buhay mo at buong devotion mo ay si Jesus at pinaghahandaan mo ang Kaniyang pagbabalik dahil ang utos Niya ay “Occupy till I come.” (Lk. 19:13-the parable of the ten pounds.)
  2. Christoregulated or Christonormative. The Bible is according to the rule/norm/standard/parameter of Christ Jesus.(WWJD – if Jesus were in my shoes, what would Jesus do?) Kung ang Panginoong Jesucristo ay matuwid (katotohanan, katuwiran, pagmamagandang-loob), ikaw ay mabubuhaynamatuwid (sakatotohanan, sakatuwiran, sa pagmamagandang-loob). (Col. 3:17; 23-24)
  3. Christological. The Bible is according to the mind, reason and argumentation of the Lord Jesus Christ (meaning, it is based on Christ’s reasoning, logic or rationale). The Bible is according to the reasoning, logic, rationale, mind of the Lord Jesus Christ. (1 Cor. 2:16; Phil. 2:5) Ang buong Biblia ay nangangatuwiran ayon sa kaisipan ng Panginoong Jesucristo. Maging marunong tayo sa karunungan ni Jesus.
marioq copy

Rev. Archbishop Mario I. Quitoriano

Check-up: Pagkatapos ng mahigit na 20 years na pinapagaralan natin ang Biblia, dapat experts na tayo sa Biblia.  At kung in-apply natin sa ating buhay ang katuruan sa Biblia, dapat ang ating buhay ay Christocentric (nakatuon kay Cristo), Christoregulated (sang-ayon sa patakaran ni Cristo) at  Christonormative or Christological (sang-ayon sa kaisipan ni Cristo). Pagkatapos ng mahigit 20 years, natuto ba tayo sa Panginoon Jesucristo? Nakatuon ba o nakadevotion ba ang ating buhay kay Jesus?

  1. Christocentric-Nakatuon ba ang buhay mo kay Cristo?
  2. Basahin ang talinghaga ng 10 virgen o 10 dalaga. Lima ay matalino at ang ibang lima ay mangmang, hibang, may kinahuhumalingan bagamat mga virgen. Ang ibig sabihin ng “virgin” o dalaga ay malinis sila. Ngunit kahit malinis, iba ang kursunada, iba ang kinahuhumalingan. Hindi naka-focus sa bridegroom at ang kaniyang pagdating ang kanilang ginagawa. Ito ang 5 foolish virgins. Sa kabilang dako, itong 5 wise virgins, naka-focus ang kanilang Gawain sa paghahanda sa pagdating ng kasintahang lalake. Ang kasintahang lalake ay sumasagisag sa Panginoong Jesucristo.
  3. Itong lima nahibang na virgen, gaya ng ibang mga tao na nagsasabi, “malinis naman ang buhay ko, wala naman akong ginagawang kasalanan, hindi ako namumuwerhisiyo sa mgatao.” Ngunit hindi naman sila naka-focus kay Jesus, hindi nakatuon, hindi naghahanda para kay Jesus. So they are not ready for Jesus when He comes again although they are virgins. Ang isang matingkad na itinuturo sa Bible ay ang pagbabalik ng Panginoon at itong pagbabalik ng Panginoon ay pinaghahandaan.
  4. Paano?Isinalarawan dito na ang paghahanda sa pagdating ng Panginoong Jesucristo ay pagkaroon ng langis iyong mga dalaga sa kanilang mga ilaw anupang pagdating ng kasintahang lalake, sila ay makapagsindi ng kanilang ilawan at masalubong nila ang kasintahang lalake. Kaya noong dumating ang bridegroom, naiwanan sila dahil walang langis iyong ilawan nila samantala ang mga limang virgin namatalino na naghahanda para kay Jesus, nakasalubong sila at naisama sila sa kasalan. Samakatuwid, dapat tayo ay handa sa pagdating ng Panginoong Jesucristo at hindi tayo maiwanan sa rapture. (Jn 14:1-3;1 Thess. 4:16-18)
  5. Bakit kinakailangan ng langis ng mga dalaga ng langis sa pagsalubong sa kasintahang lalake? Ano ba itong langis? Ang langis ay sumasagisag sa Banal na Espirito. Ang wala nit oay gaya ng mga tao sa mga hulin garaw ang isa sa kanilang katangian ay sinasabi sa 2 Tim. 3:5-na mga tao n amayroon silang anyo ng kabanalan ngunit tinatanggihan ang kapangyarihan nito. Ang Banal na Espirito ay nanunumbat patungkol sa kasalanan, sa katuwiran, sa paghatol at inaakay tayo sa lahat ng katotohanan. (Jn. 16: 7-13) Maraming ayaw mag-paakay sa Banal na Espirito, bagamat sinasabi ng Espirito, “Today when you hear His voice, harden not your hearts.” (Heb. 3:7; 4:7) Ang mga taong ito ay nagmamatigas ng puso sa Espirito Santo. They refuse the Holy Spirit to exert influence in their unrestrained lives. They go through the external measures of being a Christian but they deny the washing by regeneration and the renewal of the Holy Spirit. (Ti. 3:5) Psalm 62:4 They bless with their mouth but inwardly they curse.
  6. Ito ang dahilan bakit sila naiwanan. Hindi sila nagpapaakay sa Banal na Espirito sa lubusang pag-devotion sa Panginoong Jesucristo (Jn. 16:13 – Howbeit when he, the Spirit of truth, is come, he will guide you into all truth: for he shall not speak of himself; but whatsoever he shall hear, that shall he speak: and he will shew you things to come.) Maaring mahirap maalaman ng kalooban ng tao kung talagang nakatuon o nakafocusna ang kaniyang buhay sa Panginoong Jesucristo o hindi pa. Subalit may mga palatadaan ang isang nakatuon na buhay kay Jesus. Prov. 20:11 Even a child is known by his doings, whether his work be pure, and whether it be right.
  7. Dapat ginagawa natin ay naghihintay sa pagdating ng Panginoong Jesucristo. (Tit. 2:13 – Looking for that blessed hope, and the glorious appearing of the great God and our Saviour Jesus Christ.) Anong mangyayari kung hindi ka nakafocus kay Jesus? Kung hindi tayo tumatanaw sa pagdating ng Panginoong Jesus, madali tayong maging (a) “complacent Christian,”masyadong palagay ang kalooban (complacent) o maging (b) “Christians by convenience” o iyong tinatawag sa Rev. 3:16na (c) lukewarm Christians na isusuka ng Panginoon sa pagkat hindi malaman kung mainit o malamig. Kaya ang mga ganitong nag-aangking Cristiyano na hindi nakafocus sa Panginoong Jesucristo ang kanilang buong devotion at buhay ay maiiwanan kapag dumating na ang Panginoong Jesucristo upang kunin ang mga tapat sa Kaniya. The lesson: Kahit virgin ka, kahit malinis ang buhay mo, moral ang buhay mo, kinakailangang mabuhay ka nanakafocus kay Jesus dahil kung hindi, hindi ka makakasama sa kukunin ng Panginoon buhat sa napahamak na sanlibutan na ito.
  8. Christoregulated.Sang- ayon ba ang buhay mo sa patakaran ni Cristo? (WWJD)
  9. Ngayon, nagkaroon ng judgment ang Panginoon. Hinati Niya ang mga tao sa dalawang pangkat: righteous (good, faithful servants) at wicked (workers of iniquity). Mayroon pang ibang pagkakatawag: iyong righteous ay mga tupa na inilagay ni Jesus hindi lamang sa kanang kamay Niya at bilang pinagpala ng Ama ay pinapasok Niya sila sa kaharian na inihanda para sa kanila bago pa natatag ang sanlibutan. Bakit?Sapagkat lahat ng kanilang ginawa sa mga maliliit, iyong mga walang kaya, iyong mga nangangailangan ng kalinga, ginawa nila ang mga iyon, alang-alang sa Panginoong Jesucristo. (Col. 3:17; 23-24) Sa kabilang dako naman, iyong mga wicked, ang tawag ay mga kambing. Ang mga ito ay cast into the outer darkness where there is weeping and gnashing of teeth. Bakit sila naitapon sa kadiliman sa labas? Dahil lahat ng kanilang hindi ginawa sa mga maliliit, sa mga walang kaya, sa mga nangangailangan ay hindi nila ginawa sa Panginoong Jesucristo. Wala silang ginawa o ipinaglingkod para sa Panginoong Jesucristo. Ang kanilang paglilingkod ay alang-alang sa sarili o sa tao.(Col. 3:17; 23-24)
  10. Ano ba ang definition ng righteous sa Bible as predicated on human being? Sa Bible ay walang mabuti maliban sa Dios. (Lk. 18:18-19 – And Jesus said unto him, Why callest thou me good? none is good, save one, that is, God.) Sa Bible, except the Lord Jesus Christ, sinasabi na there is none righteous, no not one (Rom. 3:10) for all have sinned and come short of the glory of God. (Rom. 3:23) Everything is crooked in this world. Even the straight line in mathematics is called straight only by definition-“A straight line is the shortest distance between two points.” Instead, Jesus who knew no sin was made sin for us that we might be made the righteousness of God in Him. (2 Cor. 5:21) Jesus is made unto us our wisdom, righteousness, redemption and sanctification.(1 Cor. 1:30) Jesus is our absolute righteousness. Kaya ang tao na matuwid ay iyong tao na  nabubuhay sa pananampalataya sa Panginoon. (Hab. 2:4; Rom. 1:17) Throughout the New Testament, the righteous shall live by faith in the Lord Jesus Christ. Therefore, anyone adhering to the Lord Jesus Christ is counted righteous not by the works that person has done but by the person of the Lord Jesus Christ. Magiging righteous ka lamang kapag faithful ka kay Jesus-for the righteous shall live by faith in the Lord Jesus Christ. Kung tapat ka kay Jesus, ikinumpurme mo ang buhay mo sa Kaniya. ka nagiging matuwid,  hindi saiyong sariling katuwiran kundi sakatuwiran ni Jesus.
  11. Practical Application: Ang tunay na Cristiyano ay nabubuhay kay Jesus, nabubuhay sa pagsampalataya sa Panginoong Jesucristo. Kung si Jesus na ang iyong katuwiran, (katotohanan) ikaw ba ay nabubuhay sa katuwiran (katotohanan) ni Jesus? Lahat ba ng ginagawa mo ay ayon sa gusto ni Jesus? (WWJD) Sa loob ng tahanan, ganoon din sa eskuwela, sa opisina, sa negosyo, kahit sa gawain ng Panginoon ginagawa ba natin alang-alang at batay sa gusto ni Jesus?
  12. Christonormative – Magpakarunong ayon sa karunungan ni Jesus.
  13. Ang wika  sa Gen 8:22 Samantalang ang lupa ay lumalagi, ay hindi maglilikat ang paghahasik at pagaani, at ang lamig at init, at ang tag-araw at ta-ginaw, at ang araw at gabi.Walang pag-aani kung walang pagtatanim. Itong ganitong kalakaran ng mundong ito ay hindi maiwasan ng sinoman sa atin. Ikaw man ay businessman, tindera, labandera, pastor o bible study leader, hindi ka makakaiwas sa tuntunin ng Panginoong Jesucristo. Magtatanim tayo para makaani dahil ito ang ginawa ng Panginoon na kalakaran dito sa mundo.
  14. Ang pagtatanim ay hindi lamang may kinalaman sa butil ng palay o trigo o bungangkahoy. Sa Biblia, ang pagtatanim ay may kinalaman kung ano ang iyong itinatanim.

(a)  Sa Job 4:8 ay binabanggit, “Even as I have seen, they that plow iniquity, and sow wickedness, reap the same. Ang pag-aararo sa kasalanan at pagtatanim sa kasamaan ay aani ng gayon.” Sa Hosea 10:12-13 Ye have plowed wickedness, ye have reaped iniquity. Diyan ay binabanggit ang pagtatanim sa kasamaan ay may pag-aani ng kasalanan. Pinasulat pa rin ng Panginoon kay Hosea, “For they have sown the wind, and they shall reap the whirlwind.”(Hos 8:7) Ang propeta sa Old Testament ay nagsasabi na kung magtanim ka sa hangin at magaani ka ng ipo-ipo. Kung nagtanim ka ng walang kabuluhan, katakot-takot na walang-kabuluhan ang darating sa iyo.

(b) Sa kabilang dako, sinasabi rin na sila na nagsisipaghasik na “They that sow in tears shall reap in joy.He that goeth forth and weepeth, bearing precious seed, shall doubtless come again with rejoicing, bringing his sheaves with him.” (Ps. 126:5-6) Silang nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan. Wika nga ng isang awit, “Ang Magtanim Ay Di Biro.” Ang pagtatanim ay mahirap, mapapaluha ka ngunit may guarantee ang PanginoongJesucristo – ang nagsisipaghasik na may luha ay walang salang magsisipag-ani na may kagalakan.

  1. Importante na mag-ingat tayo sa pagtatanim. Sa Gal. 6:7 ay sinasabi, “Huwag kayong padadaya; ang Dios ay hindi napapabiro. Whatsoever a man soweth, that shall he also reap.” Ito ay dapa tmagbigay sa atin ng warning na mag-iingat tayo sa pagtatanim. Sa Psa126:6 “He that goeth forth and weepeth, bearing precious seed, shall doubtless come again with rejoicing, bringing his sheaves with him,” ay binabang gitna ang dalhin upang itanim ay “precious seed”. Kaya ang dapat na itanim ay iyong“precious seed”. Sa Gal. 6:8 Sapagka’t ang naghahasik ng saka niyang sariling laman ay sa laman mag-aani ng kasiraan; datapuwa’t ang naghahasik ng sa Espiritu ay sa Espiritu mag-aani ng buhay na walang hanggan. Bantayan natin ang ating sarili na huwag matukso na magtanim sa laman. Kapag magtanim tayo sa laman ay sa laman tayo mag-aani ng kasiraan. Tiyakin natin na tayo ay nagtatanim sa Espirito upang sa Espirito tayo aani ng buhay na walang hanggan. At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti: sapagka’t sa kapanahunan ay magsisipag-ani tayo, kung hindi tayo mangang-hihimagod.(Gal. 6:9)
  2. Ano ang dapat nating itanim? Magtanim sa Espirito. Ano ang bunga ng Espirito? (Gal. 5:22) Sa anomang gagawin natin kapag magtanim tayo ng pagibig, aani tayo ng pagibig. Magtanim ng kagalakan, mag-aani ka ng kagalakan. Magtanim ng kapayapaan, magaani ka ng kapayapaan, atbp. Sa madaling salita, tinuturuan tayo ng Panginoon na maging matuwid tayo, maging tapat tayo, maging makatotohanan tayo. Sa 2 Cor. 9:6 (But this I say, He which soweth sparingly shall reap also sparingly; and he which soweth bountifully shall reap also bountifully.) ay itinuturo ang proportionate reaping. Sinasabi na ang naghahasik ng kakaunti ay magaani ng kakaunti; subalit ang naghahasik ng sagana ay magaani ng sagana. Kapagnagtanim ka ng kabutihan, magaani ka ng masaganangkabutihan. Subalit kung nagtanim ka ng kasamaan, katako-takot naka samaan at katakot-takot na kasiraan ang iyon gaanihin.
  3. CHECK-UP

14  Kaya tignan mo, anoman ang iyong ginagawa, ito ba ay Christocentric (nakatuon kay Cristo), Christoregulated (sang-ayon sa patakaran ni Cristo) at Christonormative or Christological (sangayon sa kaisipan ni  Cristo)? Ang gawa mo ba ay ayon sa katuwiran, katotohanan, pagmamgandang-loob ng Panginoong Jesucristo? Samakatuwid, ang ginagawa mo ba ay matuwid, makatotohanan, mapagmagandang-loob? Ito ba ay nagbibigay kaluwalhatian sa Panginoon Jesucristo? Ito ba ay ayon sa buhay pananampalataya? Kung gayon garantisado ng PanginoonJesucristonaaani ka ng buhay na walang hanggan. Ingatan mo lang at tiyakin mo lang na ang iyong  ginagawa ay paghahasik sa Espirito upang sa Espirito, ikaw ay aani ng buhay na walang hanggan sapagkat kung sala man ka naghahasik ikaw ay sala man aani ng kasiraan. Siyasatin mo ang iyong sarili-ano ang itinatanim mo?

by Rev. Mario I. Quitoriano

PS: Anyone may freely use this as a Sermon or topic for Bible Study. May the Lord Jesus bless His word as it goes out to the world.

 

Leave a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: