What is in the Name of Jesus?
For PDF copy please click here: What is in the Name of Jesus
What is in the Name of Jesus?
- Nagkaroon ng pagsusuri (survey) ng LifeWay Research ng America na inilabas sa linggo ng Paskua (Passover). Ito ay may kaugnayan sa pananaw ng mga Amerikanong pastor na ang mga pangkasalukuyan na pangyayari ay nagpapahiwatig na tayo ay nasa huling mga araw at ang Messias o Cristo ay paririto na. Ito ang kinalabasan ng survey:
- Tanong: “Do you consider any of the following types of current events to be the ‘birth pains’ that Jesus was referring to when He was asked by His disciples when He would return?”
- The rise of false prophets and false teachings 83%
- The love of any believers growing cold 81%
- Traditional morals becoming less accepted 79%
- Wars and national conflicts 78%
- Earthquakes and other natural disasters 76%
- Tunay nga na malapit na ang pagbabalik (2nd Coming) ng Panginoong Jesucristo dahil sa makahulugan na tanda. Una, nabuo muli ang bayan ng Panginoon na Israel noong 14 May 948. Pangalawa, pagkatapos ng halos 2,000 taon na nangapagsikalat ang mga Hudyo sa ibat ibang dako ng daigdig. nangagtipon at nakauwi ang maraming mga Hudyo. Ito ang tinatawag nil ana Aliyah na hanggang ngayon ay naguuwian pa ang mga Hudyo mula sa iba’t ibang panig ng daigdig. Pangatlo, ang punong lungsod ng Israel na Jerusalem ay nabawi muli ng Israel at nasa kamay muli ng mga Hudyo. Ibig sabihin ay nangabuo na ang bayan ng Panginoong Jesucristo na kung saan doon itatayo ng Panginoong Jesucristo ang Kaniyang paghahari sa daigdig sa loob ng 1,000 taon.
- Madalas natatalakay ang mga tanda na nabanggit ng Panginoon Jesus doon sa Mateo 24:1-8 (pagkakaroon ng bulaang propeta at bulaang Cristo, digmaan at alingawngaw ng digmaan, taggutom, peste at magkakaroon ng lindol sa iba’t ibang dako ng planetang lupa. Subalit madalang nababanggit iyong ikalawa na nababanggit sa Matthew 24: 9-12 na ipinahayag ng Panginoong Jesucristo na isa sa palatandaan ng malapit na Niyang pagbabalik ay iyong sinasabi Niya na “and ye shall be hated of all nations for my name’s sake” (at kayo’y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan).
- Isa sa mga mangyayari bago iyong ikalawang pagparito (2nd Coming ang tinutuoy dito at hindi iyong Rapture) ng Panginoong Jesucristo ay iyong pagkapoot ng mga bansa sa mga nagtalaga ng kanilang lahat kay Jesus sa kadahilanan ng pangalan ng Panginoong Jesucristo.
- Belief or non-belief in Jesus will polarize the world or the humankind. Hinahati sa dalawang magkaibayong pananaw at paninindigan at pananampalataya at kapasiyahan ang sangkatauhan sa huling mga araw. Sa isang dako ay ang mga tuluyan at tuwiran agad na nagtatalaga ng anilang lahat sa Panginoong Jesucristo at sa kabilang dako ay ang mga hindi nagtalaga ng kanilang lahat sa Panginoong Jesucristo. At ang mga hindi nagtalaga ng kanilang lahat sa Panginoong Jesucristo ay napopoot sa ga nagtalaga ng kanilang lahat sa Panginoong Jesucristo at ang dahilan ng kanilang pagkapoot ay ang pangalan ng Panginoong Jesucristo.
Bakit? Anong mayroon sa pangalan ng Panginoong Jesucristo na knapopootan ng mga ayaw magtalaga ng kanilang lahat sa Panginoong Jesucristo? Mga kadahilanan:
- Sapagakat ayon sa Gawa 4:12 na sinasabi “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas. Ang tinutukoy na pangalan ay ang pangalang Jesus. Ayon pa rin sa Mateo 1:21 na upang maganap iyong ipinahayag ni propetang Isaias na iyong lalake na ipapanganak ng birhen sa Isaias 7:14, “ang pangalang itatawag sa kaniya’y JESUS sapagka’t ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan.” Ang pangalang Jesus ay hango sa salitang Hebreo na “Yahwehshua” na pinaikling Yeshua (sa Griego ay Jesu) na ang kahulugan ay si “Yahweh ang kaligtasan”.
Ipagpipilitan ang marami na mayroon silang ibang daan (works, devotion to the saints, membership in a church or organization, atbp. Subalit pinagdiriinan ng Panginoong Jesucristo, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.” (John 14:6)
- Ang pangalang Jesus ay may angking hinihingi sa lahat at bawat tao:
- Sa pangalang Jesus sumampalataya ang lahat at bawat isa. Walang ibang sasampalatayanan kundi ang pangalang Jesus.
- Ang mga sumasampalataya sa Panginoong Jesus ay nangangahulugan na tumanggap sila sa Panginoon. (Jn 1:12) Tinanggap bilang ano? Sa larangan ng usapin sa John Chapter 1, sinasabi na si Jesus ay naparito sa sariling Kaniya (buong sanlibutan na nilalang Niya ay Kaniya) ngunit tinanggihan Siya ng sariling Kaniya. Subalit sa lahat ng tumanggap sa Kaniya, sila ay binigyan ng karapatan na maging anak ng Dios (born again to be the sons of God) hindi sa kagustuhan ng laman o ng dugo o kagustuhan ng tao kundi sa kagustuhan ng Dios. Sa Bible, dalawa lamang ang uri ng pagiging anak. Kung hindi ka anak ng Dios (John 1:12) ikaw ay anak ng diyablo ayon sa John 8:44. na sinasabi ng Paginoong Jesus, “Nguni’t dahil sa sinasabi ko ang katotohanan, ay hindi ninyo ako sinasampalatayanan.” (John 8:45)
- Paano mo tanggapin si Jesus na Dios Anak na nagkatawang tao (John 1:14)? Tanggapin mo si Jesus sa Kaniyang kapuspusan; sa kapuspusan ng Kaniyang biyaya at pagmamagandang loob at katotohanan (Jn 1:16-17) Kung ganoon. hindi tayo mabubuhay sa sama ng loob kundi sa kapupusan ng pagmamagandang loob ng Panginoong Jesucristo. Hindi na rin tayo mabubuhay sa kasinungalingan dahil tinanggap natin si Jesus na Siyang kapuspusan ng katotohanan. Samakatuwid, ang sumampalataya sa Panginoong Jesus ay ginugugol niya ang buhay niya sa pagmamagandang loob at katotohanan na nakay Cristo Jesus. Dito maraming ayaw sumampalataya sa Panginoong Jesucristo sapagkat ayaw ang marami na ayaw mabuhay sa katotohanan ng Panignoong Jesucristo at ayaw umalis sa kasinungalingang nakagisnan nila. Halimbawa, ayaw nila umalis sa pagsamba sa diosdiosan at dapat sumampalataya at tanggapin ang Panginoong Jesus na kanilang lahat sa lahat upang hindi na sila namamasyal sa mga santo depende sa kanilang pangangailangan. Sa Panginoong Jesucristo, Siyan a ang katugunan ng lahat nating pangangailangan.
- Walang ibang luluhuran ang tao kundi tanging ang pangalang Jesus. Sa pangalan Jesus ay lahat nang tuhod ay luluhod; tuhod man sa langit, o tuhod sa lupa o tuhod sa ilalim ng lupa o sa impiyerno at ipapahayag ang lumuluhod na si Jesucristo ang kaniyang Panginoon sa ikaluluwalhati ng Dios Ama. (Philippians 2:9-11) Ang pagluhod ay may tatlong katuturan:
- Ipapasakop mo ang iyong lahat sa pagmamay-ari ng Panginoong Jesus. Hindi mo pagmamay-ari ang sarili mo; ikaw ay pagmamay-ari ng Panginoong Jesus (1Corintihians 6:19; 2Corinthians 13:5);
- Isasangayon (confess, Gr, exohomologeo, to agree fully, i.e., you confess that you are a sinner and profess that Jesus is your Lord and Savior) mo ang buhay mo sa kalooban, sa pakay at sa pagkakatawag sa iyo ng Panginoong Jesus;
- Sasamba ka sa pangalang Jesus. Sa Mga Awit, mababasa natin na iyong “bless the Lord” ay kaakibat sa “praise the Lord” na nangangahulugan na magkatulad ang kahulugan. Sa Strong’s Dictionary o sa Brown-Driver-Briggs Dictionary, ang kahulugan ng salitang “bless” (Heb, barak) ay to kneel or by implication to bless God as an act of adoration. Halimbawa: Psalm 104:35b, “ Bless thou the LORD, O my soul. Praise ye the LORD.” Psalm 115:18, “But we will bless the LORD from this time forth and for evermore. Praise the LORD.” Kaya iyong Psalm 103:1 (“A Psalm of David. Bless the LORD, O my soul: and all that is within me, bless his holy name.”) kung isa-Tagalog ay, “Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko: at lahat na nangasa loob ko ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan.” Kaya isa sa angkin na hinihingi ng sa pagluhod sa pangalang ng Panginoong Jesus ay pagupuuri at pagsamba sa Panginoong Jesus.
Kahit ayaw mong lumuhod sa pangalang Jesus ngayon, dumarating ang araw na tiya luluhod ka rin kahit nasa impiyerno ka na, kasama mo si satanas na luluhod din. Lumuhod ka na ngayon at ang mga makakasama mo na lumuluhod kay Jesus ay ang mga anghel at mga hinirang na nasa langit at nangaligtas sa kapahamakan ng impiyerno.
- Dapat walang ibang tatawagan ang tao kundi ang pangalang Jesus. Kung nais ng sinoman na mailigtas sa kahatulan na kamatayan dahil sa kasalanan at siya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan at maging tutuong anak ng Diyos, kailangang tumawag siya sa pangalang Jesus. Bakit?
- Ang pagtawag ay nangangahulugan na iyong tinatawagan ay may kapangyarihan na:
- Magligtas sa kahatulan dahil sa kasalanan. Act 2:21(cf. Romans 10:13) “At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon, ay maliligtas.”
- Magligtas sa kahapisan o apanglawan. 2Samuel 22:7 “Sa aking pagkahapis ay tumawag ako sa Panginoon; Oo, ako’y tumawag sa aking Dios.” Psa 18:6 “Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon, at dumaing ako sa aking Dios: dininig niya ang aking tinig mula sa kaniyang templo, at ang aking daing sa harap niya ay dumating sa loob ng kaniyang mga pakinig.
- Magligtas sa panahon ng kabagabagan. Psa 50:15 At tumawag ka sa akin sa kaarawan ng kabagabagan; ililigtas kita, at iyong luluwalhatiin ako. Psa 91:15 Siya’y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya; ako’y sasa kaniya sa kabagabagan: aking ililigtas siya, at pararangalan siya.
- Magligtas sa katakutan. Panaghoy 3:57 Ikaw ay lumapit sa araw na ako’y tumawag sa iyo; iyong sinabi, Huwag kang matakot.
- Ano ang kinakailangan sa tumatawag sa pangalan ng Panginoong Jesucristo:
- Depart from iniquity. 2Timothy 2:19 Nakikilala ng Panginoon ang mga kaniya: at, lumayo sa kalikuan ang bawa’t isa na sumasambitla ng pangalan ng Panginoon.
- Pure hearts. 2Timothy 2:22 Datapuwa’t layuan mo ang masasamang pita ng kabinataan, at sundin mo ang kabanalan, ang pananampalataya, ang pagibig, ang kapayapaan, kasama ng mga nagsisitawag sa Panginoon mula sa pusong malinis.
- The Exclusivity of Jesus Christ. Dito maraming nagagalit dahil sinasabi sa 1Co 1:2, “Sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, sa makatuwid baga’y sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, na tinawag na mangagbanal, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa’t dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon.” Ayon sa talatang ito, ang ipinapatupad sa tao ng Diyos ay walang ibang tatawagan, saan man at sa lahat ng dako, kundi ang pangalang Jesus. Maraming tao na kung anu-anong pangalan ang tinatawagan. May tumatawag sa mga santo at mga santa, sa mga anghel, pagkatapos magagalit kung mababasa nila na ang tumatawag lamang sa pangalang Jesus ang siya lamang maliligtas.
- Only Jesus held the Office and Position to do the work of the Mediator (1Timothy 2:5; Hebrews 8:6; 7:25) of the whole world all the time and unto eternity. Diyan maraming magagalit sa exclusivity ng kaligtasan sa Panginoong Jesucristo lamang. Bakit hindi kay Buddha, kay Mohamed, kay Shinto, kay Rama o sino pang iba? Bakit hindi si Allah ayon sa mga Muslim? Sapagkat ang Panginoong Jesucristo lamang ang maaaring gumanap ng tungkuling tagapamagitan ng Dios at ng tao o ang tao at ng Dios. Sapagkat tanging ang Panginoong Jesucristo ang Dios Anak na nagkatawang tao upang magka-alinsabay na makatawan Niya ang panig ng Dios at ng panig ng tao. Walang sino mang nilalang na maging Dios o makapantay niya ang Dios sapagkat ang nilalang ay may hanggan at ang Dios ay walang hanggan. Iyan ay minsan tinangka ni satanas subalit napakalaking pagkabigo dahil siya ay inihulog mula sa langit dito sa lupa at dumarating ang araw na ibubulid siya sa dagat-dagatang apoy at asupre hanggang sa kawalang hanggan. (Isaiah 14; Ezekiel 28) Si Buddha, si Mohammed, o sino mang nilalang ay hindi maaaring maging Dios upang makatawan niya ang Dios sa mga tao. Si Allah ay hindi nagkatawang tao upang makatawan niya ang panig ng tao. Wala kang mababasa na si Allah ay naparito sa sanlibutan upang i-alay ang sarili bilang kabayaran ng kasalanan. Dahil sa tunay na Dios, kailangan magkaroon ng katugunan ang katarungan ng Dios. Anong katarungan ng Dios? “Maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran” (ang kasalanan) (Hebrews 9:22; Colossians 1:19-20).
- Kaya dahil diyan walang makakaganap ng tungkuling bilang Tagapamagitan ng Dios at ng tao kundi ang Dios Anak na nagkatawang tao, samakatuwid, ang Panginoong Jesucristo lamang. Ang Dios ay naparito at nanahan sa kalagitnaan natin at ipinahayag ang kaluwalhatian ng Dios sa sangkatauhan sa pamamagitan ng Dios Anak na nagkatawang tao (John 1:14; Philippians 2:6-9; Colossians 2:9), ang Panginoong Jesucristo, na Siyang larawan ng Dios na di-nakikita (Colossians 1:15; Hebrews 1:3). Ito ang Kaniyang tungkuling pagka-Propeta (Revelation 1:1-2; 19:10; Hebrews 1:1-2) na nangngahulugan na si Jesus ang buong kapahayagan ng Dios na di-nakikita at nagpapakilala patungkol sa Dios tungo sa mga nilalang. At sa Kaniyang pagkakatawang tao, itong Dios Anak na ito ang kumatawan sa sangkatauhan at umako sa kasalanan ng buong sanlibutan (Hebrews 10:5-10; 2Corinthians 5:21; Galatians 2:20) at sa pagkasi ng Banal na Espirito sa Dios Anak, ini-alay ng Dios Anak sa Dios Ama ang buhay ng Kaniyang katawang tao na walang bahid na kasalanan hanggang kamatayan (Hebrews 9:14). Ito ang Kaniyang tungkulin bilang Mataas na Saserdote na naghahain ng hain sa ikapapatawad ng sa kasalanan ng sankatauhan at ng buong sanlibutan (Hebrews 10:10). Sa buong kasaysayan ng buong sanlibutan, walang sinoman na nakagawa nitong gawain ng pagka-saserdote kundi itong Dios Anak na nagkatawang tao, walang iba kundi ang Paninoong Jesucristo. Kaya naman Siya ay biniyan ng pangalan na higit na mataas kaysa lahat na pangalan upang ang lahat na tuhod sa langit, sa lupa, sa ilalim ng lupa ay luluhod at bawat labi ay magsasabi na itong Jesus na ito ay Panginoon ng lahat sa ikaluluwalhati ng Dios Ama. (Philippians 2:9-11) Dahil diyan, ang Panginoong Jesucristo ay babalik upang Siya ang luluklok na Hari sa walang hanggang kaharian ng Dios at Siya ang maging Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon. (Revelation 19:16)
- Jesus said, “Surely I come quickly.” Amen. (Maranatha) Even so, come, Lord Jesus. (Revelation 22:20)
Leave a comment