Posts

Ano Ang Gagawin Ko Kay Jesus Na Cristo

Rev Mar’s April 12, 2020 sermon’s transcript. For PDF copy, please click here: Ano Ang Gagawin Ko Kay Jesus Na Cristo

Ano Ang Gagawin Ko Kay Jesus Na Tinatawag
Na Cristo?
Mateo 27:11-23
1. Katanungan sa panahon na ito:
a. Tinanong ni Pilato ito tanong na ito mga 2000 taon na ang nakakalipas subalit itong tanong na
ito ngayon ay kasinsariwa niya noon. Tinanong ito ni Pilato sa madlang Hudyo bago ibigay
ang Panginoong Jesus sa kanila upang ipako sa krus. Ang tanong ay makahulugan,
pangpersonal at hindi maaaring ipagpaliban na sagutin. At bawat isa sa atin, gaya ni Pilato,
gaya ng mga Hudyo ay kinakailangang sagutin itong tanong na ito.
b. Itong tanong na ito ay nasa inyong harapan ngayon at kung hindi ninyo pa ito napagtutuos at
nasasagot sa inyong puso, kinakailangan na ipagpasiya ninyo sa inyong puso, sa inyong
pananalita at pamumuhay ay sasagutin itong tanong na ito: Ano ang aking gagawin kay Jesus
na tinatawag na Cristo?
2. Paalaala: Sa inyong pagtutuos kung ano ang inyong magiging sagot, ako ay maghaharap sa inyo
ng ibat-ibang mga testigo sa panig at laban sa panig ni Jesus na tinatawag na Cristo. Tignan din
natin ang kinalalagyan ni Pilato. Bago tayo magpatuloy, alalahanin ninyo na:
a. Sa panahon na iyon, ang kahihinatnan ni Jesucristo ay nasa kamay ni Pilato. Subalit
dumating ang panahon na ang kahihinatnan din ni Pilato ay nasa kamay ni Jesus.
b. Sa araw na ito, si Jesucristo ay nasa inyong kamay, nasa inyong pagpapasiya subalit
dumarating ang araw na ang inyong kahihinatnan ay nasa kamay ni Jesus.
c. Sa panahon na iyon, si Jesucristo ay nakatayo sa harapan ni Pilato upang mahatulan subalit
dumating ang araw na si Pilato ay tumayo sa harapan ni Jesus upang siya ay hatulan.
d. Sa araw na ito, si Jesus ay nakatayo sa inyong harapan. Ngunit hindi magtatagal, ikaw ay
tatayo sa harapan ni Jesucristo upang hatulan ng makatuwirang Hukom ng lahat.
Kaya itong tanong na ito ay makahulugan, pangsariling katanungan at hindi maaaring ipagpaliban
ang pagsagot sa tanong, “Ano ang gagawin ko kay Jesus na tinatawag na Cristo?”
3. Simulan nating tignan ang kalalagayan ni Pilato. Si Pilato ay hindi mangmang sa mga
pagpapasiya niya. Hindi siya maaaring gawin na Gobernador ng Roma na siya ay mangmang.
May ibat-ibang mga tinig na tumutuos kay Pilato sa kaniyang pagbuo ng kaniyang pasiya kung
ano ang kaniyang gagawin kay Jesus.
a. Tinig ng budhi. Sabi ng Biblia na alam ni Pilato na kaya nila dinakip si Jesus ay dahil sa inggit
ng mga pinuno ng relihiyon at ito ay kanilang gawa-gawa lamang. (Matt 27:8).
b. Tinig ng katuwiran. Napakinggan ni Pilato ang lahat ng mga testigo lat kaniyang sinabi, “Wala
akong nasumpungan na sala sa kaniya.” (John 19:6)
c. Tinig ng kaniyang asawa. Ang asawa ni Pilato ay maka-Dios at kaniyang sinabi, “have nothing
to do with this man for I have suffered many things today in a dream because of Him.” (Matt
27:19).
d. Tinig ng Dios. Nangusap ang Dios kay Pilato dahil kaharap niya si Jesus. Sinabi ni Pilato kay
Jesus, “Hindi mo baga nalalaman na ako’y may kapangyarihang sa iyo’y mapalaya at may
kapangyarihang sa iyo’y mapako sa krus? Ngunit sumagot si Jesus, “Anomang
kapangyarihan ay hindi ka magkakaroon laban sa akin malibang ito’y ibinigay sa iyo mula sa
itaas.” (John 19:10-11).
4. Dahil sa mga tinig na ito, nagkaroon sana si Pilato ng pagkakataon at kakayahan na ibigay niya
ang kaniyang puso kay Jesucristo. Subalit liban sa mga tinig na na tumutuos sa kaniya may mga
ibang tinig pa na pumipigil sa kaniya. Ito ay:
a. Ang masasabi ng madla sa kaniya. Sinasabi ng Biblia na gusto ni Pilato na mabigyan ng
kasiyahan ang madla. Gaya ni Pilato na takot na may masabi ang mga tao, mayroon sa inyo
na takot na ibigay ang inyong puso kay Jesucristo dahil baka kayo pagtawanan ng inyong
mga kaibigan o mga kasamahan, o mga kasambahay o mga kapitbahay.
b. Puwesto sa lipunan at kayamanan. Bilang Gobernador, si Pilato ay kaniyang pinakakaingatan
ang masarap niyang puwesto na nagbibigay sa kaniya ng maraming pakinabang.
Nangangamba siya na isumbong siya kay Cesar ng Roma na pinanigan niya si Jesus na
nagaangkin na Siya ay hari, samantala sinasabi ng mga Hudyo na wala silang hari kundi si
Cesar. Natakot si Pilato na mawalaan ng puwesto at mga pakinabang ng kaniyang puwesto.
c. Palalo. Sinabi ni Pilato kay Jesus, sagutin mo ako. Hindi mo ba alam na may kapangyarihan
akong palayain ka?” Pilate said to Jesus, “answer me. Don’t you know that I have the power
to release you?” Si Pilato ay nagngangalit sa yabang. Bawat isa na nakatanikala sa
pagkapalalo ay pabulosok sa impiyerno. Pagkapalalo ang sumira ng ulo ni satanas kaya siya
ibinagsak dito sa lupa. Proverb 16:18 Pride goeth before destruction, and an haughty spirit
before a fall.
5. Tignan hindi lamang ang mga ibat-ibang mga tinig na tumutuos kay Pilato. Sa isang pakunwaring
ceremonias, siya ay naghugas sa kaniyang mga malasutlang kamay at sinabi, “Wala akong
kasalanan sa pagtitigis ng dugo ng taong ito.” Pansinin:
a. Tutuo na hindi pasiya ni Pilato na si Jesus ay mapako sa krus.
b. Tutuo na hindi ang kamay ni Pilato ang pumalo at bumugbog sa mukha ni Jesus.
c. Tutuo na hindi ang kamay ni Pilato ang nagpako sa nanginginig na kamay ni Jesus.
d. Tutuo na hindi ang kamay ni Pilato ang sumibat sa tagiliran ni Jesus.
Subalit ang hindi pagpasiya ni Pilato sa tamang panig ng Panginoong Jesucristo ay siyang dahilan
kung bakit napalaya si Barrabas at napako si Jesus. Sabi ni Jesus, “Siyang hindi panig sa akin ay
laban sa akin. At siyang laban sa akin ay sasambulat.” Ito ay walang katarungang kahatulan. It is
a travesty of justice.
6. Sa araw na ito, muli nating iharap sa inyo si Jesus upang magkaroon ng makatarungang
kahatulan. Ilagay natin si Jesus sa panig ng nasasakdal. Bawat isa sa inyo ay kabilang sa
samahan ng mga tagahatol. At ating papakinggan ang mga katibayan patungkol kay Jesucristo at
inyong sasagutin itong dalawang katanungan:
a. Ano ang pagkakilala ninyo patungkol kay Jesucristo?
b. Ano ang gagawin mo kay Jesus?
7. Ihaharap ko sa inyo ang mga testigo at tatanungin natin sila, “Ano ang pagkakilala ninyo
patungkol kay Cristo?” At itong mga testigong ito ay sasagot mula sa Banal na Kasulatan. Bawat
patutuo ng testigo ay batay sa walang kamaliang di nagmamaliw na Salita ng Dios, ang Biblia.
a. Una, tawagin natin ang lalake sa ilang, ang naghahanda para sa pagdating ng Panginoon, si
Juan Bautista . “Juan Bautista, ano ang pagkakilala mo kay Jesucristo? Sagot ni Juan,
“Masdan ang Kordero ng Dios na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan.” ( John 1:29 ).
b. Pangalawa, tawagin natin ang mangingisda, si Simon Pedro . Simon Bar-jona, sabihin mo ang
katotohanan at pawang katotohanan, ano ang pagkakilala mo kay Jesucristo? Pakinggan ang
patutuo ni Pedro, “Ikaw ang Cristo, ang Anak ng laging nabubuhay na Dios.” ( Matt. 16:16 ).
c. Ngayon tawagin natin si apostol Juan . Juan, lagi kang malalim magisip, “ano ang pagkakilala
mo kay Jesucristo?” Ang pahayag ni Juan, “Sa panimula ay ang Salita at ang Salita ay
sumasa Dios at ang Salita ay Dios.” Lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan Niya at
walang anoman na nalalang kung wala Siya. Siya ay dati nang nasa sanglibutan at ang
2
sanglibutan ay ginawa sa pamamagitan Niya. Siya ay naparito sa sariling kaniya subalit hindi
Siya tinanggap ng sariling Kaniya. Subalit sa lahat na nagsitanggap sa Kaniya, sila ay
Kaniyang binigyan ng karapatan na maging anak ng Dios, na ipinanganak hindi sa
pamamagitan ng dugo ni sa laman ni sa kagustuhan ng tao kundi sa Dios. At ang Salita ay
nagkatawang tao at nanahan sa ating kalagitnaan at namasdan natin ang Kaniyang
kaluwalhatian ang kaluwalhatian ng tanging Anak na kauri ng Dios na Siya ay puspos ng
biyaya at katotohanan.” (John chapter 1).
d. Tawagin natin ang isa sa mga pinakadalubhasa patungkol sa mga kautusan ng Dios sa
Lumang Tipan, isang pinakamarunong na magaaral sa paanan ni Gamaliel, isang bantog na
mangangaral. Siya ay si apostol Pablo. Pakinggan ang pahayag ni Pablo,
Pablo, sabihin mo sa mga hukom na ito kung ano ang pagkakilala mo kay Jesucristo. “Siya ang
larawan ng Dios na hindi nakikita, bagamat Siya ay nasa anyong Dios, hindi Niya inaring
makapantay ang Dios. Kundi tinimpi Niya ang kaniyang pagka-Dios at inako Niya ang anyong
alila at Siya ay nagkatawang tao. At nang Siya ay nasumpungan sa anyong tao, Siya ay
nagpakumbaba at naging masunurin hanggang kamatayan, samakatuwid, ang kamatayan sa
krus. Dahil doon, Siya ay itinaas ng Dios sa kataastaasan at binigyan Siya ng pangalan na
higit sa lahat at bawat pangalan. Na sa pangalan ni Jesus, lahat ng tuhod ay luluhod at lahat
ng dila ay magpapahayag na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama. ( Col.
1:15; Phil. 2:6-11 ).
e. Kailangan bang may babaeng magpatutuo? Tawagin si Mari a. “Maria, kayo ni Marta, naging
panauhin ninyo si Jesus sa inyong bahay. Ano ang pagkakilala mo kay Jesucristo?” Buong
pusong ipinapatutuo ni Maria, “Sumasampalataya ako na Siya ay Cristo, ang Anak ng Dios,
na paparito sa sanglibutan.” ( Jn. 11:27 ).
f. Gagawin ko ang isang bagay na hindi pa ginawa kailanman sa paglilitis sa nasasakdal dito sa
lupa. Tawagin ko ang isang banal na anghel mula sa kaluwalhatian na magpatutuo dito sa
panglupang hukuman. “Ano ang pagkakilala mo kay Jesucristo?” Sigaw ng anghel, “sapagkat
ipinanganak sa inyo sa araw na ito sa lungsod ni David, ang Tagapagligtas, na Siyang Cristo
na Panginoon.” (Lk. 2:11 ).
8. Maaring sabihin ng iba, “ito ay pang-isang panig lamang. Lahat ng iyong iniharap ay mga
kaibigan ni Jesucristo. Pakinggan natin ang kabilang panig.
a. Caiaphas . “Ikaw ang mataas na saserdote at kinamuhian mo si Jesus. Ginusto mo na Siya ay
mapako sa krus. Bakit?” Sagot ni Caiaphas, “sapagkat sinasabi Niya na Siya ay Anak ng
Dios.” ( Matt. 26:63 ).
b. Pariseo . Bakit ninyo Siya kinamuhian at ginusto na Siya ay mapako sa krus? Sagot ng mga
Pariseo, “tinanggap Niya ang mga makasalanan at Siya ay nakikain sa kanila.” ( Lk. 15:2 ).
c. Tawagin ko yaong magnanakaw . Ikaw ay napako sa krus na katabi ni Jesus at nakita mo
Siyang namatay. Ano ang pagkakilala mo kay Jesucristo? Sagot ng dating magnanakaw,
“itong taong ito ay walang nagawang mali.” ( Lk. 23:41 ).
d. Tawagin ang Romanong centurion . Centurion, binantayan mo si Jesus na nakapako, nakita
mo Siyang sibatin sa tagiliran, binantayan mo hanggang Siya ay mamatay, Ano ang
pagkakilala mo kay Jesucristo? Sagot niya, “tutuong-tutuo, ito ay nga ang Anak ng Dios.”
( Matt. 27:54 ).
e. Marahil sasabihin ng iba, kung nagharap ka ng anghel, magharap ka rin ng demonyo .
Tanungin ang demonyo, Ano ang pagkakilala mo kay Jesucristo? Nanginginig ang demonyo
na nagsalita kay Jesus, “ Kilala kita. Ikaw ang Banal ng Dios .” ( Mk. 1:24 ).
9. Ngayon, napakinggan ninyo ang mga ibat-ibang patutuo ng mga kaibigan ni Jesus at gayon din
naman ang mga kaaway ni Jesus at iyong mga gumustong mapako si Jesus sa krus.
a. Subalit ngayon pakinggan ninyo ang patutuo ng Dios Ama patungkol kay Jesucristo ayon sa
Banal na Kasulatan, “Ito ang aking sinisintang Anak na aking kinalulugdan. Pakinggan ninyo
Siya.” (Matt. 17:5).
3
b. Pakinggan din ang patutuo ng Dios Espirito Santo mula sa Banal na Kasulatan, “Sa araw na
ito kung mapakinggan ninyo ang kaniyang tinig, huwag ninyong pagmatigasin ang inyong
puso…” (Heb. 3:7-8).
c. Ngayon pakinggan ninyo ang pahayag ng Banal na Kasulatan , ang nasulat na Salita ng Dios
sa 1Jn. 5:9-12 – “Kung tinatanggap natin ang patutuo ng tao, higit na dakila ang patutuo ng
Dios; sapagkat ito ang patutuo ng Dios na Kaniyang ipinatutuo patungkol sa Kaniyang Anak.
Siya na sumasampalataya sa Anak ay Siyang tumatanggap ng patutuo; siyang hindi
naniniwala sa Dios ay ginawa niya ang Dios na sinungaling sapagkat hindi niya
sinampalatayanan ang patutuo ng Dios patungkol sa Kaniyang Anak. At ito ang patutuo, na
tayo ay binigyan ng Dios ng buhay na walang hanggan at ang buhay na ito ay nasa Kaniyang
Anak. Siyang kinaroroonan ng Anak ay may buhay na walang hanggan at ang sinoman na
wala sa kaniya ang Anak ay walang buhay na walang hanggan.”
10. Maaari ninyong sabihin, “Baka ang kaniyang mga kaibigan ay mga sinungaling, gawa-gawa lang
nila ang kuwento .” Ngunit kaibigan, ang tao ay maaaring magsinungaling upang makaiwas sa
paguusig o kagipitan. Subalit walang magsinungaling upang siya ay usigin o gipitin. May mga tao
na magsisinungaling upang makaiwas sa kamatayan, subalit walang magsisinungaling upang
sumuot sa kamatayan. Ang mga alagad ni Jesus ay nagpapatutuo na marami silang nakitang
himala na nagpapatunay na si Jesus ay napako sa krus , namatay according to the scriptures,
bilang kabayaran ng ating mga kasalanan, inilibing subalit sa ikatlong araw. nabuhay na maguli
mula sa mga patay according to the scriptures at ngayon ay nakaupo sa kanang dako ng Ama at
dumarating ang araw na Siya ay babalik bilang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon
upang itatag ang Kaniyang kaharian sa Jerusalem. Kailan man ay hindi mo mapipigilan ang
patutuo ng mga alagad ni Jesus. Hindi baleng mamatay sila kaysa manahimik.
11. Napakinggan ninyo ang maga patutuo sa araw na ito. At ngayon, tinatanong ko ang bawat isa sa
inyo na magpasiya para sa iyong sarili. Hinihiling ko na ipasiya mo sa iyong puso.
a. Alalahanin ninyo na si Jesus ngayon ay nasa inyong kamay, subalit tiyak na dumarating ang
araw na ikaw at ang iyong kahihinatnan ay malalagay din sa kamay ni Jesucristo.
b. Ngayon si Jesus ay nakatayo sa inyong harapan, subalit tiyak na dumarating ang araw na
ikaw din ay tatayo sa harapan ni Jesus upang ikaw ay Kaniyang hatulan at dalhin sa iyong
kahihinatnan.
c. Ano ang gagawin mo kay Jesus na Cristo?
1) “Puputungan mo ba Siya o ipapako mo Siya.” (You may crown Him or you may crucify
Him.)
2) “Tatangapin mo ba Siya o ayawan mo Siya?” (You may receive Him or you may reject
Him.)
3) “Ipapahayag mo ba Siya na Panginoon mo o tatanggihan mo Siya?” (You may confess
Him or you may deny Him.)
4) Subalit hindi mo Siya mababale-wala. (But you cannot neglect Him). Kung sabihin mong
hindi ka muna magpasiya, ikaw ay gaya ni Pilato na dahil sa kaniyang hindi pagpasiya,
inayawan niya si Jesus. (Matt. 12:30).
12. Ang tanong: “Ano ang pagkakilala mo kay Jesucristo? Ano ang gagawin mo kay Jesus na
tinatawag na Cristo?”
a. Yumuko at habang nakayuko, nakapikit ang inyong mga mata, tanungin ang inyong sarili,
“ manlilinlang ba si Jesus? Sinungaling ba Siya? Kung ito ang inyong pasiya, sabihin ninyo sa
inyong puso, Siya ay nagkasala .
b. Kung ang paniwala mo ay walang kasalanan si Jesus kundi inako lamang Niya ang ating
kasalanan , upang mabayaran Niya ang ating mga kasalanan sa Kaniyang kamatayan at Siya
ay nabuhay na maguli upang ang sinomang sumampalataya sa Kaniya ay hindi mapahamak
4
kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan, isulat sa inyong puso, walang kasalanan at
karapatdapat na Siya ang pagtuonan ng ating pagsampalataya, pagasa at pagibig.
c. Ipapamuhay ba ninyo ang inyong pasiya ngayon? Mas mabuti pang wala kayong sanang
narinig patungkol sa Anak ng Dios kaysa narinig mo ang ebanghelyo subalit ayaw mong
lumuhod sa Kaniya. Maari mong yurakan ang kaniyang dugong itinigis para sa iyo subalit ikaw
ay patungo sa impiyerno o maaari kang pailalim sa kapangyarihan na nagliligtas na dugo ni
Jesus at maghari kang kasama ni Jesus magpakailanman.
d. Kung tinatanggap mo si Jesus at pinapaniwalaan mo ang Kaniyang angkin patungkol sa
kaniyang sarili, ngayon ipinagkakatiwala mo at italaga mo ang iyong lahat sa lahat sa
Panginoong Jesucristo upang itong Panginoong Jesucristo na ito, siya na ang iyong
Kaligtasan, Buhay na Walang Hanggan at Kaluwalhatian magpakailanman, kung iyan ang
iyong pasya, sumampalataya ka sa Kanya, ilagay mo ang iyong pagsampalataya sa Kanya.
Make Him the object of your faith, make Him the object of your hope and make Him the object
of your love. Kaya kung iyan ang iyong pasya, pagpalain ka ng Panginoon, at nais ko na
isabuhay mo ang iyong pasya ngayon. Mabuhay ka na sa katuwiran, katotohan at
pagmamagandang loob ng ating Panginoong Jesucristo.
12 April 2020 Message of the Lord Jesus
5

Leave a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: