Rest in Jesus
The text and slides with Rev Mar’s January 3, 2021 sermon may now be downloaded here:
Pagpasok sa Kapahingahan (Sabbath) ng Panginoong Jesucristo
Heb. 3:18-19; 4:1-11
Introduction: Ang mga sinulatan ay mga Hebreo (Hudyo o Israelita), na sa una, sa mga Hudyo unang inialok ang kaligtasan sa pamamagitan ng evangelio. Sa kanila rin ipinagkatiwala ang mga aral ng Dios at ang mga Hebreo mga nakakaalam ng katuturan ng mga ceremonya sa OT at alam ang kapahayagan ng Panginoong Dios sa OT. (Romans 3:2 “…unto them were committed the oracles of God.”) They were involved but they did not understand, neither believe, neither enjoyed the provision of the Lord. Completo ang kanilang pagkatalastas sa kanila ang dapat nilang malaman tungkol sa Panginoong Dios buhat sa kauna-unahan sa OT hanggang sa kanilang kapanahunan sa NT. Ngunit hindi nila naunawaan ng tama at hindi nila sinampalatayanan ng lubos ang mga pangako ng Dios, kaya hindi nila tinamasa ang inilaan ng Panginoong Jesucristo na kapahingahan para sa kanila. (Hebrews 4:2 “…but the word [gospel] preached did not profit them, not being mixed with faith in them that heard it.”)
Ating pagaralan ang sinasabi ng BK patungkol sa pagpasok sa kapahingahan ng Panginoong Jesucristo sa tatlong kapanahunan upang higit nating maalaman ang kahulugan ng pagpasok sa kapahingahan ng Panginoong Jesucristo. Una, sa panahon ng paglalang ng sanlibutan, sa panahon ni Adan at si Eva, bago pa ibigay ang kautusan. Pangalawa, panahon ng pagbigay ng kautusan, sa panahon na si Moses ay pangunahan niya ang Israel sa paglabas sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin. Pangatlo, sa panahon na pangkasalukuyan na natupad na ang kautusan, pagkatapos ang Dios Anak ay magkatawang tao, samakatuwid ang Panginoong Jesucristo, upang Kaniyang tupdin ang kautusan na hindi matupad ng sinomang tao at ihandog Niya ang Kaniyang katawang tao hanggang kamatayan upang mabayaran Niya ang singil na kamatayan ng ating kasalanan.
- Sa Panahon Ng Paglalang (Ang tinutukoy dito na tagapaglalang ay iyong ikalawang kabilang sa tatlong Persona na nasa iisang uri ng pagka-Panginoong Dios na bawat isa ay may sari-sariling buhay, tungkulin at kapasiyahan na hindi maaaring pagpalitpalitin ang kani-kanilang sarili, tungkulin at kapasiyahan. Ito ay walang iba kundi ang Panginoong Dios Anak na Makapangyarihan sa lahat, samakatuwid, ang Panginoong Jesucristo. (John 1:3 All things were made by him; and without him was not any thing made that was made. Colossians 1:16 For in him were all things created; all things were created by him, and for him:)
- Noong matapos na ang paglalang ng sanglibutan buhat sa Genesis. 1:1-31 at Genesis 2:1-4, iyong gawain ng paglalang (Creation), pagsasayos (Ordering), at paglalaan (Provisioning) ay naganap na para sa lahatng nilalang. Wala pang halaman, naghanda ang Panginoong Jesucristo ng lupa sa paghihiwalay ng tubig sa lupa. Wala pang halaman, may mga elemento na kailangan ng halaman katulad ng lupa at tubig. Wala pang hayop, naglagay na ang Panginoong Jesus ng halaman. Ang kakailanganin ng tao upang mabuhay ay inilaan na ng Panginoon Jesucristo bago lalangin ang tao. At noong tignan Niya ang Kaniyang mga nilalang, mga ito ay napakabuti, napakaganda, napakaayos, wala nang kailangan pa. Ang tawag diyan ay paglalaan ng pangangailangan (providence, pro-video; to see before hand, foresee) o paghahanda ng pangangailangan bago kailanganin.
- Noong nagawa na ang lahat ng mga ito, pumasok na ang Panginoong Jesucristo sa Kaniyang kapahingahan sa ika-7 araw dahil wala nang gagawin, complete, ganap, tapos na ang lahat kaya ang Panginoon ay tumigil na sa paggawa. Sabbath-cessation of work, hindi araw o hindi Sabado ng mga Sabatista. Iyon ay kaganapan ng paglalang sa lahat kaya huminto na ang Panginoon sa paglalang. Hindi dahil napagod Siya kaya nagpahinga kundi tapos na ang gawaing paglalang, pagsasaayos, at paglalaan. Hanggang ngayon at sa walang hanggan, hindi na uulitin pa ang paglalang sa sanglibutan na ito. Natapos na gawin ang sanglibutan kaya ang Panginoong Jesucristo ay nasa Kaniyang kapahingahan sa ganiyang katuturan. Mayroon Siyang gagawin na new heavens and new earth because this former or old earth and old heavens will be burnt up. Subalit itong paggawa sa dating lupa at dating mga langit ay tapos na ang paglalang. With reference to that, The Lord has already “entered into His rest.” (Genesis 2:2-3 And on the seventh day God ended his work which he had made; and he rested on the seventh day from all his work which he had made. And God blessed the seventh day, and sanctified it: because that in it he had rested from all his work which God created and made.)
- Ang gumawa ng hardin ng Eden ay hindi si Adan kundi ang Panginoong Jesucristo. Sila ni Eva ay pinapasok at pinatira lamang ng Panginoon. Hindi na gagawa pa ng hardin si Adan. (Gen 2:8 And the LORD God planted a garden eastward in Eden; and there he put the man whom he had formed.) Sila Eva at Adan ay pinapasok na lamang sa inilaan ng Panginoon upang magtamasa sa kapahingahan ng Panginoon. Ngayon si Adan ay papasok na lamang sa kapahingahan ng Panginoong Jesucristo at mabubuhay siya sa daigdig na iyon. Kaya lang, itong kapahingahan ng Panginoon ay may pasubali.
- Upang makapasok at makapagpatuloy sa kapahingahan ng Panginoon, mayroong pinapayagan na mga gawin si Adan at mayroong ipinagbabawal na gawin si Adan. Habang ang gusto ng Panginoon ang gawin ni Adan, sila ay nasa kapahingahan ng Panginoon. Ngunit kung ang ginagawa ni Adan ay ang ipinagbabawal ng Panginoon, hindi sila makapagpatuloy sa hardin, samakatuwid, ang kapahingahan ng Panginoong Jesucristo. Sa halip na sila ay gumawa ng gusto ng Panginoon, sila ay sumuway sa Panginoon. Kaya ang napasukan ni Adan ay hindi kapahingahan kundi ang kapootan ng Panginoon. Kaya noong sila ay sumuway, sila ay pinaalis sa kapahingahan ng Panginoong Jesucristo. Kaya ngayon, sabi ng Panginoon, buhat sa tulo ng pawis manggagaling ang kakainin nila Adan at Eva dahil hindi na nila matatamasa ang inilaan ng Panginoong Jesucristo para sa kanila. Ito ay sa panahon ng Creation Stage o panahon ng paglalang.
- Sa Panahon Ni Moises
- Noong panahon ni Moises, ang mga Israelita ay nasa Egipto. Ang lupang ipinangako kay Abraham, Isaac at Jacob ay ipina-develop ng Panginoon sa mga Canaanites, mga higante, magagaling na magtayo ng mga lungsod at mga taniman. Ibig sabihin, ang buong promised land ay “agro-industrial estate” na dahil lahat ng irrigation, orchard at infrastructure ay ginawa ng mga Canaanites. Four hundred thirty years (Exo 12:40 Now the sojourning of the children of Israel, who dwelt in Egypt, was four hundred and thirty years.) ni-develop ng mga Canaanites. Lahat na kailangan ng mga Israelita ay naroon na. Handa na upang papasok sila sa inilaan ng Panginoong Jesucristo para sa kanila at sila ay papasok na lamang sa kapahingahan ng Panginoon mula sa kanilang pagkaalipin sa Egipto.
- Testimony of the Lord in the land of Canaan. Iyan pagka-develop ng Canaan ay ipinaubaya ng Panginoong Jesucristo sa mga Philitines–in the land of Canaan upang bigyan sila ng pagkakataon na sumunod sa Panginoon at umalis sa pagsamba sa mga diosdiosan. Ayon sa Romans 2:4-5, ang Panginoon ni Abraham ay nagpapahayag ng kabutihan, pagtitiis at pagpapahinuhod sa mga suwail upang sa gayon ang kabutihan ng Dios ni Abraham ay aakay sa mga suwail sa pagsisisi at pagsunod sa tunay na Dios at sila ay hindi tatanggap ng poot mula sa makatarungang hatol ng Dios. Kaya itong mga Pilisteo na nabubuhay sa Canaan ay pinagbigyan ng Panginoong Jesucristo, iyong Dios ni Abraham. (Rom 2:4-5 Or despisest thou the riches of his goodness and forbearance and longsuffering; not knowing that the goodness of God leadeth thee to repentance? But after thy hardness and impenitent heart treasurest up unto thyself wrath against the day of wrath and revelation of the righteous judgment of God.)
- Sapagkat sila Abraham, Isaac at Jacob ay nabuhay sa lupain ng Canaan. Bago pa nagpunta yaong si Jacob at ang kaniyang 12 anak na lalake, mayroon nang patutuo patungkol sa tutuong Dios ni Abraham, Isaac at Jacob na ang buhay na Dios ni Abraham ay Dios ng katarungan na nagpapala sa mga tapat sa Kaniya at humahatol sa mga suwail sa Kaniya.
- Halimbawa:
- Unang patutuo: nilabanan ni Abraham iyong apat na hari upang mailigtas si Lot kanilang inagaw na kaniyang pamangkin sa pamamagitan ng 318 lamang na trained servants in warfare. Kaya si Haring Melchizedek, hari ng Salem na siya ring seserdote ng most high God, ay nagsabi, “Blessed be Abram of the most high God, possessor of heaven and earth: And blessed be the most high God, which hath delivered thine enemies into thy hand. And Abram gave him a tenth of all. (Genesis 14:19-20)
- Pangalawa: Kaya si Noong pinatira ni Haring Abimelech ng Gerar si Abraham sa kaniyang lupain ay ipinanalangin ni Abraham si Abimelech at ang kaniyang asawa at mga katulong na babae at sila ay gumaling at sila ay nagkaanak. (Genesis 20:17-18). Sa isang dako, sa Genesis 21:22, si Abimelech ay nakipagkasundo na lamang kay Abraham dahil sabi ni Abimelech, “God is with thee in all that thou doest.”
- Pangatlo, inaagaw ng mga tauhan ni Abimelech kay Isaac ang balon na hinukay ng kaniyang amang si Abraham kahit ang mga balon na hinukay ni Isaac inaagaw din hanggang magsawa sila at si Abimelech ay nakipagkapayapaan kay Isaac sapagkat sabi ni Abimelech kay Isaac, “We saw certainly that the LORD was with thee.” (Genesis 26:28)
- Nakita rin ng mga Cananeo at Pilisteo na ang Panginoon Dios ni Abraham na mataas sa lahat ay humatol at pinarusahan ang Sodom at Gomorrah sapagkat ang kasalanan nila ay napakalubha at ang sigaw ng kanilang kasamaan ay umabot na sa langit at walang matuwid kundi si Lot at ang kaniyang 2 anak na babae.
- Ngunit kahit may patutuo ng Panginoong Jesucristo sa mga Cananeo at Pilisteo na Makapangyarihan sa lahat ang Panginoong Dios ni Abrajam, Isaac at ni Jacob, na nagpapala sa mga tapat sa Kaniya ngunit ang poot ng Dios ang sumakanila na laban sa Kaniya, kahit ganoon ang patutuo ng Dios ni Abraham, ayaw pa rin nilang magsisi sa kanilang kasalanan at ayaw umalis sa kanilang dios-diosan. 430 years na binigyan sila ng Panginoong Jesucristo ng pagkakataon na itakwil ang paniniwala sa kasinungalingan at pagsamba sa hindi tutuong dios at mabuhay sa katotohanan at magdevotion sa Panginoong Jesucristo. Kahit ganoon kahaba ng pagpapahinuhod ng Panginoong Jesucristo, ayaw pa rin nila bumitaw sa pagsamba sa diosdiosan upang sila ay mabuhay sa pagsampalataya sa Panginoong Jesucristo. Ngunit ayaw nila.
- Testimony of the Lord in Egypt. Sa Egipto naman, naroon din ang patutuo nila Moses at Aaron ngunit ayaw tanggapin ni Paraon ang kanilang patutuo patungkol sa buhay na Dios ng mga Israelita. Sabi ng Panginoon sa mga Egyptians, babagsak ang inyong kabuhayan kung hindi ninyo palayain ang Aking bayang Israel upang magsamba at maglingkod sa Akin. Sabi ni Paraon, “Hindi ko kilala iyan.” (Exodus 5:2 And Pharaoh said, Who is the LORD, that I should obey his voice to let Israel go? I know not the LORD, neither will I let Israel go.) Kaya sila ay pinarusahan. Sampong hataw ng hataw ang Panginoon sa Egipto.
- Habang hinahataw ng Panginoon ng 10 plagues ang Egipto, sinasabi naman ni Moises, “Tayo ay aalis sa lupain ng Egipto, lupain ng pagkabusabos, dahil dadalhin ng Panginoon ang Israel sa lupang pangako na bumabaha ng gatas at pulot. Papunta tayo sa lupain ng kasaganahan. Iligtas tayo ng Panginoon sa kagipitan, sa pagkabusabos, dadalhin tayo ng Panginoon sa kakayahan at masaganang buhay na Siya ang ating ikabubuhay doon (samakatuwid, papasok sila sa kapahingahan ng Panginoon mula sa pagkabusabos sa lupain ng pagkaalipin). Bubuhayin tayo sa lupang pangako. Dito tinotodas tayo ng mga Egipcio. Aalisin tayo dito at dadalhin tayo ng Panginoon sa kalayaan at masaganang buhay. Ang Panginoon ang nagmamalasakit; Siya ang magtatawid sa atin sa kagipitan tungo sa kaluwagan buhat sa pagkabusabos at paghihirap tungo sa pananagumpay at kasaganahan.”
- Conditions of the Lord’ Promise. Sabi ni Moises sa bayan ng Panginoon, ang Israel, “Tayo ay aalis sa lupain ng Egipto, lupain ng pagkaalipin, lupain ng pagkabusabos at dadalhin tayo ng Panginoon sa lupang pangako upang iligtas sa kagipitan, pagkabusabos at tayo ay dadalhin sa kalayaan at kasaganahan ng buhay dahil Siya ang ating ikakabuhay. Ang Panginoon ay nagmamalasakit. Siya ang magtatanggol sa atin sa kagipitan tungo sa kaluwagan, buhat sa pagkabusabos at pagkaduhagi tungo sa pananagumpay at kasaganahan.”
- Condition ng Panginoon. Exodus 19:5 Now therefore, if ye will obey my voice indeed, and keep my covenant, then ye shall be a peculiar treasure unto me above all people: for all the earth is mine.
- Sagot ng mga Israelita, Exodus 19:8 And all the people answered together, and said, All that the LORD hath spoken we will do. And Moses returned the words of the people unto the LORD. “Gusto naming pumasok sa lupang pangako, kumbinsido kami, at kami ay magtatapat sa Panginoon.!” Magandang balita iyan kung magtatapat sila sa Panginoon. Mabuting Balita! (Kung magtatapat sa Panginoon.
- Lumabas ang mga 3M Israelita pagkatapos hatawin ng Panginoon ang Egipto ng 10 salot. Itong 3M Israelita na gusto maglingkod sa Panginoong Jesucristo, gustong mabuhay sa pagtangkilik at biyaya ng Panginoong Jesucristo, ay naglakbay mula sa Egipto tungo sa lupang pangako na kapahingahan na inilaan ng Panginoon para sa kanila. Noong papasok na sila sa promised land sila ay nagpadala ng 12 spies. Bumalik ang 12 spies at nagreport:
- 12 spies-agree na ang lupang pangako ay masagana, ang mga Cananeo ay may kaya ngunit sila ay walang kaya. Tutuo lahat iyon. Agreed sila lahat doon.
- Sabi ng 10, dahil sila ay may kaya at tayo ay walang kaya, hindi natin papasukin ang lupang pangako.
- 2 spies, si Joshua at si Caleb, hindi kumpurme na hindi papasukin ang lupang pangako. Tutuo na wala silang kaya. Subalit ang issue ay hindi kung ano ang kakayahan kundi kung ano ang gusto ng Panginoon. Ang gusto ng Panginoon ay pasukin nila ang lupang pangako dahil ibinigay na ito sa kanila ng Panginoon. Sabi ni Josue at Caleb, “Kaya kami ay susunod ng lubusan sa pananampalataya sa Panginoon na papasukin natin ang promised land, papasok tayo sa kapahingahan ng Panginoon.”
- Ang sinunod ng bayan ay iyong 10 spies. Ito ay voice of the people vs. the voice of God. In the kingdom of God, it is not democracy (demos, people; kratos-power, rule) but theocracy or Christocracy (theos, God; kratos-power, rule). It is the rule of the Lord Jesus that prevails. Hindi makatao, kundi maka-Dios. Ang democracy ayon sa Gettysburg Address ni Abraham Lincoln ay “government of the people, for the people and by the people” o sovereignty resides in the people and all government authority emanates from them.. Sa theocracy or Christocracy, it is the Lord Jesus Christ ruling, who is the sovereign of all (Acts 10:36)
- Halos sila nakapasok sa lupang pangako pero hindi nakapasok. Marami ang nagaakalang Cristiyano pero hindi pa Cristiyano, muntik Cristiyano tulad ni Haring Agrippa. (nominal Christian or Christian by name, Christians by convenience).
- Gusto ng Israel na mailigtas ngunit ayaw magtapat sa Panginoon. Sabi ng mga Israelita sa ilang, “walang makain, walang mainom, walang sibuyas, walang bawang, uwi na tayo.” 40 years na puro mana, puro pugo, binuhay sila ng Panginoon. “Man shall not live by bread alone but by every word that proceeds from the mouth of God.” Hindi naman nila pinagtrabahuan iyong kanilang ikinabubuhay, nagrereklamo pa sila. Walang utang na loob. Mga hindi tapat sa Panginoon.
- Iyong sinasabing nagsisi sa kasalanan, tumanggap sa Panginoong Jesucristo pero naroon pa sa kasalanan o bumabalik pa sa pagkakasala, ito ay hindi pa Cristiano. Katulad ng mga Israelita, kumbinsido na mabuhay sila sa Panginoon, makapasok sa lupang pangako pero naroon pa rin sa lupain ng Egipto na sumasagisag sa pagkaalipin sa kasalanan at gusto pang bumalik sa Egipto o sa pagkakasala. Gusto at kumbinsido na pumasok sa kapahingahan ng PanginoongJesucristo pero hindi tapat na nananampalataya at sumunod sa Panginoong Jesucristo. Sabi ng Panginoon, “And to whom did he swear that they would not enter his rest, but to those who were disobedient? So we see that they were unable to enter because of unbelief.” (Hebrews 3:18-19) Here we see that disobedience is unbelief. Kung gusto mong makapasok sa kapahingahan ng Panginoong Jesus, maging tapat ka sa Kaniya, tuloy-tuloy ang iyong pagsunod sa Kaniya. (Hebrews 4:3 For we which have believed do enter into rest.)
- Ang mga Israelita na nasa Egipto ay kumbinsido sila na mabuhay sa lupang pangako. Mayroong silang right information about the Lord God na Siya ay gusto silang iligtas sa pagkabusabos pero nasa Egipto, dako ng kasalanan. Kaya kinakailangan silang umalis sa pagkabusabos. Ang isang tunay na sumunod sa Panginoong Jesus ay umalis na sa pagkakbusabos sa pagkakasala (Egypt, house of bondage) at sumunod nang tuluyan sa tawag ng Panignoong Jesucristo. Sabi ni Caleb at Josue, kami ay susunod sa Panginoon. Iyan ang tapat sa Panginoon, tuloy-tuloy sa tapat na pagsunod sa Panginoon. Kaya nakapasok sila sa kapahingahan ng Panginoon. Iyan ang sinasabi ng Panginoon – “enter his rest”.
- Ngunit noong nasa loob na sila ng promised land, they did not enjoy the full provisions of the Lord. Hindi nila tinamasa ang lupang pangako nang lubusan dahil nagco-compromise o nakipag-sangayon sila sa mga Philistines. Hanggang dumating si David, tumayo siya para sa Panginoon. Si David ay tinatawag na “a man after God’s heart. ” Desidido siya na sumunod sa Panginoong Jesucristo upang mabigyan ng kaluguran ang Panginoon. He asserted the ascendancy of God’s people over any people against the Lord. Nilipol ang lahat na Philitines – no compromise. Pinairal niya ang kagustuhan ng Panginoong sa buong lupain. Kaya sa panahon ni David, naroon na naman ang “enter into His rest.” How? Assert the rule of the Lord Jesus Christ. Pairalin mo ang kapamahalaan ng Panginoong Jesucristo sa larangan ng buhay mo at lahat nang may kaugnayan sa iyo. Kapag ginawa mo iyan, papasok ka sa kapahingahan ng Panginoon.
- Sa Huling Mga Araw – Sa Ating Kapanahunan
- Jesus said, “Come unto Me all ye that labor and are heavy laden and I will give you rest.” (Matt. 11:28-30) Kung ang sinoman ay lumapit kay Jesus at sumampalataya sa Panginoong Jesucristo, papasok ka sa Kaniyang kapahingahan na inilaan ng Panginoong Jesus na magandang buhay para sa iyo.
- Jn. 10:10. Pinaglaanan na tayo ng provision, redemption, salvation, eternal life. Ginawa na ito ng Panginoong Jesucristo, hindi na natin pagsikapan pa upang makamtan natin.. Magtatapat na lamang tayo sa Kaniya at tayo ay papapasukin, patitirahin, patatahanin tayo sa Kaniyang kapahingahan at tatamasahin natin ang Kaniyang inilaan para sa atin.
- There is a place prepared for you by the Lord Jesus in the Father’s house. To enter it is to believe and obey the Lord Jesus Christ (John 14:1-3) What is the way to the Father’s house? (John 14:6 I am the way, the truth, and the life: no man cometh unto the Father, but by me.) The exclusivity of Jesus as the only way to the Father has been regarded with contempt by many who say there are other ways to the Father. But consider this. When you want to be healed of a disease that is life-threatening, don’t you desire that the doctor to treat you is a top specialist of your disease who can give you the exact medicine to heal you than someone who prescribes and tries other medicines and see which works? How much more when we are talking about eternal life? (Acts 4:12; John 16:33)
- Abiding in the Faith. Actually, iyong sinasabi na tumanggap na sa Panginoong Jesucristo pero hindi pa umalis sa kasalanan, at that point, hindi pa siya obedient to the call of the Lord to repentance (Matthew 9:13) at sinasabihan pa siya ng Panginoon na “why do you call me Lord, Lord, and do not what I say?” (Luke 6:46). Katulad ng mga Israelita na nasa Egipto na kumbinsido sila na mabuhay sa lupang pangako, mayroon silang right information about the Lord na Siya ay gusto silang iligtas sa pagkabusabos, pero noong naglalakbay sila papunta sa lupang pangako, nais nilang bumalik sa Egipto, ang dako ng kaslanan. Kaya kinakailangan silang umalis sa pagkabusabos sa Egipto (Egypt, house of bondage). Ang isang tunay na sumunod sa Panginoong Jesus ay umalis na sa pagkakabusabos sa pagkakasala at sumunod nang tuluyan sa tawag ng Panginoong Jesucristo.
- Katulad din ng mga Israelita na nasa lupang pangako na hindi nila natamasa ang biyaya ng lupang pangako dahil sa nakipag-sangayon sila sa mga Philistines, ang pakikipag-compromise ng nagaangking Cristiyano sa kasalanan ay hindi niya matatamasa ng lubusan iyong sinasabi ng Panginoong Jesucristo na masaganang buhay (John 10:10). Kaya mahalaga iyong sinasabi ng Panginoong Jesucristo na “abide in Me and I will abide in you” (John 15:5) na habang tayo ay naglalakbay dito sa lupa tungo sa lupang pangako, tayo ay mananatili sa Panginoong Jesucristo na ating daan tungo sa kapahingahan ng Panginoon na inihanda na Niya para sa atin at tayo ay nagiging mabunga ng bunga ng Banal na Espirito bilang kapahayagan na tayo ay alagad ng Panginoong Jesucristo sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.
- Papasok tayo sa Kaniyang kapahingahan sa pagiging matapat na tagasunod ng Panginoong Jesucristo. Pairalin natin ang kapamahalaan ng Panginoong Jesucristo sa ating buhay. Assert the rule of the Lord Jesus Christ in your life. Pairalin mo sa lahat ng larangan ng buhay mo ang kapamahalaan ng Panginoong Jesucristo at pagtutuwid Niya sa iyo sa Kaniyang katuwiran. Kapag ginawa mo iyan, makapapasok ka sa kapahingahan ng Panginoong Jesucristo.
- Review:
Age | Lord’s Provision (finished work-sabbath) To Enter In | Conditonality To Enter and Enjoy His Rest |
Creation (pertaining to Adam) | Garden of Eden (The Lord ceased His creative work [Sabbath] because His provision for Adam has already been completed after His 6-day creative work.) | Belief (Obedience). Not by obeying the law (Sabbath) because there was no law given yet. |
Deliverance from Slavery In Egypt (pertaining to Israel) | Promised Land (Sabbath-Prepared by the Lord using the Canaanites) | Belief, i.e., obeying the voice of the Lord not by obeying the law because there was no law given yet (Exodus 19:5) Disobedience is unbelief. (Hebrews 3:18-19) |
Last Days (pertaining to us) | Provision of the Finished Work of Jesus: Redemption, Salvation, Eternal Life, Everlasting Glory. All of these have been obtained and prepared by the Lord Jesus Christ by His substitutionary death and sacrifice of Himself for the whole world. (Jn. 10:10) His saving work is finished and He is now set down on the right hand of the Majesty on high (Sabbath). (Heb. 1:3; 12:2) God the Son has already once and for all entered into His rest. (Heb.4:4-10) What Adam or man cannot fulfill, Christ Jesus did it for us. He is the perfection-completion-fulfillment of the Law, the Prophets (Matt.5:17-18; Rom.10:1-4; Col.2:16-19; Acts 10:43) and the Psalms (Lk.24:24-47) so that those who have devoted their all, in faith and hope and love, to Jesus have thereupon already entered into His rest because Jesus Himself is their Sabbath or Rest (Col.2:16-19; Jn.5:1-19; Matt.11:27-29) and they are ALREADY COMPLETE IN JESUS (Col.2:6-10). This is one of the Biblical reasons why the real issue is not the observance of “a sabbath or a feast or a new moon” which is just a shadow but its very substance and reality is the Person of the Lord Jesus Christ Himself. That is why our Sabbath is not a feast day or Saturday but the Lord Jesus Christ Himself. He is our Rest. | Belief in Jesus (Jn 14:1-3, 6) Belief – looking for that blessed hope (Titus 2:13) and loving His appearing (2 Timothy 4:8), coming to Jesus (Matthew 11:28), obeying Jesus’ commandments (John 14:21, 23, Matthew 28:19-20), abiding in Jesus (John 15:5) and living by the faith of Jesus who loved us and gave Himself for us (Galatians 2:20). |
Leave a comment