Posts

Si Hesus Ang Namumukod-tangi At Nangingibabaw Sa Lahat Na Katotohanan

                                                                                             print pdf_button.png

The Distinct, Unique and Absolute Supremacy of the Entire Truth Of The Bible Is The Lord Jesus Christ

Rev. 3:20

  1. Ang namumukod, natatangi at nangingibabaw at nananaig sa lahat na katotohanan sa Banal na Kasulatan ay walang iba kundi ang Panginoong Jesucristo mismo. Halimbawa: Jn. 14:6 – “I am the way, the truth and the life…” Bagamat tatlo ang kabilang sa uring Dios, sila ay magkakabukod (distinct) at natatangi (unique) at hindi mapagpapalit-palit (non-interchangeable) na mga Persona ng Ama, Anak at Espirito Santo, but the way, the truth and the life are available to the world and are obtainable only in and through the Lord Jesus Christ. Bakit ganoon? Sapagkat ito ang napagkasunduan Nilang tatlo doon pa man sa kawalang hanggan ayon sa Kanilang walang hanggan na kasunduan (everlasting covenant)[1] na ang manunungkulang sa kanilang tatlo bilang “daan, katotohanan at buhay na walang hanggan” ay hindi ang Dios Ama at hindi rin ang Dios Espirito Santo kundi ang Dios Anak na nagkatawang tao, samakatuwid, ang Panginoong Jesucristo. Kaya ang pangungusap ng Panginoong Jesucristo sa Jn. 14:6 ay “I am (Ako ang lagi at tanging)” at hindi “We are” dahil “ang daan, ang katotohanan at ang buhay ay lagi at tanging makakamtan lamang ng sanlibutan hindi mula sa Dios Ama o Dios Espirito Santo kundi mula sa Dios Anak na nagkatawang tao, ang ating Panginoong Jesucristo. Ganoon din sa mga pangungusap na iba pang “I am…” ng Panginoong Jesucristo. (Jn. 11:25, “I am the resurrection and the life...”; Jn. 10:10, I am the great shepherd…”; Jn. 8:12, “I am the light of the world…”; Jn. 6:35, “I the bread of life”; atbp) Ang sinabi ng Panginoong Jesucristo ay “I am the way, the truth and the life” because the way, the truth and the life are available and obtainable only in, from and through the Almighty Lord God the Son, Jesus Christ Himself. Ito ay Kanilang napagkasunduan sa Kanilang walang hanggang kasunduan mula pa sa kawalang hanggan.
  2. Dahil ang daan, katotohanan at buhay na walang hanggan at iba pang mga ikapapakinabang ng nilalang (I am’s) na walang makakapagdudulot ng mga ito sa buong sanlibutan kundi ang ating Panginoong Jesucristo, nararapat sa lahat sa sanlibutan na magtalaga ng kanilang buong pananampalataya, pagasa at pagibig sa Panginoong Jesucristo. Iyan ang ipinapahayag sa Heb. 12:2, “Looking unto Jesus…” Ang Panginoong Jescristo ang pinagtutuunan ng pansin, tanawin at kamalayan ng bawat nilalang sa sanlibutan dahil Siya ang may-akda ng ating pananampalataya at kung kanino ka nananampaltaya ay Siya ang iyong tinanaw na pagasa na magdadala para sa iyo ng higit na mabuting buhay. Dahil diyan, hindi mo maiiwasan na ibigin ang Panginoong Jesucristo na nagpakasakit sa pagaalay ng Kaniyang lahat upang bawat mananampalataya sa Kaniya ay maligtas sa lahat na kapahamakan at magkaroon at magtamasa ng buhay na walang hanggan na makamtan lamang mula sa Panginoong Jesucristo sapagkat sa Acts 4:12 ay “sa kanino mang iba ay walang kaligtasan, sapagkat walang pangalan na ibinigay sa silong ng langit na sukat nating ikaligtas” liban sa pangalan ng Panginoong Jesus sapagkat “tatawagin ang Kaniyang pangalang Jesus, sapagkat ililigtas Niya ang Kaniyang bayan mula sa kanilang kasalanan” (Matt. 1:23). Kaya ang tawag sa ganitong pananampalataya ay Cristiyano dahil ang focus o pinagtutuunan ng pananampalataya ay ang Panginoong Jesucristo lamang. Hindi Amaniano sapagkat ayon sa Biblia ang pagtutunan ng pananampalataya ay hindi ang Dios Ama kundi ang Dios Anak dahil ito ang kalooban ng Ama (Jn. 3:16-18; 6:39-40; Matt. 17:5; 1 Cor. 1:9). Hindi rin tayo Spiritiano sapagkat ang ating pinagtutuunan ng pananampalataya ay hindi ang Dios Espirito Santo sapagkat ang gawain ng Espirito Santo ay luwlahatiin ang Panginoong Jesucristo upang ang focus ng ating pananampalataya ay ang Panginoong Jesucristo (Jn. 16: 13-15) kaya ang ating pakinggan ay ang Dios Anak (Heb. 3:7; 4:7). Lalong-lalo na hindi tayo Mariano o Mariana, hindi Santiano o Santiana, hindi rebultiano o rebultiana. Tayo ay mga Cristiyano dahil ang umiral at nananaig sa ating buhay ay ang Panginoong Jesucristo mismo.
  3. Ngayon, pagtuunan natin ng ating pansin and talatang Rev. 3:20 sapagkat isa ito sa panunungkulan ng Panginoong Jesucristo bilang Siya ang directa na nakikipagtuos sa lahat at bawat isa sa atin kung naitalaga na natin ang ating lahat sa Kaniya at tayo ay magtamasa ng lahat na pakinabang na dulot ng Panginoong Jesucristo sa lahat na magtatalaga sa Kaniya (Jn. 10:10; 1 Cor. 1:9, 30; 3:21-23; Col. 2:10; Rom. 8:32) tayo ay nakikipagsalong-buhay sa Kaniya.
  4. Sinasabi ng Panginoong Jesucristo, “Behold, I stand at the door and knock, if anyone…” Ang pahiwatig dito ay lahat at bawat nilalang ay kinakaharap, kino-confront ng Panginoong Jesucristo. Sabi ng iba, “Impossible iyan na bwat nilalang ay mahaharap at matutuos ng Panginoong Jesucristo ng sabay-sabay.” Ito ang magiging pananaw mo kung ikaw ay nasa larangan ng may hanggan. (Illustration: In the ordinary Newtonian world, parallel lines never meet but in infinity, they meet.) Ang Panginoong Jesucristo ay buhay na walang hanggan kaya posibleng maharap Niya tayong lahat at bawat isa na sabay-sabay.
  5. Ang unang ibig sabihin ng Rev. 3:20 ay si Jesus ay nasa lahat ng dako (Omnipresent)[2] upang maharap Niya ang lahat at bawat isa sa atin (Matt. 28:19-20; 18:20; 1:23). Si Jesus ay sumasaatin lagi hanggang sa kaganapan ng lahat ng mga kapanahunan (hindi kawakasan kundi kaganapan). Ang ibig sabihin ay “ages ofages” o ang mga kapanahunan ng mga kapanahunan, which is equivalent to eternity. Ang Panginoong Jesucristo ay sumasalahat hanggang sa kawalang hanggan. That is the omnipresence of the Lord Jesus Christ.
  6. Ang pangalawang nilalaman ng talata ay ang Panginoong Jesucristo ay hinaharap ang bawat isa sa atin.
  7. May tatlong larangan na uubrang application ng Rev. 3:20.
  8. Unang application ng talata ay sa larangan ng usapin (context) sa Rev. 3:20 na ang kinakausap ng Panginoong Jesucristo diyan ay ang mga kabilang ng iglesia sa Laodicea.

  • Diyan sa iglesia na iyan, sinabi ng Panginoon na ang kanilang paglilingkod ay maaligamgam. (Mag-aatend ng service, pagkatapos ng service, makakalimutan na ang Panginoon hanggang sa susunod na linggo muli, just like the book entitled, “Hanggang sa Muli.” What happens in-between Sundays, labas si Jesus diyan. These Laodiceans are serving the Lord but they are serving Him only with what is “good enough”, iyong puwede na iyan mentality. They are not serving the Lord their best; not heartily as required of us in Col. 3:23-24. Kaya kung mag-bless si Jesus sa kanila, ang tugon ng Panginoon sa kanila, “puwede na iyan.” But the Lord requires from us our best. Lk. 12:48  “For unto whomsoever much is given, of him shall be much required.” If we serve the Lord with our best, the Lord blesses us with His best [Jn. 10:10].) Dahil ang mga taga Laodicea ay mayayaman, wala nang pangangailangan pa, tila nakaligtaan na nila ang Panginoong Jesucristo, kaya nasa labas na ng iglesia si Jesus, kaya Siya ay kumakatok sa pintuan upang papasukin sa kanilang pananambahan.
  • In these last days when the Lord Jesus is about to return, the church has a form of Christianity (professing to be Christ-centered, Christ-regulated, conforming to the norms or standards of the Lord Jesus Christ), but they deny to be a Christian by their words, actions and commitment. The Lord Jesus is being denied of His rights and prerogatives as Lord and Master. 2Ti 3:5 Having a form of godliness, but denying (arneomai – contradict, forsake, reject, abrogate, to do away with) the power thereof: from such turn away.
  • The Lord Jesus Christ has been denied of His mediatorship, has been set aside, because people in these last days claim that they can go directly to the Father despite the Lord’s unambiguous teaching in Jn. 14:6 that no one, nothing (Gr., oudeis) can go to the Father but by Jesus. That is why the Lord has been eased out of the church in the last days. And the Lord Jesus is knocking at the churches’ doors trying to get in where He was before, the center of Christian faith.
  1. Pangalawa, uubra rin ang Rev. 3:20 ay i-patungkol sa mga hindi mananamapaltaya sa ang Panginoong Jesucristo ay kumakatok sa pintuan ng kanilang mga puso at buhay upang papasukin Siya at manahan Siya sa kanilang buhay (Gal. 2:20).
  • Sa pagharap ng Panginoong sa bawat isa sa atin, kinakausap ang bawat isa sa atin. Walang itinatangi na sinoman. Bawat isa at lahat sa atin ay iniintindi, inaasikaso, tinutuos ng Panginoong Jesucristo. Nakabuhos ang Kaniyang kamalayan at kalooban sa iyo. Kaya pagtawag mo sa Kaniya, Siya ay tutugon (Jer. 33:3). Iyan ang dahilan bakit sinasabi sa Bible, “Whoever calls upon the Lord, shall be saved” (Acts 2:21).
  • Sa Old Testament, kapag ang tao ay nagkakasala sa Panginoon, ang sabi ay tinatallikdan siya ng Panginoon pagkatapos siya magkasala kay Yahweh. (Ps. 80:19 Turn us again, O LORD God of hosts, cause thy face to shine; and we shall be saved.) ang ibig sabihin ng salitang iyon ay iniwanan at pinabayaan ka ng Panginoon. You are on your own kung ikaw ay magpapatuloy sa kasalanan. Kapag ang tao ay tinawag ng Panginoong Jesucristo na stiff-necked people or they made their hearts as adamant stones, ibig sabihin pinatigas mo na ang iyong puso katulad ng mga taga-Judah. (Zec 7:12-13  Oo, kanilang ginawa na parang batong diamante ang kanilang puso upang huwag magsidinig ng kautusan, at ng mga salita na ipinasugo ng Panginoon ng mga hukbo sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu, ng mga unang propeta: kaya’t dumating ang malaking poot na mula sa Panginoon ng mga hukbo. At nangyari, na kung paanong siya’y sumigaw, at hindi nila dininig, ay gayon sila sisigaw, at hindi ko didinggin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; Cf. Jer. 7:16) Si Paraon pinatigas ang kaniyang puso; binilangan siya ng Panginoon ng sampung beses mula sa gawin ang ilog na dugo hanggang sa patayin ang mga panganay ng mga Egipcio. Cf. Rom. 2:4; 2 Pet. 3:8-10)
  1. Pangatlong application, in the light of the recently held fiesta sa Quiapo. Ang Panginoong Jesucristo ay tinutuos ang ating bansa, “Come let us reason together.” Matagal nang kinakausap ng Panginoong Jesucristo ang ating bansang Pilipinas na umalis sa pagsamba sa diosdiosan ngunit nagmamatigas ang puso ng mga tao at nagpapatuloy sa pagiging suwail kay Jesus. Nakailang bilang na kaya tayo? Lindol, giyera, super typhoon, baha, lahat mga iyan ay nagpapaalaala sa atin na ang Panginoong Jesucristo ay nais na makipagkatuwiranan “Come let us reason together” (Isa. 1:18) sa atin na ang mga rebulto ay inutil. May bibig, may ilong, may mata, may tainga, may kamay, may paa subalit walang kaya, walang magagawa. At ang mga gumagawa at nagtitiwala sa kanila ay magiging inutil din gaya nila. (Ps. 115:1-8) Bakit pa sumuot ka sa mapapait na karanasan dahil mayroong naman maliwanag na pangungusap ng Panginoog sa ating lahat. “But they that trust in the Lord, He is their help and their shield.” (v. 9) Ang ating bansa ay binabale-wala ang Panginoong Jesucristo; nilalapastangan ang Panginoon. Kapag ang ating bansa ay patuloy na sumamba sa mga diosdiosan, nagpupumilit sa kasalanan at maling devotion at relihiyon at ayaw magdevoto sa Panginoong Jesucristo, tatalikuran ng Panginoong Jesus ang ating bansa. Bago dumating iyon mabuti pa na makipag-ayos tayo sa Panginoong Jesucristo at sa Kaniyang pagharap sa atin tanggapin natin ang Kaniyang mga salita at pakikipagtuos at pakikipagtalastasan sa atin at bigyan natin ng kaganapan sa ating pang-iglesia, pang-personal at pambansang buhay.
  2. Pangatlo, (first, Jesus is infinitely present; secondly, Jesus is confronting the churches of these last days, confronting us individually and confronting us as a nation) the Lord Jesus wants to reside in us and share His life in us.
  3. Gusto ni Jesus na manahan at tumira sa atin, not as a visitor but a sharer of life with us. Hindi lang gusto ni Jesus na pumasok sa ating buhay bilang bilang nananahan kundi isalo Niya tayo sa Kaniyang buhay (Jn. 10:10). Ang ibig sabihin ay buong buhay natin ay nakatuon kay Jesus, nakabuhos na ang ating lahat kay Jesus. Marami ang nangangaral ngayon na magtalaga ng buong buhay sa Panginoon ngunit hindi tinutukoy kung sino ang kanilang Panginoon. Ang itinuturo sa atin sa Banal na Kasulatan ay pagtatalaga ng lahat kay Jesus, kahit panalangin. Kaya hindi sapat na sabihin, Lord, Lord (Lk. 6:46-49). Sa 1 Cor. 1:2 ay napagkikilanalan kung sino ang mga Cristiyano. The identifying characteristics of those who are called to be holy (saints) and sanctified (made holy) in Christ Jesus and therefore, belonging to the church of God not only in Corinth but in all places they are calling upon the name of the Lord Jesus Christ, both theirs and ours. Sa Rev. 22:17-21, sa kapanahunan ng mga kapanahunan (ages of ages) ang tinatawag ng church o iyong bride of Christ ay ang Panginoong Jesucristo na sinasabi, “Even so, come, Lord Jesus.”
  4. CHECK-UP: Are you:

Calling upon the name of Jesus (1 Cor. 1:2; Acts 2:21)

Bowing at the name of Jesus (Phil. 2:9-11)

Confessing the name of Jesus (Phil. 2:9-11; Matt. 10:32-33)

Believing in the name of Jesus (Jn. 1:12; 3:18)

Buong buhay mo ba nakabuhos na ba kay Jesus?

Psa 62:8  Trust in him at all times; ye people, pour out your heart before him: God is a refuge for us. Selah. Sino iyog God ni David? Ps. 62:6  He only is my rock and my salvation: he is my defence; I shall not be moved. Siya iyong “rock and salvation” ni David. Ang rock ng Israel ay ang Panginoong Jesucristo, ang salvation ng Israel ay si Yeshua, ang Panginoong Jesucrsito. Ang Panginoong Jesus naang ating rock of our refuge, our defense that cannot be moved and our salvation form all harms. Pour out your hearts before Him . Put your whole trust in the Lord Jesus Christ and He will take care of you.

marioq copy

Rev. Archbishop Mario I Quitoriano

Rev. Mar’s Sunday Sermon Outline

Payatas/Diliman, 12 January 2014


[1] Sa 1 Tim. 2:5-6 at sangayon sa Kanilang walang hanggang kasunduan, itong Dios Ama at Dios Anak at Dios Esprito Santo ay nagkakasundo na ang Dios Anak na nagkatawang tao, ang Panginoong Jesucristo, liban sa Kaniyang pagiging Tagapamagitan at kumakatawan sa panig ng tao patungo sa Dios, Siya rin ang tatayo at haharap para sa panig ng Dios patungo sa tao. Iyan ang dahilan kung bakit walang ibang makapanunungkulan ng Kaniyang ginagampanan na gawain sa Dios at sa tao kundi tanging ang Dios Anak na nagkatawang tao.
[2] Hindi lamang omnipresent kundi omnipotent at omniscient, 1 Cor. 1:24

top

Leave a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: