Posts

Ang Paghahasik At Pag-Aani

                                                                                              pdf_button.png

Sowing and Reaping

Gal. 6:7-9; 2 Cor. 9:6-8
  1. Instant or Short-term Miracles. Isa sa mga usapin kapag himala ng Panginoon Jesucristo sa pagtugon ng Panginoon sa pangangailangan ng tao ay iyong pinakamagaling daw na sukatan ng himala ng Panginoon ay “here and now”, iyong dito at ngayon din maghimala ang Panginoong Jesucristo, iyong biglaan at panandaliang himala. Instant himala. Kung iyan ang gusto ng Panginoon, nasa Kaniya iyon dahil ang sabi ng Panginoon Jesucristo, “according to your faith so be it don unto you” (sangayon sa iyong pananampalataya ay siyang mangyayari sa iyo). (Matt. 9:29)
  2. Kung gusto mo ng bigla at agaran na himala nasa Panginoon Jesucristo ang tugon niyan. Kaya lang, kung ang iyong hinihingi na himala sa Panginoong Jesucristo ay short-term na transaction sa Panginoon, you are not only short-changing yourself but you are also doing injustice to the infinite availability of the grace of the Lord Jesus Christ. Hindi mo lamang sinasakal ang daloy ng grasiyang walang hanggan ng Panginoong Jesucristo para sa lahat kundi hindi mo binibigyang katarungan ang pagkawalang hanggang biyaya ng Panginoon para sa lahat. Kaya ikaw din ang nawawalaan.
  3. Marami sa mga tao na ang interest lamang ay ang “here and now” miracle of the Lord Jesus Christ. Sa kanila, iyon ang pinaka-spectacular and most urgent need. Subalit ang pakikitungo sa atin ng Panginoong Jesucristo ay hindi lamang sa micro-import kundi sa macro-import; hindi lamang tanawin na pangmaliitan kundi tanawin na pangmalakihan. Ito ang na-miss ng marami.
  4. Long term-miracle of the Lord Jesus Christ.
  5. 7:14

  • Dito ay may mga levels of needs, iba’t ibang larangan o antas ng pangangailangan ng tao. Dahil sa Isaiah 7:14, ang buong larangan ng katuturan (the context of meaning), about 730 BC, bago nagkatawang tao ang Dios Anak na si Jesucristo, mayroon doon problemang pangpamilya. Dahil iyong hari ng Judah na si Ahaz, kabilang sa pamilya ni David, ang may pangpamilyang problema. Iyong hari ng Damascus (Syria) at ang hari ng Ephraim (Northern Kingdom of Divided Israel) ay nagsanib ng puwersa upang tanggalin ang pamilya ng hari ng Judah sa trono at ilagay sa trono ng Judah at ang maghahari sa Judah ay hindi buhat sa pamilya ni David. Kaya narito ang personal at familial problem ni haring Ahaz. Sa lalong malaking larangan mayroong national problem na iyong buong kaharian ay mahaharap sa giyera. Ano ngayon ang solution sa problema na iyan? Paano mamamagitan ang Panginoong Jesucristo?
  • Ang solution ng Panginoong Jesucristo sa problemang iyan ay isang message of certainty or assurance, salita na nagbibigay katiyakan ng solution ng Panginoong Jesucristo. Ano iyon? Iyon ay katiyakan na ang kalooban ng Panginoon ay ang luluklok sa trono ni David ay buhat sa angkan ni David. That is the certainty of the Lord’s promise to king David in 2 Samuel 7 summarized as, “You shall not lack a man to sit before me on the throne of Israel, if only your sons pay close attention to their way, to walk in my law as you have walked before me.” (2 Chron. 6:16)
  • From the standpoint of the world, hindi pa nagsisimula ang laban, talo na ang Judah. But from the standpoint of the Lord Jesus, ang buong Northern Kingdom of Israel ay pababagsakin ng Panginoong Jesucristo kasama ang Syria. Ang isang dako ay “the certainty of human ability” at ang kabilang dako ay “the certainty of the Lord’s promise and the certainty of the invincibility of the Lord Jesus.” Hindi pa nagsisimula ang labanan, panalo ang Panginoong Jesucristo. Dito ay may lesson ng maling pagpili: maling pagpili ng pagkalaban sa kalooban ng Panginoong Jesucristo. Tiyak ng pagkalipol ng gagawa ng lahat na hakbang sa pagkalaban sa Panginoong Jesucristo. (Matt. 12:30) Pinapakialaman nila ang Panginoon na Siyang nagtatakda kung sino ang mamamahala sa mga bansa o kaharian kaya iyong dalawang hari ng Syria at Ephraim ay hindi mangyayari ang kanilang gusto dahil pababagsakin sila ng Panginoong Jesucristo.
  • Sinabi naman ng Panginoon sa hari ng Judah sa pamamgitan ni propetang Isaiah, “Huwag kang mangatog dahil hindi magtatagumpay ang pinapakay nila laban sa Judah. Kaya binibigyan kita ng katiyakan na bigay ng salita ng Dios. Huwag kang matakot at sa halip manalig sa Panginoon at ang Panginoon ang magtatayo sa iyo”. Kung mabuhay ka sa pananalig sa pananampalataya at pagtatapat sa Panginoong Jesucristo, kahit ang buong daigdig ay pagpipilitan na ikaw ay pabagsakin, itatayo ka ng Panginoong Jesucristo. Ito ay hindi lamang sangkot dito ang isang tao, o isang pamilay o angkan. Ang sangkot dito ay buong kaharian ng Judah. What is at stake is the whole nation of Judah and the one responsible is king Ahaz. Huwag siyang matakot at sa halip kumapit sa Panginoong Jesucristo sa pananampalataya at itatayo siya at ang kaniyang kinasasakopan at ang pinapanagutan ng Panginoong Jesucristo. Sabi ng Panginoon kay Ahaz para magkaroon siya ng kumpiyansa, “Humingi ka ng palatandaan.” Ayaw ni Ahaz. Dahil ayaw ni Ahaz, ang Panginoon mismo ang nagbigay ng palatandaan, “Ang birhen ay maglilihi at magkakaanak ng sanggol na lalake.” Ngunit bago pa mangyayari iyon, ang Syria at ang Ephraim ay pinabagsak na ng Panginoon. About 500 BC, wala na ang Ephraim at wala na rin ang Syria. Nawasak na sila ng Assyrian empire.
  • Ang ponto: Gaano katagal upang ang prophecy at ang palatandaan ay magkaroon ng kaganapan noong sabihin sa Matt. 1:23, “Behold, a virgin shall be with child, and shall bring forth a son, and they shall call his name Emmanuel, which being interpreted is, God with us.” Iyong pagkakatawang tao ng Dios Anak ay naganap bago mamatay si Herodes about 4 BC. About 700 years ang lumipas bago maganap iyong palatandaan na ang birhen ay magsisilang ng isang sanggol na lalake. Bakit ang laki ng pagitan? Dito makikita natin ang katiyakan o walang paltos na himala ng Panginoong Jesucristo. The odds for the prophecy to be fulfilled are too great: a virgin of the tribe of Judah, of the house of David, shall conceive, give birth to a son, in Bethlehem. It is only by miracle and not by chance that the Lord’s given sign is fulfilled. It is undoubtedly a miracle of the Lord. 700 years, iyan ang scale ng himala ng Panginoong Jesucristo.
  1. Sa Exo. 20:1-6
  • Malaking himala ito. Ang katampalasanan, ang kawalaan ng katarungan at katampalasanan ng mga magulang laban sa Panginoong Jesucristo ay dinadalaw ng Panginoong Jesucristo sa mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa Kaniya, ngunit pinagpapakitaan ng Panginoon ng kaawaan ang libu-libong salin ng lahi ng lahat na umiibig sa Kaniya at tumutupad ng Kaniyang mga utos. Kung ang bawat salin ng lahi, bawat generation ay 40 years, 4 generations x 40 years is 160 years. Kaya kung ikaw ay lapastangan na magulang sa Panginoon, 160 years na magmimilagro ang Panginoon ng poot at sumpa sa iyong pamilya. Ang sumpa na iyon ay mawawala at hihinto kung ikaw ay nagcommit kay Jesus ng iyong lahat. Kung gayon magmimilagro si Jesus sa iyo ng kahabagan hanggang sa iyong libu-libong salit-saling lahi dahil ikaw ay umiibig sa Panginoong Jesucristo at sumusunod sa Kaniyang utos.
  • Ang kauna-unahang solution upang ang problema ng pamilya ay malutas – love Jesus and obey His commandments. Ikaw na tatay, ikaw na nanay, seguraduhin mo na iniibig mo si Jesus at sumusunod ka sa mga utos Niya. Lahat naman ay may problema. Kapag iniibig mo si satanas, ang problema mo ay si Jesus. Kapag iniibig mo si Jesus, ang problema mo ay si satanas. Kaya lang ang sabi sa Bible, “Greater is He (Jesus) that is in me than he (satan) that is in the world.” (1 Jn. 4:4) Ngunit parehong panig ay may problema; magkaiba lamang ang kakampi at kalaban. Kaya ibigin mo na si Jesus at sundin mo ang Kaniyang mga utos at hindi si Jesus ang problema mo kundi si Jesus na ang kalutasan ng problema mo na dulot ng mundo at dito maghihimala si Jesus, spanning generation after generation, even thousands of generations. Ganoon ang abot ng himala na bigay ng Panginoong Jesucristo sa iyo – large scale miracles. Ang ponto, maging maingat sa pagtatanim. Ang isa magtatanim ng pagkasuwail sa Panginoon, magaani siya ng sumpa at parusa ng Panginoon. Iyong isa naman ay magtatanim ng pagibig at pagtalima sa Panginoong Jesucristo at magaani siya ng kahabagan ng Panginoon at libulibong salin ng kaniyang lahi.
  1. Bago doon sa Gen. 15:1, pinangakuhan ng Panginoon si Abraham na sabi ng Panginoon kay Abraham, “Fear not, Abram: I am thy shield, and thy exceeding great reward.” Abraham, Ako ang iyong kalasag o protection at Ako ang iyong higit na dakilang gantimpala. Kaya si Jesus ang iyong gantimpala. Ang mahalaga nagtatanim ka ng tamang binhi upang iyong makakamtan ang iyong pinapakay na mabuting ani. Ano ang tamang binhi sa context ng large scale miracle of the Lord Jesus Christ.
  • 6:8 “For he that soweth to his flesh shall of the flesh reap corruption; but he that soweth to the Spirit shall of the Spirit reap life everlasting.” Ano ang ipupunla sa espirito ng tao? Matthew 13 – the seed is the word of God. Ang binhi sa ating espirito, kaluluwa, kaisipan at katawan ay ang salita ng Dios. Matt. 4:4 – “Man shall not live by bread alone but by every word that proceeds from the mouth of God.” Ang salita ng Dios, iyan ang dapat na mabinhi sa buong kamalayan ng pagkatao. Anong nakabinhi sa iyo? Sa lingo ng computers, “garbage in, garbage out.” Sinasabi sa Psalm 1 na iyong tao na “his delight is in the law of the Lord and in His law doth he meditate day and night; he shall be like a tree planted by rivers of water; that bringeth forth his fruit in his season; his leaf also shall not wither; and whatsoever he doeth shall prosper.” Kapag ikaw ay truth in, truth out; grace in, grace out; righteousness in, righteousness out; mayroong malaking kapakinabangan, malaking himala ng Panginoong Jesucristo para sa iyo at ang iyong angkan o sali’t saling lahi mo.
  • Ang pangalawang binhi – “be not weary in doing good for in due season we shall reap if we faint not.” Anong aanihin sa paggawa ng mabuti?
  1. Hindi tayo maliligtas sa paggawa ng mabuti dahil ang kaligtasan natin ay ang Panginoong Jesucristo. Ang mabubuting gawa at buhay ng tao ay may hanggan at hindi sapat na makapagdulot o makapagkamit ng buhay na walang hanggan. Hindi mapapantayan ng may hanggang kakayahan ang walang hanggang buhay ng Panginoong Jesucristo. Iyong pagkamit ng buhay na walang hanggan ay pawang biyaya ng Panginoong Jesucristo at makakamit lamang natin sa persona ng Panginoong Jesucristo (Jn. 14:6).
  2. Magtanim ng kabutihan upang mag-ani ng kabutihan. Anong mabuti na hinihingi ng Panginoon sa tao? Mic. 6:8 – “He has shown thee , O man, what is good and what the Lord requires of thee; to do justice, to love mercy and to walk humbly with your God. Ito ang mabuti na hinihingi ng Panginoon sa tao: gawin mo ang katarungan, ibigin mo ang iyong kapuwa katumbas ng pagibig mo sa iyong sarili (this is the summary of doing justice). Maging mahabagin ka. Example: kung may nagpapalimos na malakas, walang sakit, alukin mo ng trabaho. Kung ayaw, ang wala sa kaniya ay hindi trabaho. Ang wala sa kaniyaay sipag. Sa Banal na Kasulatan, “ang ayaw magtrabaho ay huwag kumain.” (2 Thess. 3:10)
  3. Paano iyong lumakad ka na nagpapakumbaba na kasama moa ng iyong Dios? Amos 3:3 Can two walk together, except they be agreed? Hindi maaaring lumakad ang dalawa na hindi nagkakasundo. Si Enoch lumakad na nagpapakumbaba, nagpapahinuhod na kasama niya ang Dios. Lalakad ka na kasama mo si Jesus.
  4. Sabi ni Jesus, “take my yoke upon you” (isingkaw mo sa iyong sarili ang pamatok ni Jesus). We have to share the burden of Jesus. Ang dalahin ni Jesus dalahin mo rin iyong Kaniyang concern, care, iyong dalahin, iyong pinagmamalasakitan ni Jesus, iyon din ang pagmamalasakitan mo. kapag Makita moa ng tao ay mali, sa pinakamagandang paraan ay ipakita moa ng tama. Kung ang tao ay nasa kasinungalingan, sa pinakamagandang paraan ay ipakita moa ng katotohanan. Example: kung ang alam ng tao ay si Jesus ay tao, ipkita mo sa pinakamagandang paraan na si Jesus ay tutuong Dios na nagkatawang tao. iyon ang burden ng Panginoon na madala ang mensahe na pinaparating ng katotohanan sa mga tao; hindi lamang marinig kundi matanggap ang katotohanan ni Jesus. Iyon ang walking humbly with your God. Diyan ka nagtatanim ng mabuti, kaya aani ka ng mabuti.
  • Lastly, sa 2 Cor. 9. Ang paglilingkod natin kay Jesus ay magbibigay tayo sa gawain ng Pangnoon. Ang pagbibigay ay kusa, voluntary. Pero ang mga iba kung magbigay ay kakaunti. Sa paglilingkod kay Jesus ng marami, ay aani ng marami. Hindi lang pera iyan. Ang ating kakayahan, ang ating panahon, capability, opportunity at responsibility (kakayahan, pagkakataon at pananagutan). Iyong tatlong iyon ay ipaglilingkod natin kay Jesus.
  1. Check-up” Kapag nakikipagdaldalan ka, hindi ka inaantok pero sa service tulog ka. Tulugan iyan, hindi service. Paano ang paglilingkod mo kay Jesus? Kapag birthday ng anak mo, ang dami ang inaanyayahan mo. Pero kapag service kay Jesus, walang kang maanyayahan. Kapag malaki ang iyong ibinibinhi, malaki ang iyong aanihin sa Panginoon.
  2. Iyong iba, kabute-mentality (mushroom mentality). Ang gusto nila, pagkatanim, ani kaagad. Ang mga iba naman ay tugue mentality. Ibabad ang mongo magdamag at sisibol kaagad. Kapag ganiyan puro kabute, puro at puro tugue ang kakainin mo. Hindi ka makakain ng mangga, hindi ka makakain ng langka, hindi ka makakain ng rambutan. Hanggang kabute at tugue ka lang. ang sabi, “Be ye not weary in doing good for in due season we will reap if we faint not.” There is certainty in the promise of miracles of the Lord, not just instant miracles here and there but a continuous flow of the Lord’s miracle for His mercy endures forever.
marioq copy

Rev. Archbishop Mario I Quitoriano

Rev. Mar’s Sunday Sermon Outline

Payatas/Diliman, 05 January 2014

top

Leave a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: