Posts

Ang ABAKADA ng Kaligtasan

Please click here for the PDF copy: Ang ABAKADA ng Kaligtasan

ANG A-BA-KA-DA NG KALIGTASAN
Sapagka’t sa biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at
ito’y hindi sa inyong sarili, ito’y kaloob ng Dios; Hindi sa pamamagitan ng mga gawa,
upang ang sinoman ay huwag magmapuri. (Efeso 2:8-9)
KUNG MAMATAY KA NGAYON, PAPAROON KA BA SA LANGIT? –
NGAYON ANG ARAW NG KALIGTASAN-(2Corinto 6:2)
Bakit mo ipagpapaliban pa ang pinakamahalaga na pagpapasiya na maaaring
gawin ng sinoman sa kaniyang buhay upang magkaroon ng buhay na walang
hanggan?
KAPAHAYAGAN NG MABUTING BALITA:
“Ngayo’y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo’y aking
ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong pinananatilihan, sa
pamamagitan naman nito’y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang
ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung kayo’y nagsipanampalataya nang walang
kabuluhan. Sapagka’t ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap:
na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan, at
siya’y inilibing; at siya’y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan.”
( 1 Corinto 15:1-4)
A – A MININ MO NA IKAW AY MAKASALANAN AT A YAWAN MO ANG
KASALANAN. (1John 1:8-9)
Ito ang panimula ng kalumbayang mula sa Dios dahil sa pakakasala laban sa
matuwid na Dios na tungo sa pagsisisi sa ikaliligtas at pababago ng puso at pagiisip
upang babaguhin tayo ng Dios mula sa kalooban at panlabas.
B – B IBIG MO AY MAGSABI AT PUSO MO AY SUMAMPALATAYA NA
SI JESUCRISTO AY NAMATAY DAHIL SA IYONG KASALANAN,
AYON SA KASULATAN, AT NALIBING, AT BINUHAY SIYA MULI NG
DIOS SA IKATLONG ARAW AYON SA KASULATAN. (Romans
10:9-10)
Sapagka’t kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at
sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay
maliligtas ka.
KA – K AY K RISTO JESUS KA TUMAWAG AT SUMAMPALATAYA KA
SA PANGALAN NIYA UPANG MAGKAROON KA NG BUHAY NA
WALANG HANGGAN NA NASA PANGALANG JESUS. (Acts 2:21;
4:12; JOHN 20:31)
Dumarating ang araw na bawat isa, mula kay Adan ay luluhod at ipapahayag ng
kanilang labi na si Jesucristo ay Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari.

Leave a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: