Posts

Let the Mind of Christ Rule our Lives

Rev Mar’s April 19 sermon transcript. Please see text below and download PDF here: Let the Mind of Christ Rule Our Lives

 

Let the Mind of Christ Rule Our Lives
Philippians 2:5-11; Ephesians 1:21-23
Sumainyo ang kapayapaan at biyaya na kaligtasan at buhay na walang hanggan na
matatanggap lamang, wala nang iba, kundi mula sa Panginoong Jesucristo, ang Dios Anak na
nagkatawang tao, upang akuin Niya ang ating kasalanan at tubusin tayo mula sa ating
pagkakasala sa pamamagitan ng pagaalay Niya ng buhay ng Kaniyang katawang tao hanggang
kamatayan, at sa Kaniyang pagkabuhay mula sa mga patay, ang sinomang sumampalataya sa
Panginoong Jesucristo nang tuloy, tuwiran agad, tapat at walang pasubali, at tanggapin si
Jesus na kaniyang lahat sa lahat, itong Panginoong Jesucristo na ito ang maging kaniyang
kaligtasan, buhay na walang hanggan at kaluwalhatian magpakailanman.
A. Review. Sa mga nakaraan na mga linggo ay napagaralan natin na hindi tayo dapat
magimbal dahil sa lumalaganap na pestilence na COVID-19.
1. At upang magkaroon tayo ng “antidote for spirit of fear” we have to have the spirit of
power, of love and of a sound mind. (2 Timothy 1:7) Napagaralan natin na ang power na
dapat sumaatin ay the power of God which is no other than Jesus Christ our Lord, (1
Corintihian 1:24) and we should have the love of God which is in Christ Jesus our Lord
(Romans 8:9) who though we were yet sinners Christ died to save us from wrath of God
and that by loving Jesus Christ, we are reconciled to Him (Romans 5:8-10).
2. Then we have to have the spirit of a sound or a disciplined mind. Sa Philippians 2:5 ay
sinasabi na “Let this mind be in you which was also in Christ Jesus.” The mind of Christ
Jesus is manifested in His humility and obedience to God’s eternal purpose. To fulfill the
eternal purpose of God which was purposed in Christ Jesus (Ephesians 3:11), He
humbled Himself and became obedient unto death even death upon the cross
(Philippians 2:6-9) that He becomes the Lamb of God who takes away the sin of the
world (John 1:29; Revelation 13:8; 1 Corinthians 5:7).
3. To have the mind of Christ, we have to come unto Jesus, take His yoke upon us and
learn of Him (Matthew 11:28-29) This tells us a lot about learning of Jesus. We need to
be disciplined when we take the yoke of Jesus. Sharing the burden with the Lord is in
the imagery of “breaking a cow” before it can be used as a beast of burden. Bago mo
maisingkaw ang guyang baka na hindi pa nakapagpasan ng pamatok, kinakailangan ng
training at discipline upang ang guya ay sumunod at gawin ang pinapagawa ng amo.
B. Kaya ngayon ay ating ipagpapatuloy ang ating pagaaral ng Salita ng Dios na dumating sa
atin sa pamamagitan ng Panginoong Jesucristo. (Hebrews 1:1-2; Revelation 1:1-2; 19:10;
Luke 24:44-47) Ang ating pagaaralan ngayon ay ang pagiral ng Panginoong Jesucristo sa
ating buhay.
1. Dahil ang Panginoong Jesucristo ay nagkatawang tao sa pagtitimpi, pagkakait,
pagtanggi ng Kaniyang pagka-Panginoong Dios Anak (kenosis – divine self-limitation)
upang Kaniyang katawanin ang sangkatauhan at ang Panginoong Jesus ang umako sa
ating kasalanan, magbayad ng singil ng kasalanan na kamatayan at mabuhay na maguli
upang ang Panginoong Jesucristo ang maging kaganapan ng kapatawaran ng ating
kasalanan, kaganapan ng ating pagkakaroon ng buhay na walang hanggang at
kaluwalhatian magpakailanman. Samakatuwid ang sakdal na kaganapan (pleroma –
fulfilment) ng pinakamagandang buhay para sa lahat ay ang Panginoong Jesucristo.
2. Pagkatapos Niyang magawa ang paghahain ng Kaniyang sarili sa ikaliligtas ng
sanlibutan, ang Panginoong Jesus ay nakaupo ngayon sa kanang dako ng Dios Ama at
ginawa ng Dios Ama itong si Jesus na pinakamataas sa lahat ng mga pamunuan,
kapamahalaan, kapangyarihan, pagsakop, lahat ng mga pangalan sa kasalukuyang
sanglibutan o sa darating man at inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng Kaniyang
paa at ibinigay sa Kaniya ang pagiging pang-ulo sa lahat ng bagay maging pangulo ng
lahat ng mga bagay at sa iglesia na Kaniyang katawan upang Siya na ang pumupuspos
sa lahat sa lahat. Samakatuwid, ang Panginoong Jesucristo ay may tatlong larangan ng
Kaniyang pagiral sa ating buhay:
a. He is the head of all things
b. He is the head of all mankind
c. He is the head of the church, ekklesia, called out ones, mga tinawag ng Panginoong
Jesucristo upang umalis sa kasalanan at italaga ang kanilang lahat sa Panginoong
Jesucristo upang kanilang ipaglingkod ang kanilang lahat sa Kaniya (Colossians
1:16).
3. Therefore, as head of all, appropriate the headship of Christ in your life. Kung
tinatanggap mo ang pagka-pangulo ng Panginoong Jesucristo sa lahat ng lahat, at lalo
na kung ikaw ay kabilang sa ecclesiastical body or the church, dapat mong tanggapin
ang pagiral bilang pangulo ang Panginoong Jesucristo sa iyong lahat at iaangkop mo
ang Kaniyang pagka-pangulo hindi lamang sa larangan ng buhay pang-ecclesia kundi
sa buong larangan ng buhay mo. You will appropriate the headship of Jesus Christ in
our family life as well as our individual life.
4. Ang ating individual life. Paano mo iaangkop ang pagka-pangulo ng Panginoong
Jesucristo sa sariling buhay mo? Ang kauna-unahang magiging katunayan ng pag-iral
ng pagka-pangulo ni Cristo sa lahat sa lahat mo ay kung ang kaisipan ni Cristo ang:
a. Iyong tatanggapin
b. Iyong tataglayin
c. Iyong paiiralin sa buong buhay mo.
5. Upang matanggap natin ang kapuspusan ng biyaya at katotohanan ng Panginoong
Jesucristo, we have to empty ourselves of ourselves, self-negation (self-pride [Proverbs
16:18 Pride goeth before destruction, and an haughty spirit before a fall.],
self-sufficiency [2 Corinthians 3:5 Not that we are sufficient of ourselves to think any
thing as of ourselves; but our sufficiency is of God;] and self-confidence [Proverbs 3:5-6
Trust in the LORD with all thine heart; and lean not unto thine own understanding. In all
thy ways acknowledge him, and he shall direct thy paths.]).
6. Paano? Galatians 2:20 – hindi na ako ang nabubuhay kundi si Cristo na ang mabubuhay
sa akin. You negate the self-life and you affirm the Christ-life. Ang pagiral ng kaisipan
ni Cristo sa atin ay nagsisimula sa pagtanggi mo sa iyong sarili – deny yourself – Not I
(SELF-DENIAL, NEGATION). That is the negative aspect. But there is a positive aspect
of it – but CHRIST lives in me (AFFIRMATION). Kung si Cristo ang nabubuhay sa atin,
the gospel correlates with Galatians 2:20. Sinasabi ng Panginoong Jesucristo, “If anyone
2
comes after Me, let him deny himself, take up his cross (one’s responsibility to the Lord
and to the world) and follow Me” (Matthew 16:24). This is one way of saying, NEGATE
YOURSELF and AFFIRM CHRIST. Kaya ang tutuong Kristiyano ay magkaroon ng
ganitong commitment, affirmation and attitude.
7. Life of Christ-the mind of Christ. Kung si Cristo ang nabubuhay sa akin, ang kaisipan ni
Cristo ang umiiral sa akin. Paano ba iyong pagiisip na ang gawi ay ang gawi ng kaisipan
ni Cristo?
a. Mind of Christ-Character of Jesus. Ito ay pagiisip na mayroong tatlong pangunahing
mga palatuntunan o prinsipio (3 main priciples) inherent in the very character of the
person of the Lord Jesus Christ. The character of Christ is full (1) of grace and (2) of
truth and (3) of righteousness. Kaya ang track of mind natin bilang we have the mind
of Christ should be totally motivated, imbued and shaped by the fulness of the grace
and of truth and of the righteousness of the Lord Jesus Christ. Samakatuwid, ang
umiiral sa iyo ay ang kabuuan ng biyaya o pagmamagandang loob at ang
katotohanan at ang katuwiran ng Panginoong Jesucristo. Wala iyang ipinatatalastas,
ipinapahiwatig at pinapalaganap na kahulugan sa iba kundi grace
(pagmamagandang loob – goodwill) at wala iyang dalang sama ng loob (ill will).
Ang iyong palaging dala ay pagmamagandang loob. You will not want to destroy
anybody but promote goodwill and not ill will, not personal animosity. Hindi mo
hahangarin at hindi mo gagawin na sirain o wasakin ang sinoman. Wala kang
daladala kundi katotohanan at hindi kasinungalingan. (2 Corinthians 13:8 “For we
can do nothing against the truth, but for the truth.”) Walang kang daladala na
kalikuan (unrighteousness) kundi ang katuwiran ni Jesus. (1 Corinthians 6:9-10 “Or
do you not know that the unrighteous will not inherit the kingdom of God? Do not be
deceived: neither the sexually immoral, nor idolaters, nor adulterers, nor men who
practice homosexuality, nor thieves, nor the greedy, nor drunkards, nor revilers, nor
swindlers will inherit the kingdom of God.”) So, ang dalhin natin palagi ay
pagmamagandang-loob – good will, hindi sama ng loob – ill will, ang dalhin natin ay
truth hindi falsehood, ang dalhin natin ay righteousness hindi unrighteousness.
b. Example of the Grace of Christ.
1. Ang Panginoong Jesucristo ay nagpakumbaba sa Kaniyang pagsasakatawang
tao. siya ay ipinako sa krus, pinutungan Siya ng tinik, umagos ang dugo sa ulo,
sa butas ng pako sa kamat at paa at sa tulos sa Kaniyang tagiliran. Hindi lang
dumanas ng sakit sa katawan kundi dumanas Siya ng sakit ng damdamin
because, “He was in the world, and the world was made by him, and the world
knew him not. He came unto His own but His own receive Him not.” (John
1:10-11). He was rejected and despised and scorned by His own. Mayroong sakit
ng damdamin doon. He was hurt not only physically but even more spiritually hurt
by the rejection of Him by the sinful world. Ngunit hindi sinuklian ni Jesus ng
samaan ng loob.
2. Tignan mo si Jesus noong Siya ay nakapako sa krus. Iyong mga nagpako sa
Kaniya sa krus, iyong mga nagutos na Siya ay ipako sa krus, iyong mga lumilibak
sa Kaniya noong Siya ay nakabayubay sa krus, lahat iyon ay nagkasala laban sa
Panginoong Jesucristo kahit alam Niyang mali lahat nang iyon, hindi Siya
nagkaroon ng sama ng loob. Saan Niya ini-charge? He charge it to their
3
ignorance, “Father forgive them for they know not what they do.” (cf. Acts
3:17-19. In the ignorance of Israel and its rulers that crucified Jesus Christ, they
need to repent and be converted that their sins shall be blotted out. “Ignorance of
the law excuses no one.” This is a legal principle holding that a person who is
unaware of a law may not escape liability for violating that law.) They were not
innocent, they were ignorant. Dito, ang Panginoong Jesucristo ay hindi
nagpalaganap ng virus ng samaan ng loob, walang ill will, walang rancour
(malicious resentfulness or hostility; spite), walang malice. Although He has been
hurt, hindi pa rin nananakit, hindi pa rin nananalbahe.
3. Of course, the Lord punishes sin. The moment you commit sin, there is already a
death sentence upon you but that death sentence does not have any ill will in it.
(2 Peter 3:9 “…but is longsuffering to us-ward, not willing that any should perish,
but that all should come to repentance.”) Halimbawa: kapag dini-disiplina ang
anak, habang pinapalo ang anak, ang magulang ang lalong nasasaktan. Walang
sama ng loob ang pagtutuwid sa anak.
c. CHECK-UP: Kaisipan ni Cristo vs. kaisipan ni satanas. Anong umiiral sa buhay mo?
Pagmamagandang loob? Kung hindi gracia ang pinapalaganap mo, disgrasya ang
pinapalaganap mo. Nagiging ahente ka ng disgracia, ahente ka ng samaan ng loob,
ahente ka ng pagsira at pagwasak. Nagpapaasangkapan ka kay satanas sapagkat
iyan ang gawain ni satanas dahil, “the thief cometh but to steal, kill and destroy but
He came that we might have life and that we might have it more abundantly.”(John
10:10). But the fulness of the Lord Jesus Christ came in the “fullness of grace and
truth” (John 1:17).
C. CHECK-UP:
1. Ang pagiral ni Cristo at kaisipan ni Cristo sa buhay mo ay hindi lamang outward
manifestations of your emotions. Wala sa pagpalakpak mula sa umaga hanggang gabi,
wala sa pagtumba-tumba at pagulong-gulong sa mga services. Dahil kung pagtayo mo
ay dala-dala mo pa rin ang sama ng loob sa kapuwa, hindi pa umiiral ang kaisipan ni
Cristo sa iyo. Kapag ganoon, hindi si Cristo ang nabubuhay sa iyo. Pumalakpak ka nang
pumalakpak para sa Panginoon hanggang sumakit na ang mga palad mo, sumigaw ka
nang sumigaw para sa Panginoon hanggang mamaos ka, manalangin ka ng 24 oras.
Yes, do all of that for Jesus but that is not Christianity. These are just mere outward
manifestations of your emotions.
2. Let us ask ourselves: Si Cristo ba ang humuhubog ng saloobin natin sa ating kapuwa?
Sa iyong daigdig? Ang dala-dala mo ba ay grasya at hindi disgrasya? Sa harap ng
Panginoon at sa kalagitnaan ng madla, malinis ba ang iyong budhi na sasabihin mo sa
harap ng Panginoon, “Alang-alang sa iyo Jesus, ang taong ito na sumalbahe sa akin,
wala akong gagawin na ikasasama niya kundi sa ikabubuti niya alang-alang sa iyo
Jesus.”
3. Ang naturaleza natin, kapag sinuntok ka, susuntukin mo rin ang sumontok sa iyo –dahil
justice iyon kung Old Testament ang tatanungin. An eye for an eye and a tooth for a
tooth (Matthew 5:38; Exodus 21:24; Deuteronomy 19:21). Ngunit sa New Testament
sinasabi na we have a better covenant, we have more than justice. It is fullness of grace
in the New Testament period. Purihin ang Panginoon at pinapairal ng Panginoong ang
pagmamagandang loob at hindi katarungan. Otherwise, kung katarungan ang pinairal ng
4
Panginoon, patay tayo lahat dahil the wages of sin is death and we all have sinned and
death passed upon all men. By the grace of the Lord Jesus, He paid our debt that we
cannot pay by His death upon the cross that the justice of God may be satisfied so that
now His mercy can now be exercised upon a repentant heart. Kaya ngayon, by the New
Testament standard, sinuntok mo ako, hindi kita susuntukin alang-alang sa Panginoon
Jesus. Alang-alang kay Jesus, hindi ang gusto ko ang iiral kundi ang gusto ni Jesus ang
susundin ko. Dahil tayo ay nasa fullness of His grace, kapuspusan ng grasya kaya hindi
ka magdadala ng disgrasya alang-alang sa Panginoong Jesucristo. Give place for the
more perfect justice of the Lord Jesus Christ, the righteous judge, said, “Vengeance is
mind, saith the Lord” for “…His work is perfect: for all his ways are judgment: a God of
truth and without iniquity, just and right is He.” (Deuteronomy 32:4).
4. I-check up natin ang ating pagka-Kristiyano. Hindi sa lakas ng pagsigaw ng Hallelujah
bagamat sisigaw tayo ng Hallelujah sa Panginoon, hindi sa patuloy na pagpalakpak to
make a joyful noise unto the Lord, bagamat gagawin natin iyon. Hindi doon susukatin
ang katunayan ni Cristo sa buhay mo. But the reality of Christ in our lives can only be
gaged in terms of the control, the dominance of the mind of Christ over our entire being.
5. Ngayon masasabi mo ba kay Jesus, “Jesus, alang-alang sa iyo, tutu ong-tutuo po, wala
po akong dala-dala na sama ng loob kahit kanino sa mundong ito”? What a miracle to
everyone who can say I live by your grace and truth and righteousness. Kung masasabi
mo iyan, then truly Christ is living in you. You gave your life to Jesus that Jesus may fill
you with His life. This is the essence of true communion.

Leave a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: