Kneeling at the Name of Jesus (Part 1)
Bible Study by Rev Mar. Please download PDF copy here: Kneeling at the Name of Jesus Part 1
KNEELING AT THE NAME OF THE LORD JESUS (Part 1)
Philippians 2:6-11
A. Noong nakaraan ay ating napag-aralan na mayroon tatlong dapat gawin sa pangalan ni
Jesus. Ang mga ito ay:
1. Lahat ng tao ay dapat sumampalataya sa pangalan ng Panginoong Jesus upang
magkaroon tayo ng kaligtasan, buhay na walang hanggan at bigyan tayo ng
karapatang maging anak ng Diyos. (John 3:18; 20:31; 1:12; 1 John 5:13).
2. Lahat ng tuhod, maparoon man sa langit, narito man sa lupa o nasa ilalim ng lupa,
ay luluhod sa pangalan ng Panginoong Jesus. (Philippians 2:9-11).
3. Walang tatawagan ang tao kundi ang pangalan ng Panginoong Jesus upang ang tao
ay mailigtas sa lahat ng kapahamakan at magkaroon ng buhay na walang hanggan
at maging totoong anak ng Diyos. (John 14:13; 16:23-26; Acts 4:12; 9:10-22;
Romans 10:13; 1 Corinthians 1:2).
B. Bakit napakahalaga ang pangalang Jesus?
1. Ang pagpapakumbaba at pagiging masunurin ng Panginoong Jesucristo sa
kagustuhan at kalooban ng Dios Ama. Nuong magkatawang tao ang Dios Anak,
ang Panginoong Jesucristo, at kunin at taglayin ang sariling katalagahan ng tao, si
Jesus ay nagpakumbaba at naging masunurin sa Dios Ama na Siyang nagsugo sa
Kaniya dito sa lupa at sa Kaniyang pagiging masunurin sa Dios Ama ay Kaniyang
itinaguyod sa sukdulang pagpapakasakit ng Kaniyang sarili sa pamamagitan ng
paghahain ng Kaniyang katawang tao hanggang kamatayan sa krus upang
maganap Niya ang kagustuhan at kalooban ng Ama. Dahil diyan si Jesus ang
katuparan ng lahat na itinatakda ng mga propeta at kautusan at lahat ng
pagsasalarawan patungkol sa Tagapagligtas ng sanlibutan doon pa man sa
Lumang Tipan (Luke 24:26-27, 44-47). Itong itinatakda sa Lumang Tipan ay
Kaniyang isinaganap sa paghahain ng Kaniyang katawan bilang nagpapakasakit at
nagdurusang alipin (suffering servant). Bilang alipin ay Kaniyang tinupad ang plano
ng Dios Ama na matubos at mailigtas ang sanlibutan sa pamamagitan ng pag-ako
Niya sa kasalanan ng sanlibutan at Kaniyang mabayaran sa paghahain ng buhay
ng Kaniyang katawan hanggang kamatayan.
2. Pagkatapos mabigyan ng kaganapan ng Panginoong Jesucristo ang ganitong
gawain Niya, Siya ay muling nabuhay sa Kaniyang katawang tao na lumasap ng
kamatayan. Itong katawan ng Dios Anak na Kaniyang binuhay muli at niluwalhati
(John 10:17-18) ay umakyat sa kanang dako sa luklukan ng Ama doon sa
kaluwalhatian.
3. Dahil ang Dios Anak ay masunurin sa Dios Ama, kaya naman binigyan ng Dios
Ama ang Dios Anak ng pangalan na higit na mataas kaysa sa lahat ng mga
pangalan upang sa pangalang Jesus ang lahat ng tuhod, maparoon man sa langit o
maparito man sa lupa o naroon man sa ilalim ng lupa ay luluhod sa pangalang
Jesus sa ikaluluwalhati ng Dios Ama. Ito ay sa pagbibigay katuparan sa alituntunin
ng Panginoon na ang nagpapakumbaba ay siyang itataas ng Panginoon at ang
nagmaataas ay siyang ibababa ng Panginoon. (Luke 14:11 “For whosoever
exalteth himself shall be abased; and he that humbleth himself shall be exalted.” cf.
Matthew 23:12; Psalm 138:6; Proverbs 3:34; 29:23).
4. Ang nagbigay ng mataas na katatayuan o kadakilaan sa pangalang Jesus ay ang
Dios Ama. Kaya naman binigyan ang Dios Anak na nagkatawang tao ng sakdal at
higit na dakilang pangalang Jesus ay dahil hindi lamang isinaganap ng Dios Anak
ang kalooban ng Dios Ama kundi ang Dios Anak ay karapatdapat na taglayin Niya
yaong pangalan na mataas sa lahat ng mga pangalan. Ibig sabihin, “the Son
deserves His name given Him by the Father.
C. Bakit karapatdapat na taglayin ng Panginoong Jesus ang Kaniyang pangalan na higit na
mataas kaysa lahat ng mga pangalan?
1. Ang Panginoong Jesucristo ay mataas sa lahat.
a. Tutuong Siya ay maataas sa lahat dahil ang Panginoong Jesucristo na nanaog
dito sa lupa mula sa itaas ay mataas sa lahat. “He that cometh from above is
above all: he that is of the earth is earthly, and speaketh of the earth: he that
cometh from heaven is above all.” (John 3:30-31). Ito ang nagpapatunay sa atin
na ang Panginoong Jesucristo ang “the Most High God” (El Elyonn, ang
Kataastaasang Dios). Philosophically, ang magiging katawagan diyan ay
“Supreme Being” o sukdulang kataastaasang pagkakapangyari (Being), walang
iba kundi Dios.
b. Sa Genesis 14:18-20, iyong Dios ni Melchizedek na Siyang nagpala kay
Abraham ay Siya iyong Kataastaasang Dios na may-ari ng sangkalangitan at
sangkalupaan. Samakatuwid, ang Dios na Siyang pinakamataas sa lahat,
sang-ayon sa John 3:30-31 ay walang iba kundi ang Panginoong Jesucristo. Siya
rin ang may-ari ng sangkalangitan at sangkalupaan ayon sa Genesis 14:18-20.
May karapatan ang Panginoong Jesucristo na magmay-ari ng langit at lupa sa 3
kadahilanan:
1) May karapatan Siyang magmay-ari ng lahat na Kaniyang ginawa sapagkat
Siya ang lumalang ng lahat at bawat bagay, at walang anomang nalalang
kundi sa pamamagitan ng Panginoong Jesucristo (John 1:3, 10; Colossians
1:16);
2) May karapatan ang Panginoong Jesucristo na magmay-ari ng lahat ng bagay
sapagkat ang Panginoong Jesucristo ang itinakda ng Dios Ama na
Tagapagmana ng lahat ng bagay (langit at lupa) (Hebrews 1:3);
3) May karapatan ang Panginoong Jesucristo na magmay-ari ng lahat ng bagay
sapagkat Siya ang tumubos at nagligtas ng lahat sa lahat ng kapahamakan.
(Titus 2:13-14; Hebrews 10:10; 1 Peter 3:18; 2 Corinthians 5:14-15).
Bilang may karapatang magmay-ari ng lahat, nasa disposition Niya ang lahat ng
mga bagay. Kaya inilagay ng Dios Ama ang lahat ng bagay sa kamay ng Anak.
(John 3:35).
2. Isang dahilan kung bakit ang Panginoong Jesucristo ay may karapatan na taglayin
Niya ang pangalan na higit na mataas kaysa lahat na pangalan ay may kaugnayan
sa kung anong buhay ang taglay ng Panginoong Jesucristo. Sangayon sa 1 John
1:1-2, ang Panginoong Jesucristo na sinasaksihan ng mga apostol ay nakita at
namasdan ng kanilang mga mata, narinig ng kanilang mga tainga at nahipo o
nahawakan ng kanilang mga kamay, Siya yaong nahayag sa kanila na Salita ng
Buhay. Ito ang buhay na walang hanggan na kasama na ng Ama doon pa man sa
kaunaunahan. Samakatuwid, ang pakilala sa Panginoong Jesucristo ay Siya yaong
buhay na walang hanggan. Ito ay pinapatunayan din sa 1 John 5:9-13 na sinasabi,
“Tayo ay binigyan ng Dios Ama ng buhay na walang hanggan at ang buhay na
walang hanggan na ito ay nasa Kaniyang Anak. Kaya sinomang nagmamayroon ng
Anak ay may buhay na walang hanggan dahil itong Anak na isinugo ng Dios ay
buhay na walang hanggan (1 John 5:20). Palibhasa walang hanggan ang Kaniyang
buhay, wala nang tataas pa sa antas ng buhay na walang hanggan ng Panginoong
Jesucristo. Samakatuwid, kung ibigay sa Kaniya ng Ama ang pangalan na higit na
mataas kaysa mga pangalan ay angkop lamang iyon sa Panginoong Jesucristo
sapagkat Siya ay kataastaasang Dios.
Ang sanlibutan na ito ay may hanggan kaya hindi maaaring maisilid ang buhay na
walang hanggan ng Panginoong Jesucristo sa sanlibutan dahil nanumbalik na Siya
sa pagpapairal ng Kaniyang buhay na walang hanggan sa ganang sarili Niya bilang
Dios Anak.
3. Pangatlong dahilan kung bakit karapatdapat sa Panginoong Jesucriso ang pangalan
na higit na mataas kaysa lahat na pangalan ay dahil sa Kaniyang gawain na hindi
lamang pangsanglibutan (cosmic function, gawaing patungkol sa sanlibutan,
samakatuwid, gawaing may hanggan) kundi mayroon Siyang gawaing pangwalang
hanggan.
a. Gawaing walang hanggan. Sinasabi sa Hebrews 1:8 na ang Dios Anak ay
nakaluklok sa Kaniyang trono na walang hanggan. A throne symbolizes power,
governing, sovereign ruling power. Ito ay sagisag ng kapangyarihang umiiral.
Ang Panginoong Jesuristo bilang totoong Dios at buhay na walang hanggan ay
nagtataglay ng kapangyarihang walang hanggan. Dahil ang Panginoong
Jesucristo ay may taglay na kapangyarihang walang hanggan (1 Corinthians
1:24), kaya ang Panginoong Jesucristo ang nagsasakatuparan sa walang
hanggang pakay ng Dios (Ephesians 3:11). Kaya karapatdapat na magtaglay
Siya ng pangalang higit na mataas kaysa lahat ng mga pangalan dahil ang
Kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang umiiral sa lahat ng dako at lahat
ng kapanahunan magpakailanman. Ito ang Kaniyang gawaing walang hanggan.
b. Mayroon din Siyang gawaing patungkol sa sanlibutan. Itong Dios Anak na si
Jesucristo ay Siyang lumikha sa sanlibutan (John 1:3, 10; Colossians 1:16;
Hebrews 1:10-12). Ang lumalang at nagtatag ng lahat ng mga bagay ay walang
iba kundi ang Panginoong Jesucristo. Siya ang gumagawa at nagsasaayos sa
buong sanlibutan. Maari mo bang gawin, lalangin, itatag at isaayos ang buong
sanlibutan kung hindi ka mataas sa lahat? Hindi mo mapapangasiwaan ang lahat
ng mga ito kung hindi ka mataas sa lahat. Kaya sa ganitong gawaing
pangsanglibutan, ang Panginoong Jesucristo ay may Karapatan na taglayin Niya
ang pangalan na higit na mataas sa lahat ng pangalan.
4. Isa pang mahalagang kadahilanan ay nadaig, nahigitan, nalampasan Niya ang
sukdulang maaabot na kakayahan ng sanlibutan pagkatapos nagampanan ng
Panginoong Jesucristo ang gawain ng pagliligtas sa buong sanlibutan.
a. Ano iyong sukdulang hangganan na kakayahan ng sanlibutan pagkatapos
magkasala? What is the ultimate boundary of the total capability or potency of the
whole world or universe after mankind fell into sin? Ang sukdulang abot kaya ng
sanlibutan ay KAMATAYAN. The ultimate boundary of existence of this finite
world is DEATH due to sin. Sa pagkabuhay na maguli ng Dios Anak, sa
Kaniyang katawang tao na Siyang lumasap ng kamatayan sa pagkaka-ako Niya
sa kasalanan ng sanlibutan, ay Kaniyang nalampasan ang kamatayan. Jesus
Christ was the firstfruits, the first to transcend and nullified DEATH. So, the Bible
says, “Death is swallowed up in victory. O death, where is thy sting? O grave,
where is thy victory? The sting of death is sin; and the strength of sin is the law.
But thanks be to God, which giveth us the victory through our Lord Jesus Christ.”
(1 Corinthians 15:54-57).
b. Kaya noong umakyat ang Panginoong Jesucristo sa sangkalangitan at
kaluwalhatian, ang Panginoong Jesucristo ay umakyat ng higit na kaysa mga
langit na bahagi ng sanlibutan. (“He that descended is the same also that
ascended up far above all heavens, that he might fill all things .” Ephesians 4:10)
Kaya noong nabuhay na maguli ang Panginoong Jesucristo sa Kaniyang
katawang tao na Kaniyang niluwalhati, umakyat Siya sa ibayong higit kaysa mga
langit dahil ina-assume at rine-resume na Niya ang Kaniyang pag-iral sa
kapupusan ng Kaniyang pagka-Dios. Ang sanlibutan na ito ay may hanggan kaya
hindi maaaring masilid ang buhay na walang hanggan, ang Panginoong
Jesucristo sa sanlibutan dahil nanumbalik na Siya sa pagpapairal ng Kaniyang
buhay na walang hanggan sa ganang sarili Niya bilang Dios Anak.
Kaya ang Dios Ama ay nagpahayag sa lahat na ang Dios Anak ay mataas sa lahat kaya
angkop at Karapatan Niya na bigyan Siya ng Dios Ama ng pangalan na higit na mataas
kaysa lahat na mga pangalan.
D. Conclusion
1. Tayo, bilang tao, ay may hangganan ng kakayahan at ang sukdulang kakayahan
natin ay hanggang kamatayan lamang. Tanging ang Panginoong Jesucristo ang
nakahigit o nakalampas sa kamatayan na iyon lamang ang sukdulang kayang abutin
ng sanlibutan na ito sapagkat bumangon Siya mula sa mga patay. The tomb cannot
prevent Him and death cannot hold Him. The stone was rolled and the tomb was
empty. Pinatunayan ng Panginoong Jesus ang Kaniyang sinabi, “I am the
resurrection and the life. Whoever believes in me, though he die, yet shall he live,
and everyone who lives and believes in me shall never die. Do you believe this?”
(John 11:26).
2. Kung nais mo na ikaw ay hindi hanggang libingan lamang at nais mo na lampasan
mo ang kamatayan:
a. Tanggapin mo na ikaw ay nagkasala na siyang naghiwalay sa iyo sa Dios na
buhay na walang hanggan. Kaya ayawan mo at talikuran mo ang iyong mga
kasalanan.
b. Ituloy mo ang iyong buong buhay sa tapat na pagsampalataya na ang
Panginoong Jesucristo ang tumubos sa iyo at Siya ang nagbayad ng iyong mga
kasalanan.
c. Ipahayag mo na si Jesus na ang iyong kaligtasan, buhay na walang hanggan at
kaluwalhatian magpakailanan.
3. At sapagkat ang Panginoong Jesucristo ang umakyat sa kataas-taasan na higit pa
kaysa lahat ng mga langit , ang Panginoong Jesucristo rin ang magdadala sa iyo sa
1
Kaniyang kaluwalhatian sa tahanan ng Dios Ama sapagkat ipinangako Niya na sa
lahat ng Kaniyang mga tagasunod, ipaghahanda Niya sila ng matitirhan sa tahanan
ng Ama at Siya ay paparito muli upang sunduin at tanggapin sa Kaniyang sarili ang
lahat ng mananampalataya sa Kaniya upang kung saan Siya dumuroon ay
1 Ang mga langit ay may 3 bilang: (1) unang langit o hipapawid or atmospheric heaven, (2) ikalawang langit o
larangan ng mga bituin or astronomical heaven, (3) ikatlong langit o tahanan ng Ama (John 14:1-3) o paraiso
(Luke 23:43; 2Corinthians 12:3) or Abraham’s bosom (Luke 16:22)
d
u
m
u
r
o
o
n
din
t
a
y
o
n
a
k
a
s
a
m
a
Niy
a
m
a
g
p
a
k
aila
n
m
a
n. (
J
o
h
n
1
4:1
–
3; 1
T
h
e
s
s
alo
nia
n
s
4:1
6
–
1
8
).
Leave a comment