Posts

Kneeling At The Name Of Jesus (Part 2)

Bible study by Rev Mar: Kneeling At The Name Of Jesus (Part 2)

Please download PDF here:Kneeling At The Name Of Jesus Part 2

Kneeling At The Name Of Jesus (Part 2)
(Philippians 2:6-11)
A. Pagbabalik Tanaw.
1. Tatlong dapat gawin sa pangalan ni Jesus:
a. Lahat ng tao ay dapat sumampalataya sa pangalan ng Panginoong Jesus (John
3:18; 20:31; 1:12; 1 John 5:13)
b. Lahat ng tuhod, ay luluhod sa pangalan ng Panginoong Jesus. (Philippians 2:9-11)
c. Walang tatawagan ang mga tao kundi ang pangalan ng Panginoong Jesus (John
14:13; 16:23-26; Acts 4:12; 9:10-22; Romans 10:13; 1 Corinthians 1:2)
2. Bakit napakahalaga ang pangalang Jesus?
a. Ang pangalang Jesus ay higit na mataas kaysa lahat ng mga pangalan.( Luke 14:11;
Matthew 23:12; Psalm 138:6; Proverbs 3:34; 29:23 )
b. Tanging ang pangalang Jesus ang pangalang ibinigay sa silong ng langit na sukat
ikaligtas ng tao. (Acts 4:12)
c. Sinomang tumawag sa pangalang Jesus ay maliligtas (Joel 2:32; Acts 2:21; Matthew
10:13).
3. Bakit karapatdapat na taglayin ng Panginoong Jesus ang Kaniyang pangalan na higit na
mataas kaysa lahat ng mga pangalan?
a. Ang Panginoong Jesucristo ay mataas sa lahat (John 3:30-31; Ephesians 4:10).
b. Wala nang tataas pa sa antas ng buhay na walang hanggan ng Panginoong
Jesucristo (1 John 5:9-13; 5:20).
c. Kaniyang gawain na hindi lamang pang sanlibutan (cosmic function, gawaing
patungkol sa sanlibutan, samakatuwid, gawaing may hanggan) kundi mayroon
Siyang gawaing pang walang hanggan (Ephesians 3:11; 1 Corinthians 1:24;
Hebrews 6:20; 7:25).
d. Nadaig, nahigitan, nalampasan Niya ang sukdulang maaabot ng kakayahan ng
sanlibutan na kamatayan (1 Corinthians 15:54-57; Ephesians 4:10)
B. At sapagkat karapatdapat na taglayin Niya ang pangalan na higit na mataas sa lahat ng
mga pangalan, ito ay nangangahulugan na ang lahat ng mga tuhod na naroon sa langit o
lupa o sa ilalim ng lupa ay karapatdapat at kinakailangang lumuhod sa Panginoong
Jesucristo. Bakit?
1. Kalooban ng Dios Ama at sa ikaluluwalhati ng Ama. Sa Matthew 7:21-23, especially
verse 21 ay ganito ang sinasabi, “Not every one that saith unto me, Lord, Lord, shall
enter into the kingdom of heaven; but he that doeth the will of my Father which is in
heaven.”
a. Anong kalooban ng Dios Ama? Kalooban ng Dios Ama sa Kaniyang ikaluluwalhati
na ang buong nilikha sa langit, sa lupa at sa ilalim ng lupa, ay luluhod sa pangalang
JESUS. (Philippians 2:6-11) Ang katuturan ng pagluhod ay nangangahulugang:
1) pagsuko sa pangalan ng Panginoong Jesus
2) pagsang-ayon sa pangalan ng Panginoong Jesus
3) pagsamba sa pangalan ng Panginoong Jesus
Samakatuwid, kalooban at kaluguran ng Dios Ama na ang lahat ay susuko, sasang
ayon at sasamba sa pangalang Jesus. Kung ginagawa mo ito, pinapatunayan mo na
si Jesus ang:
1) nagmamay-ari
2) nasusunod
3) nakikinabang
ng lubos sa iyo at tanging sa pangalan lamang ni Jesus ka luluhod. Kaya ang mga
lumuluhod sa pangalan ng mga santo o rebulto o sa kanino man ay hindi lamang
lumalapastangan sa pangalan ng Dios Anak kundi sumusuway sa kalooban ng Dios
Ama. Samakatuwid, kalooban ng Dios Ama na sa Dios Anak ka susuko, sasang
ayon at sasamba (tatlong “S”).
b. Doon sa Revelation 5:11-13 ay hindi lamang ang mga anghel sa langit (Hebrews
1
1:4-7) ang sumasamba sa Kordero. Ang tinutukoy na Kordero ay ang Dios Anak na
nagkatawang tao, samakatuwid ay ang Panginoong Jesucristo. Kaya kalooban ng
Ama na lahat ng nasa sangkalangitan, kasama ang mga tinubos ng Panginoong
Jesucristo, ay kay Jesus lumuhod at sumamba.
c. Subalit hindi lamang sa langit dahil kung ano ang kalooban ng Ama sa langit ay iyon
din ang kalooban ng Ama sa lupa. Sa dalanging “Our Father” ang kalooban ng Ama
sa langit ay iyon din ang kalooban ng Ama na mangyayari dito sa lupa. Ang
kalooban ng Ama sa langit ay ang lahat ay luluhod at sasamba sa Kordero. Ang
tinutukoy na Kordero ay ang Dios Anak na nagkatawang tao. Kung sino ang
pinapaluhuran ng Dios Ama sa langit ay iyon din ang pinapaluhuran ng Dios Ama
dito sa lupa.
d. Kahit doon sa ilalim ng lupa, na ang karaniwang tinutukoy ay hindi ang loob ng lupa
kundi ang tinutukoy ay ang impiyerno, kung saan ang lahat din ay lumuluhod sa
pangalan ng Panginoong Jesucristo. Darating ang araw na si satanas ay luluhod sa
pangalang Jesus kasama lahat ng mga anghel na naghimagsik laban sa Panginoong
Jesucristo at kasama ang mga tao at lahat ng nilalang na suwail sa Panginoong
Jesus.
e. Bakit ganoon ang kalooban ng Dios Ama? Bakit lahat ay hindi pinapaluhod sa
pangalan ng Dios Ama o sa pangalan ng Dios Espiritu Santo?
1) Una, iyan ang kalooban ng Dios Ama na lahat ay ibinigay Niya sa Dios Anak
(John 3:35) at lahat ng ibinigay ng Dios Ama sa Dios Anak ay sa Dios Anak Niya
pinapapunta at lahat ng lumalapit sa Panginoong Jesucristo sa anomang paraan
ay hindi Niya itataboy (John 6:37)
2) Pangalawa, hindi maaaring salungatin ng Dios Ama ang Kaniyang sariling
kalooban sapagkat wala Siyang pagbabago ni anino ng pag-iiba ayon sa James
1:17. Kaya hindi babaguhin ng Dios Ama ang Kaniyang kalooban na ang lahat sa
langit, sa lupa at sa ilalim ng lupa ay sa pangalang Jesus luluhod.
2. Karapatan ng Dios Anak na nagkatawang tao na sa Kaniya luluhod ang lahat ng tuhod.
Nabanggit natin na ang katuturan ng pagluhod ay:
1 Rev 5:11-13 And I beheld, and I heard the voice of many angels round about the throne and the beasts and the
elders: and the number of them was ten thousand times ten thousand, and thousands of thousands; Saying with a
loud voice, “Worthy is the Lamb that was slain to receive power, and riches, and wisdom, and strength, and
honour, and glory, and blessing.” And every creature which is in heaven, and on the earth, and under the earth,
and such as are in the sea, and all that are in them, heard I saying, “Blessing, and honour, and glory, and power, be
unto him that sitteth upon the throne, and unto the Lamb for ever and ever.”
a. Pagsuko. Si Jesus dapat ang pagsukuan ng ating lahat. Dahil doon sa Acts 10:36,
iyong ipinapangaral ni apostol Pedro na Jesucristo, ang Siyang sinasabi na
Panginoon ng lahat (He is Lord of all). Sa Hebrews 1:8, nangungusap doon ang Dios
Ama at ito ang sinasabi Niya patungkol sa pagkakilala Niya sa Anak, “But unto the
Son he saith, Thy throne, O God, is for ever and ever: a sceptre of righteousness is
the sceptre of thy kingdom.” At doon sa verse 10, ang pagkakilala ng Dios Ama sa
Dios Anak ay ganito, “And, Thou, Lord, in the beginning hast laid the foundation of
the earth; and the heavens are the works of thine hands.” Kahit ang Dios Ama, ang
pagkakilala Niya sa Anak ay hindi lamang Dios na naghahari sa walang hanggang
kaharian ng Dios kundi ang Anak ay Panginoon ng sangkalupaan at sangkalangitan.
Palibhasa si Jesus ang Panginoon ng lahat ng bagay sa langit at sa lupa, ang dapat
na pagsukuan (surrender to) o pagpailaliman (submit under or to be a subject) ay
walang iba kundi ang Panginoon ng lahat, samakatuwid, ay ang Panginoong
Jesucristo.
b. Pagsang-ayon (Being conformed to the image of Jesus Christ). Ayon sa Genesis
1:26-27, ang tao ay nilalang ayon sa larawan ng Dios na lumalang. Ang kahulugan
nito ay ang tao, si Adan at Eva, ay nalalang ayon sa larawan ng Dios;
nangangahulugan na nasasalamin sa tao ang katangian ng Dios. Bagamat ang Dios
ay espirito at walang sinoman o anoman na nakakita sa Dios kailanman (John 1:18),
subalit sa Bible iyong Dios na di nakikita ay may tunay na kalarawan ng pagka-Dios
kaya Siya ang kapahayagan kung ano ang pakay at kung ano ang kalooban ng Dios
(the spirit of prophecy) at doon nasusukat at nasasalamin ang matuwid at sakdal
(absolutely righteous and perfect) na katangian ng Dios. Kaya lang, noong
nagpasiya sina Adan at Eva na sumuway sa Panginoon, ang kanilang larawan, na
doon dapat nasasalamin ang katangian ng Dios na matuwid at sakdal ay nawala sa
kanila. Gayon pa man at dahil doon, ang Dios Anak ang Siyang nagkusang
magkatawang tao upang sa Kaniyang pagkatao na matuwid at sakdal ay itayo muli
ang tao na may larawan kung saan muling masasalamin ang matuwid at sakdal na
katangian ng Dios sa pamamagitan ng pagtubos ng Dios Anak sa sangkatauhan
mula sa pagkakasala sa pamamagitan ng pag-aalay ng Dios Anak ng kaniyang
katawang tao hanggang kamatayan. Sa pagtubos ng Dios Anak sa sangkatauhan ay
mapapalitan ang nasirang lumang pagkatao ng matuwid at sakdal na bagong
pagkatao ng sinoman na sumampalataya at magtalaga ng kaniyang lahat sa
Panginoong Jesucristo.
1) Kaya ang sukdulang kahihinatnan ng bawat isa na tinawag ayon sa pakay ng
Dios (Romans 8:28 – those who are called according to God’s purpose) ay
itinalaga ng Dios na maging kalarawan ng Kaniyang Anak (Romans 8:29 – “For
whom he did foreknow, he also did predestinate to be conformed to the image of
his Son…” ). Ang paraan ng paghulma sa atin hanggang maging kalarawan natin
ang Panginoong Jesucristo ay ang pagbabago sa atin ng Banal na Espirito mula
sa isang kaluwalhatian hanggang sa susunod na kaluwalhatian. (2 Corinthians
3:18 “But we all, with open face beholding as in a glass the glory of the Lord, are
changed into the same image from glory to glory, even as by the Spirit of the
Lord.”)
2) Ano ang larawan ng character ng Panginoong Jesucristo? The image of Jesus
Christ is inherent in the character of Jesus. Ang pagka-sino ng Panginoong
Jesucristo ay likas sa Kaniyang character. Mayroong tatlong pangunahing mga
palatuntunan o prinsipio (3 main priciples), inherent in the very character of the
person of the Lord Jesus Christ. The character of Christ is (1) full of grace and (2)
of truth and (3) of righteousness. These are further detailed in the fruit of the
Spirit with these components: love, joy, peace, longsuffering, gentleness,
goodness, faith, meekness, temperance (Galatians 5:22-23). Upang masukat mo
kung ikaw na ba ay binabago at kung ikaw naman ay nagpapabago sa Banal na
Espirito, ay tignan mo ang mga katangian na ito kung ang mga ito na nga ang
umiiral sa iyong pamumuhay. Walang problema sa Banal na Espirito na
bumabago sa atin. Baka ang problema ay nagmamatigas pa tayo. Kaya ang
iniaral ng Banal na Espirito, “Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig
(salita ni Jesus), huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso.”
(Hebrews 3:7-8)
c. Pagsamba sa pangalan ng Panginoong Jesus. Ang mga alagad ng Panginoong
Jesucristo ay namulat sa kultura at pananapalataya na wala kang ibang sasambahin
at paglilingkuran kundi ang Dios (Matthew 4:10) sapagkat walang sinomang
makapaglilingkod sa dalawang panginoon. Sapagka’t kapopootan niya ang isa, at
iibigin ang ikalawa o kaya’y magtatapat siya sa isa, at pawawalang halaga ang
ikalawa (Matthew 6:24). Iyan ang pinakapunong utos sa Exodus 20 at sa ibang
bahagi ng Lumang Tipan. Marami din ang mga halimbawa sa Banal na Kasulatan na
kapag ang nilalang ay sumsamba sa kaninomang iba liban sa Dios, siya ay
itinutuwid na walang ibang dapat sambahin kundi ang Dios lamang (Revelation
22:8-9, Acts 10:25-26 and 14:11-15). Kaya ang pagsamba sa kaninoman liban sa
tunay na Dios ay napakalaking kasalanan at pagsalangsang sa kaunaunahan at
pinakadakilang kautusan ng Panginoong Dios (Matthew 22:37-40) at iyon ay ang
pagsamba sa diosdiosan na kinamumuhian ng Panginoong Dios.
Ang kaayusan ng pagsamba sa Panginoong Dios ay sa espirito at sa katotohanan.
(Matt 15:7-9)
1) Nakakatawag pansin na noong magkatawang-tao ang Dios Anak, samakatuwid
bagay, ang Panginoong Jesucristo, ay pinasamba na sa Kaniya ng Dios Ama
ang mga anghel ng Dios (Hebrews 1:4-6). Itinakda ng Dios Ama na hindi lamang
doon sa langit sasambahin ang Dios Anak kundi kahit doon sa pagkakatawang
tao at pagpasok sa sanlibutan ay kinakailangang sambahin Siya ng mga anghel
ng Dios. (Hebrews 1:4-6, v.6 And again, when he bringeth in the first begotten
into the world, he saith, “And let all the angels of God worship him.”
2) Noong bagong silang ang Kaniyang katawang tao sa sanlibutan, ang mga
pinasamba sa Kaniya ay hindi lamang ang mga tagapag-alaga ng tupa ( Luke
chp 2) kundi ang mga pantas na galing sa silangan ( Matthew 2:11)
3) Ang mga pinagpala ng Panginoong Jesucristo doon sa ebanghelyo na lumuhod
sa Panginoong Jesucristo. Ilan sa kanila ay :
a) Ang isang ketongin na sumamba muna sa Panginoong Jesucristo bago
humiling sa Panginoong Jesus na siya ay pagalingin at siya ay gumaling nga.
(Matthew 8:1-3)
b) Ang isang pinuno ng sinagoga, na sinamba ang Panginoong Jesus na
nagsasabi na ipatong Niya ang Kaniyang kamay sa kaniyang anak upang
mabuhay ito (Matthew 9:18-19).
c) Ang Kaniyang mga alagad noong nanganganib sila sa lakas ng hangin sa
lawa at nakita nila na naglalakad sa tubig ang Panginoon. Iniligtas Niya si
Pedro sa paglubog nang siya ay sumubok na lumakad sa tubig subalit
natakot sa alon . At pagsakay nila sa daong, humimpil ang hangin at Siya ay
sinamba ng mga alagad na nagsasabi, “Tunay na ikaw ang Anak ng Dios.”
(Matthew 14:32-33).
d) Marami pa ang sumamba sa Kaniya: isang babaeng Cananea ( Matthew
15:25-26); ang ina ng mga anak ni Zebedee, si Santiago at Juan ( Matthew
20:20-21); ang bulag na lalake (John 9:35-38);
e) At sa pagkabuhay na maguli ng Panginoon, si Maria Magdalena at ang isa
pang Maria ay maagang dumalaw sa pinaglibingan ng katawan ng
Panginoong Jesucristo. Sinabihan sila ng anghel na si Jesus ay nabuhay na
at noong paalis sila upang ibalita sa kanilang mga kasama, sila ay sinalubong
ng Panginoon at sila ay sumamba sa Kaniya.
3. Ito ay ipinapatotoo ng Dios Espiritu Santo sa Kaniyang pagluwalhati sa Panginoong
Jesucristo (John 16:13-15;Hebrews 3:7-8; 4:7)
C. Nararapat, makatarungan at kinakailangang lumuhod ang lahat ng nilalang sa nakakataas
sa lahat bilang pagpapasakop o pagsuko, pagsang-ayon at pagsamba (cf. past lesson,
“What is in the Name of Jesus”) sa pangalan ng Panginoong Jesucristo at hindi sa rebulto,
estatuwa o imahen, relihiyon, tao o anomang nilalang. Ang tangi nating luluhuran ay ang
pangalan ng Panginoong Jesucristo bilang paggalang, pagpapakumbaba at
pagpapasailalim sa Kaniya.
1. Bagaman mahalaga ang pagluhod sa pangalan ng Panginoong Jesucristo, ngunit ang
pagluhod ay hindi lamang tuhod ang luluhod kundi mahalaga na ang ating pagkatao at
pamumuhay ay nakaluhod sa Panginoon, samakatuwid, hindi lamang ang tuhod kundi
ang ating puso ay nagpapakumbaba. Ipinapahayag ng Banal na Kasulatan (Psalm
51:17) na “Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising
puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan.” Sinabi ng Panginoong Jesucristo, “At
sinomang nagmamataas ay mabababa; at sinomang nagpapakababa ay matataas.”
(Mat 23:12).
2. Kung tayo ay nagpasakop sa Panginoong Jesucristo, tunay na Siya ang maninindigan
na ating kaligtasan, Siya ang magbibigay sa atin ng Kaniyang buhay na walang hanggan
at Siya ang magsasalo sa atin ng Kaniyang kaluwalhatian at walang hanggang dangal.
Samakatuwid, ang Dios Anak na ang magiging lahat sa ating buhay kung tayo ay
luluhod sa Kaniyang pangalang Jesus.

Leave a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: