Posts

Faith in the Last Days

Rev Mar’s May 31 sermon transcript in PDF can be downloaded here:

Walking In The Last Days  (Paano Ang Pamumuhay Sa Huling Mga Araw)

 “ As ye have therefore received Christ Jesus the Lord, so walk ye in him: ” ( Colosians 2:6 ) 

 “ Rooted and built up in him, and stablished in the faith, as ye have been taught, abounding therein with thanksgiving.” ( Colosians 2:7 )

 “ Beware lest any man spoil you through philosophy and vain deceit, after the tradition of men, after the rudiments of the world, and not after Christ.” ( Colosians 2:8 )

  1. Sa huling mga araw, mayroong mga lalayo o aalis sa pananampalataya, nakikinig sa mga espiritong nanghihikayat at turo ng mga demonyo; nangungusap ng pandaraya sa pagkukunwari… (  “ Now the Spirit speaketh expressly, that in the latter times some shall depart from the faith, giving heed to seducing spirits, and doctrines of devils. ” [1 Timothy 4:1-5 ] ).
  2. Sa Matthew 13, ang talinghaga ng maghahasik, iyong mga inihasik na binhi na salita ng Dios ay nahulog sa iba’t ibang uri ng lupa. Sa tabi ng daan, sa batuhan, sa dawagan at sa mabuting lupa. 
  1. Iyong nahulog sa tabi ng daan ay iyong mga taong hindi nila naintindihan ang salita ng Dios at pagdakay inagaw ni satanas.
  2. At ang nahasik sa mga batuhan, ay yaong nakikinig ng salita, at pagdaka’y tinatanggap ito ng buong galak; Gayon ma’y wala siyang ugat sa kaniyang sarili, kundi sandaling tumatagal; at pagdating ng kapighatian o pag-uusig dahil sa salita, ay pagdaka’y natitisod siya.
  3. At ang nahasik sa mga dawagan, ay yaong dumirinig ng salita; nguni’t ang pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at ang daya ng mga kayamanan, ay siyang umiinis sa salita, at yao’y nagiging walang bunga. Marami ang tumatanggap Ngunit dahil hindi nakaugat ng matibay sa pananampalataya, sila ay nabunot at natangay ng hangin ng pandaraya.
  4. At ang nahasik sa mabuting lupa, ay siyang dumirinig, at nakauunawa ng salita; na siyang katotohanang nagbubunga, ang ila’y tig-iisang daan, ang ila’y tig-aanimnapu, at ang ila’y tigtatatlumpu.
  5. Marami ang tumatanggap ng salita ng Dios, subalit marami rin ang hindi nakapagpapatuloy sa pananampalataya. Ang mga tangay ng espiritong nanlilinlang ay mga walang pagtatalaga sa Panginoong Jesucristo. Ibig sabihin, itong mga natangay sa pagkalinlang ay mga dating nasa pananampalataya. Ano ba ang pananampalataya na itinuturo sa Banal na Kasulatan? May tatlong panuntunan ng Dios patungkol sa lahat ng mga bagay, samakatuwid, lahat ng nilalang kasama ang sangkatauhan:
  6. “ Na ipinakikilala niya sa atin ang hiwaga ng kaniyang kalooban, ayon sa kaniyang minagaling na ipinasiya niya sa kaniya rin. Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa.”        ( Ephesians 1:9-10 )

“Sapagka’t minagaling ng Ama na ang buong kapuspusan ay manahanan sa kaniya;  At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus; sa pamamagitan niya, sinasabi ko, maging mga bagay sa kalupaan, o mga bagay sa sangkalangitan.” ( Colosians 1:19-20 ) 

Nangangahulugan na kalooban at kagustuhan ng Dios Ama na lahat ay tumungo, makipagtipon at matubos ng Panginoong Jesucristo upang ang Panginoong Jesucristo ang pagtalagahan ng lahat ( everything will be gathered and reconciled in Christ) .

  1. “ At ang lahat ng mga bagay ay pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia, Na siyang katawan niya, na kapuspusan niyaong pumupuspos ng lahat sa lahat.”       ( Ephesians 1:22-23 )

Samakatuwid, kalooban at kagustuhan ng Dios Ama na ipailalim ang lahat ng bagay sa paanan ng Dios Anak .

  1. “ Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya’y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.” ( Philippians 2:9-11)

Dito, itinuturo na kalooban at kagustuhan ng Dios Ama na hindi lamang maitaas ang pangalan ng Panginoong Jesucristo bilang pangalan na mataas sa lahat ng mga pangalan kundi lahat ng bagay ay susuko, magpapasakop at sasamba sa Panginoong Jesucristo. Kapag may pangyayari o bagay o sinomang tao na magdala sa iyo sa pagsamba na hindi nakaukol sa Panginoong Jesucristo, iyan ay hindi kalooban ng Dios.

  1. “ Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, ‘Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; siya ang inyong pakinggan.’ ” ( Matthew 17:5 ). Sinasabi dito ng Dios Ama sa isang pangitain na ang dapat pakinggan ng mga alagad ng Panginoon at lahat ng tao ay ang Panginoong Jesucristo. Kaya naman ang wika ng Panginoong Jesus sa Juan 10:27-28 ay, ” Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin:  At sila’y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma’y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay.”
  2. Paano maging matatag sa pananampalataya? “ Kung paano tinanggap ang Panginoong Jesucristo, tayo ay lumakad na nasa Kaniya; nakaugat at lumalago na nasa Kaniya at matatag na nasa pananampalataya.” ( Colosians 2:6-7 )
  1. Bago ka makalakad na nakay Cristo, bago ka makapamuhay Cristiano, kinakailangan ang pagtanggap kay Jesucristo. Paano mo tinanggap si Jesus? Tinanggap bilang tagapagpagaling, bilang tagapagtustos, bilang tagapagpala, bilang tagapagligtas. Kadalasan ito ang pagkatanggap, ngunit kakaunti ang tumatanggap sa Panginoong Jesucristo bilang Siya ang lahat sa kanilang buhay sapagkat ang ibinigay sa atin ng Dios Ama na Panginoong Jesucristo ay hindi kulang-kulang, kundi gaya ng sinasabi ng talata , tayo ay kumpleto kay Jesus. At bilang Siya ang kapuspusan ng pagka-Dios ng Dios ay wala na tayong pangangailangan pang iba. Dahil dito, tayo at inangkin ng Panginoong Jesus bilang Siya ang may-ari at Panginoon na pagtalagahan ng ating lahat. At tayo ay Kaniyang alipin o lingkod (bondservant-forever servant), laging nakataling lingkod.
  2. Kung tinanggap mo si Jesus bilang Siya ang iyong Panginoon sa lahat ng bahagi ng iyong buhay, “ lumakad ka na nakay Jesus.”
  1. Ang paglakad ay isang salitang madalas na ginagamit mula sa OT hanggang sa NT. Hal. “At lumakad si Enoc na kasama ng Dios.” ( Genesis 5:22 ) . “Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya: Si Noe ay lumakad na kasama ng Dios.”  ( Genesis 6:9 )
  2. Ito ay salitang pasagisag o pagsasalarawan na ginagamit upang ipamalas o ipahayag ang pamamaraan ng buhay (life-style). Sa Amos 3:3 ay sinasabi,           “ Maka lalakad baga ang dalawa na magkasama, liban na sila’y magkasundo? ” .    “ Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagka’t anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman?  At anong pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial? o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya? ” ( 2 Corinthians 6:14-15 )
  3. Paano tayo lumakad o paano tayo mamuhay na nakay Jesus? 

Larawan ng paglakad na nasa Panginoong Jesucristo:

  1. “ Muli ngang nagsalita sa kanila si Jesus, na sinasabi, Ako ang ilaw ng sanglibutan: ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan.” ( John 8:12 )

May paglakad sa liwanag at may paglakad sa dilim. Ang paglakad sa kadiliman ay pamumuhay sa kasalanan at walang pagsampalataya at walang kaligtasan, samakatuwid ay nasa kapahamakan. Ang lumakad sa liwanag ay lumalakad sa katotohanan, kaligtasan at kabanalan ng Panginoong Jesucristo.

  1. “ Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus na hindi lumalakad ayon sa laman kundi ayon sa Espirito…” ( Romans 8:1 ).           “ Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi nangagsisilakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espirito.” ( Romans 8:4 ).  Ang paglakad  na ayon sa laman ay pamumuhay na pagbibigay katuparan ng tawag ng laman, kasalanan at bisyo. Ang paglakad na ayon sa Espirito ay ang mabuhay sa pamamatnubay at pangunguna ng Banal na Espirito sa isang buhay sa pagmamagandang loob, katotohanan at katuwiran ng Panginoong Jesucristo.
  2. “ Kung ang sinomang tao’y naglilingkod sa akin, ay sumunod sa akin; at kung saan ako naroroon, ay doon naman doroon ang lingkod ko: kung ang sinomang tao’y maglingkod sa akin, ay siya’y pararangalan ng Ama. ” ( John 12:26 ) .

Kung ganoon ang ating paglakad na kasama ng Panginoong Jesus ay hindi pag-una, kundi pagsunod sa Kaniya. Paano ang pagsunod sa Kaniya?            “ Nang magkagayo’y sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Kung ang sinomang tao’y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin. ” ( Matthew 16:24 ).  

  1. Tayo ay lalakad subalit hindi tayo aalis kundi tayo ay nakaugat sa Panginoong Jesucristo. Sa Matt. 13, ang binhi na nahulog sa batuhan ay tumubo agad ngunit hindi nakaugat. Ang salita ng Dios ay tinatanggap ng marami na may kasiyahan ngunit hindi nakaugat ang salita ng Dios sa kanilang mga puso. Marami ang nasiyahan sa salita ng Dios ngunit dahil hindi sila nagtalaga ng kanilang buhay kay Jesus, hindi sila nakaugat sa Panginoong Jesucristo. Kung tayo ay nakaugat kay Cristo, lahat ng ating ikinabubuhay ay buhat sa Panginoong Jesucristo. Kung tayo ay nangatatayo kay Cristo, tayo ay lumalago sa kaalaman at pananampalataya sa Panginoong Jesucristo. Kung tayo ay pinagtitibay kay Cristo, tayo ay pinagtitibay sa Kaniyang katuwiran na ibinihis sa atin. Samakatuwid, hindi ka aalis o lalabas kay Cristo kung totoong tinanggap mo si Cristo bilang Siya ang iyong Panginoon. Kaya ikaw, ako, ay laging nasa sakop Niya at tayo ay nagpapasakop naman sa Kaniya. Kaya hindi ka lalakad na labas sa sakop ni Jesus.
  2. Buong buhay natin sa lupang ito ay paglalakbay. We are but pilgrims here on earth. Ngunit ang ating paglalakbay ay hindi humuhiwalay sa ating Panginoong Jesucristo.

“ Sapagka’t kaniya, at sa pamamagitan niya, at sa kaniya, ang lahat ng mga bagay. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.”               ( Romans 11:36 )  

“ Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako’y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka’t kung kayo’y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.” (John 15:5 ). 

Kaya kung gusto mo na maihantong mo ang iyong lahat kay Jesus at makarating ka sa iyong pupuntahan, ikaw ay lumakad na nakay Jesus. 

“ Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.”  ( John 14:6 ) .  Kung lumakad ka na labas sa Panginoong Jesus, ikaw ay wala sa katotohanan, ikaw ay nasa kasinungalingan.

Ayon din sa 1 Corinthians. 1:31 at Romans 10:4, Kung ikaw ay labas kay Jesus, wala ka sa katuwiran ng Dios, sapagkat si Jesus ang ginawang ating katuwiran at si Jesus ang katuparan ng kautusan. Si Jesus din ang ating karunungan, kabanalan at katubusan.

  1. Bakit hindi ka lilihis kay Cristo? Dahil si Jesus ang ating kapuspusan. Noong Siya ay mahayag sa laman, Siya ay nahayag na ang buong kapuspusan ng pagka-Dios ng Dios ay nananahan sa Kaniya. Hindi Siya kulang-kulang o nangangailangan pa ng iba kundi Siya ay pumupuspos sa bawat isang tumanggap at nabubuhay o lamalakad na nasa Kaniya upang si Jesus na ang sinasabi sa Ephesians 1:22-23 na liban sa pagkapangulo ng Panginoong Jesucristo sa lahat ng mga bagay at iglesia, Siya ang pumupuspos sa lahat.
  2. Application
  1. Paano puspusin ng pagpapala ng Panginoon ang iyong kabuhayan kung ayaw mo namang ipasakop ang iyong kabuhayan sa Kaniya?
  2. Paano puspusin ng Panginoong Jesucristo ang iyong buhay kung hindi mo ipinapasakop ang iyong buhay sa Panginoong Jesucristo?
  3. Sa Romans 9:22-23, may sisidlan ng galit ng Panginoon at sisidlan ng awa ng Panginoong Jesucristo. Ano o sino ang may sakop sa buhay mo, iyon ang pumupuno sa buhay mo.
  1. Ikaw ba ay kumpleto, puspos kay Jesus? Kung hindi pa, alalahanin mo na habang palapit nang palapit ang pagdating ng Panginoong Jesucristo, ang buhay ay pahirap nang pahirap at lalong mapanganib (2 Timothy 3:1; John 16:33 ). Kung hindi ka nakaugat nang mabuti sa Panginoong Jesucristo, madali kang matangay. Katulad ng binanggit natin sa John 10:26-28, paano hindi mawala sa kamay ng Panginoon Jesucristo? Manatiling nasa pananampalataya, sa pagkakaugat sa Kaniya, sa patuloy na pakikinig ng Kaniyang salita. “ Kaya nga ang paniniwala’y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo. ” ( Romans 10:17 )
  2. The Bible says that in the last days there will be seducing spirits, false prophets and false Christs that will deceive many with their vain philosophies.. ( we are exhorted to fight the good fight of faith and to lay hold on eternal life [1 Tim. 6:12 ]…Anecdote: Neem tree cannot deepen its roots because water was readily available from ground surface because it was regularly watered.)
  3. ( “Sapagka’t nakikilala ko yaong aking sinampalatayanan, at lubos akong naniniwalang siya’y makapag-iingat ng aking ipinagkatiwala sa kaniya hanggang sa araw na yaon.” [ 2 Timothy 1:12 ] ). Habang pinaghahandaan at inaantay natin ang pagdating ng Panginoong Jesucristo, ipagpatuloy ang pananampalataya natin sa Kaniya sa malalim na pagkaugat sa Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatalaga natin ng ating lahat sa Panginoong Jesus. At sa pagdating ng Panginoong Jesucristo, masabi natin na kasama ni Pablo, “ Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita.” (I have fought a good fight, I have finished my course, I have kept the faith: Henceforth there is laid up for me a crown of righteousness, which the Lord, the righteous judge, shall give me at that day: and not to me only, but unto all them also that love his appearing.)            ( 2 Timothy 4:7-8 ) 
  4. Madalas o palagi na ang tao kapag may pupuntahan na lugar para magbakasyon, ang daming inihahanda at maraming paghahanda. Pinaghahandaan ba natin hindi ang bakasyunan kundi ang tirahang dako magpakailan man? Preparing to go to the place Jesus is preparing for us.
  1. Madalas naririnig natin itong ganitong pananalita, “Malapit na ang pagparito ng Panginoon upang i-rapture Niya ang Kaniyang mga mananampaltaya. Hindi natin alam kung anong araw at kung anong oras kaya maghanda-handa na kayo.” Kaya ang paghahanda ba ay dahil malapit na ang pagparito ng Panginoon? Kaya iyong mga nag-aakala na malayo pa ang pagdating ng Panginoon, hindi pa nag-iisip ng paghahanda sa pagdating ng Panginoong Jesucristo upang tanggapin Niya tayo sa Kaniyang sarili na kung saan Siya dumuroon ay dumuroon din tayo na kasama Niya magpakailanman.
  2. Kaya ang paghahanda natin ay buong buhay at habang nabubuhay. “ Anomang inyong ginagawa, ay inyong gawin ng buong puso, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao; Yamang inyong nalalaman na sa Panginoon ay tatanggapin ninyo ang ganting mana; sapagka’t naglilingkod kayo sa Panginoong Jesucristo.” ( Colossians 3:17, 23-24 ).

At lagi nating isaisip ang mga ito:

  1. Earthly life is only temporary. – Huwag kayong mangagtipon ng mga kayamanan sa lupa, na dito’y sumisira ang tanga at ang kalawang, at dito’y nanghuhukay at nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw: 
  2. Next life lasts forever. – Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo’y hindi sumisira kahit ang tanga kahit ang kalawang, at doo’y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw: ( For you to lay up treasures in heaven, you have to have an eternal purpose that goes beyond getting up in the morning, getting to work, making money, paying bills, buying stuff. What is the point in all of these? Is that all there is to life? Is our life made up only of things that passes away? Is there no value of life beyond the temporal? The apostle Paul wrote, “Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita, kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagka’t ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwa’t ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan.” (2 Corinthians  4:18) Finally in verse 21, it says, “Sapagka’t kung saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman doroon ang iyong puso.” ( Matthew 6:20-21). Where is your heart? Is Jesus your treasure? 
  3. “ Kaya’t yamang nakukubkob tayo ng makapal na bilang ng mga saksi, itabi namang walang liwag ang bawa’t pasan, at ang pagkakasalang pumipigil sa atin, at ating takbuhing may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harapan natin,  Na masdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya, na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios.” (Wherefore seeing we also are compassed about with so great a cloud of witnesses, let us lay aside every weight, and the sin which doth so easily beset us, and let us run with patience the race that is set before us, Looking unto Jesus the author and finisher of our faith; who for the joy that was set before him endured the cross, despising the shame, and is set down at the right hand of the throne of God.) [ Hebrews 12:1-2] .There are two motivations to fight the good fight of faith and to finish the race that we may obtain the promise:
  1. great a cloud of witnesses – those are who endured by faith who were looking for a city with foundations whose builder and maker is God because they desired a better country and counted themselves as strangers and pilgrims (dayuhan at manlalakbay lamang) on the earth       ( Hebrews 11:10, 13, 16 ) . Ito ang mga nangamatay sa hampas, na hindi tinanggap ang kanilang katubusan; upang kamtin nila ang lalong mabuting pagkabuhay na maguli:  At ang iba’y nangagkaroon ng pagsubok sa pagkalibak at pagkahampas, bukod dito’y sa mga tanikala at bilangguan naman: Sila’y pinagbabato, pinaglagari, pinagtutukso, pinagpapatay sa tabak: sila’y nagsilakad na paroo’t parito na may balat ng mga tupa’t kambing: na mga salat, nangapipighati, tinatampalasan. ( Hebrews 11:35-37)… v. 39  At ang lahat ng mga ito, nang sila’y mapatotohanan na dahil sa kanilang pananampalataya, ay hindi kinamtan ang pangako. Subalit sa Hebrews 11:13 ay sinasabi na, “ Ayon sa pananampalataya ay nangamatay ang lahat ng mga ito, na hindi kinamtan ang mga pangako, nguni’t kanilang nangakita na natanaw mula sa malayo, at kanilang ipinahayag na sila’y pawang taga ibang bayan at manglalakbay sa ibabaw ng lupa.  Bagamat hindi nila natanggap noong nabubuhay pa dito sa lupa, ang kanilang pananampalataya ay tatanggapin nilang pangako ng higit na mabuting bayan sa kabilang buhay.
  2. Ikalawang nag-uudyok sa atin sa pagpapatuloy sa pananampalataya ay si Jesus, the author and finisher of our faith, who obtained the promise for us and should motivate us to patiently run the race that is set before us to completion by keeping our eyes on Jesus the author and finisher of our faith (Hebrews 12:2) who for the joy that was set before Him ( What joy? Your salvation, my salvation, the salvation of the world). He endured the cross in our place, took our shame braved the shame for us, and because of that Jesus received the promise of eternal life in a heavenly city He prepared for us in the Father’s house so that whosoever receives Jesus as the author and finisher of his/her faith shall have everlasting life. No price is too high to pay but Jesus paid it all. Just as the song goes:

Jesus paid it all

All to Him I owe

Sin has left a crimson stain

He washed it white as snow.

Amen and Amen.

31 May 2020, the Lord’s message

Leave a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: