INARING-GANAP NG BIYAYA SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA
Bishop Jun Palon’s July 5 sermon in PDF:
INARING-GANAP NG BIYAYA SA PAMAMAGITAN NG
PANANAMPALATAYA
Ang mga saligang talata sa Biblia na pinagbabatayan ng konsepto ng “Justification by
grace through faith” ni Martin Luther noong panahon ng Protestant Reformation ay ang
Romans 3:21-31. Kung babasahin natin ang unang bahagi ng aklat ng Romans, doon sa
chapter 1:1-20 ay narito ang pagbibigay-diin ni apostol Pablo ng pangangailangan ng
buong sangkatauhan ng kapatawaran sa kasalanan. Papaano ito ginagawa ng Dios?
Ginagawa Niya ito sa pamamagitan ng pagsugo ng Kanyang Anak dito sa sanlibutan
upang mamatay para sa sa atin. At inaakit Niya ang tao na personal na tanggapin itong
Kanyang kaloob. Kaya’t sa Romans 3:21-31 ay nakalatag ang buod ng Protestant
Reformation samakatuwid baga’y ang katotohanan na tayo tinanggap ng Dios, hindi dahil
sa ating merito o’ mabuting gawa, kundi dahil sa karakter ng Dios at sa sakripisyong
ginawa ng Kanyang Anak na si Kristo Hesus. Kahit sino ka man, tanggap ka ng Dios
dahil sa bisa ng sakripisyo ni Kristo. At upang ipakita na ito ay hindi bagong konsepto o’
isang bagay na inimbento ni Pablo, sa Romans chapter 4, kanyang ipinakita na ang
prinsipiyong ito ay umiral na noon pa man sa tipan ng Dios kay Abraham (sa Genesis
15:6), na kung saan si Abraham ay nanampalataya sa Panginoon, at ito’y ibinilang na
katuwiran para sa kanya. At upang pagtibayin pa ang kanyang argumento, inihalimbawa
ni Pablo si Haring David, na bagamat inabuso ang kanyang mga kaloob at kapangyarihan
bilang hari para sa kanyang makasariling kapakinabangan, na siyang naging dahilan
upang bumagsak ang buong bayan ng Israel, ay tinawag Niya itong “isang lalaking
kinalulugdan ng Aking puso”.
Mula sa Matandang Tipan, tayo ay pumunta sa chapter 5 ng Romans. Nais kung
balangkasin muna ang buong bahagi na ito ng Bagong Tipan, pagkatapos ay balikan ang
bawa’t talata ng Romans 5:1-11. Ang verses 1-11 ay isang mahabang pangungusap sa
Griyego, at bagama’t ito’y isang pangungusap, malinaw na mayroon itong ipinapahayag
na tatlong pangunahing katotohanan. Ako’y umaasa na sa paglalatag ko sa inyo nito, ay
pagaaralan din ninyo ng personal ang bahagi na ito ng Romans, sapagkat kinakailangang
suriin nating maigi ang nilalaman nito. Nararapat na tanungin natin ang Biblia upang
maunawaan natin ang konteksto ng liham na ito ni Pablo sa mga taga Roma. Ano ba ang
pagkakahulugan ng salitang ito kay Pablo? Ano ba ang nilalayon ng liham na ito,
partikular sa kabanatang ito? Papaano niya ginagamit ang salitang ito sa iba nyang mga
aklat? Ano ang pagkaunawa ng mga tao na pinaguukulan ng liham na ito? Ganitong mga
katanungan ang dapat nating itanong sa ating pagaaral, at ang dahilan ay sapagkat
napakaraming mga tao ang nangangaral sa atin tungkol sa Biblia, ngunit taliwas naman sa
tunay na ibig sabihin sa atin ng Biblia. Itong mga taong ito ay matatalino, edukado,
mataas ang pinagaralan, at sila’y tumatayo sa likod ng pulpito at ang mga Kristiyano ay
‘intimidated and are forced to accept things which are not really taught by the Bible’.
Alam ko walang eksperto sa atin, ngunit kinakailangan na matutuhan natin itong aklat na
ito, upang alam natin kung papaano natin ipagtatanggol ang ating mga sarili laban sa mga
huwad na mangangaral sa ating kapanahunan ngayon.
Kaya’t sa pagbasa ninyo ng verses 1-11, ako’y umaasa na makita natin ang 3 natatanging
katotohanan sa pag-talakay ni Pablo tungkol sa ‘Justification by faith”. Sa verses 1-5,
pinaguusapan dito ang karanasan ng pagiging matuwid, at ang mga bagay na idinudulot
nito sa mga mananampalataya, at mamaya ay tatalakayin natin ito isa-isa. Sa verses 6,7 at
8, ay ang batayan ng ‘Justification’; papaano natin tinatanggap ito; saan nangagaling ito;
at ano ang layunin o pakay nito. Kaya’t ang nauna ay ang ‘subjective experience’ at ang
pangalawang bahagi naman ay ang ‘objective truth’. Ang huling bahagi naman ay kung
papaano natin ipapamuhay ito; ang buhay kristiyano. Itong mga talata na ito ang mga
saligang talata na ating tinitindigan bilang mga mananampalataya sa Panginoong Hesus.
Ito’y isang napakahalagang batayang ‘biblical’ na pagkaunawa kung papaano ibinibilang
na matuwid ang makasalanang tao sa harapan ng banal na Dios. At palagay ko kung hindi
malinaw sa iyo ang katotohanan na ito, maguguluhan ang iyong isipan sa iba pang bagay
tungkol sa iyong pananampalataya. Ito ay isang batayang doktrina sa ating
pananampalatayang Kristiyano na hindi natin uubrang ikompromiso o’ ipagwalang
bahala. Kaya’t samahan ninyo ako sa pagtalakay natin ng liham ni apostol Pablo sa mga
taga-Roma, at sinasabi ko sa inyo kung nabasa na ninyo ang Romans o nais ninyong
matutuhan ang konsepto ng ‘justification by grace through faith’, palagay ko ay magaling
na unahin ninyo ang Romans, at kung gumugol kayo ng 3 taon pinagaaralan ito ng
personal, binabalangkas, habang tinitingnan ninyo ang inyong mga sarili sa liwanag ng
mga katotohanan na nakapaloob dito, kayo ay magiging matatag at malakas sa paraang
walang anumang bagay dito sa mundo ang makakaagaw sa pagasang nasa inyo. Ngunit
ako’y nag-aalala sa buhay ng mga Kristiyano na dumadadalo lamang tuwing linggo
upang makinig at tanggapin ang anumang naipapangaral sa likod ng pulpitong ito ng
hindi man lamang sinusuri sa kanyang sarili ang mga katunayan ng mga ito.
Yung salitang ‘yamang’ (therefore, since), malimit na gamitin ni Pablo ang salitang ito
bilang isang; ‘transition marker to a new summary point’. Ginamit niya ito sa Romans
5:1; 8:1; at 12:1, kung saan tila sinasabi niya “batay sa lahat ng mga sinabi ko nung una,
samakatuwid bagay ang pagiging makasalanan ng lahat ng sangkatauhan, Roma 3:23
“yamang ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos;”, ang
konsepto ng ‘justification by grace through faith’ na umiral na noon pa sa panahon ng
Matandang Tipan, sa chapter 4, ngayon dito naman sa chapter 5, ay ilalatag ito ni Pablo
ng buong linaw. ‘Paul lays this out more in a Greek thinking way’, gumagawa siya ng
mga panukala (propositions) at pagkatapos ay inuulit o inilalarawan niya ang mga ito,
katulad ng nakasanayan natin sa ating kultura (syllogism).
“Kaya’t yamang tayo’y inaring-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya,” – ito ang
katotohanan na ang Dios ang Siyang gumawa, at ginawa niya ng minsanan at lubusan.
Ang katagang ‘Justified’ o inaring ganap ay isang napakahalagang salita na na kung saan
ang katuturan nito, kung hindi tayo maingat, malamang magkamali tayo sa pag-unawa
lalo na’t kung gagamit lamang tayo ng Webster’s Dictionary, ‘we might read English
definitions into thousands of year old Greek and Hebrew words. Paul is a Hebrew thinker
writing in street Greek’, kaya’t kinakailangan na gamitin natin ang Septuagint, ‘the Greek
translation of the Old Testament’. Ang salitang ito sa Matandang Tipan ay ginamit ng
Dios upang ilarawan sa atin ang Kanyang sariling karakter. ‘Righteousness’ ay salitang
galing sa salitang river reed (tambo o’buho) na kung tawagin natin, ay isang panukat sa
‘construction, with which we measure the horizontal straightness of walls’. Ginamit ng
Dios ang katagang ito para sa Kanyang karakter. Kaya’t kapag nakita ninyo ang salitang
‘righteousness’ o ‘justification’ saan man sa Matandang Tipan, ito ang konsepto na
mayroong isang pamantayang panukat sa tao bago siya makakalapit sa Dios, at ang
pamantayan na iyon ay sakdal na katuwiran. Ito ang kagimbal-gimbal na katotohanan ng
Matthew 5:48, “Kaya’t kayo nga’y maging sakdal, gaya ng inyong Ama sa langit na
sakdal”. Ang tanong ay, sino ang uubrang tumindig sa ganoong sakdal na pamantayan?
Sino ang uubrang mapailalim sa ganoong pagtasa (scrutiny)? ‘Who can measure up to
that kind of measuring stick? Absolutely no one!!!’. Maging mga taong relihiyoso,
animo’y matuwid na dumudulog sa Dios sa sarili nilang katuwiran sa pamamagitan ng
pagsunod sa kautusan ay mabibigo sa pamantayan ng Dios. Maalala ninyo yung sinasabi
sa Galatians 3:10-12 na “Sapagkat ang lahat na umaasa sa mga gawa ng kautusan ay nasa
ilalim ng sumpa; sapagkat nasusulat, “Sumpain ang bawat isang hindi sumusunod sa
lahat ng bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan.” Ngayon ay maliwanag na walang
sinumang inaaring-ganap sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng kautusan, sapagkat
“Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Subalit ang
kautusan ay hindi nakasalig sa pananampalataya; sa halip, “Ang gumagawa ng mga
iyon ay mabubuhay sa mga iyon.” At maliwanag ang sinasabi ng Biblia, “sapagkat ang
lahat ay nagkasala at kapos sa kaluwalhatian ng Dios”. At yan ang malaking problema;
Walang sino mang tao uubrang lumapit sa Dios sa pamamagitan ng kanyang sariling
gawa.
Kaya’t ang kagimbal-gimbal na istorya ng ating buhay, ay Ang Dios na may likha sa atin
ayon sa kanyang anyo at wangis ay nagnanais na makipagsalumbuhay sa atin (cf.
Gen.1:26-27) ay nahulog sa kasalanan at sinasabi ni propeta Ezekiel (18:20), “Ang taong
nagkasala ay mamamatay”, at lahat tayo ay nagkasala sabi naman sa Romans 3:23. Ano
ang gagawin nating mga makasalanan? WALA! Ang Dios sa Kanyang kahabagan sa
pamamagitan ng Kanyang Anak ay pumarito sa lupa upang bayaran ang isang halaga
upang tayo’y maging matuwid sa Dios, at kinakailangang tanggapin ng tao ang biyayang
ito sa pamamagitan ng pananampalataya. Ito ang puso ng Ebanghelyo. Nandirito tayo
hindi upang magpahanga sa Dios, nandirito tayo sapagkat tayo ay pinahangang lubusan
ng karakter ng Dios. “Kaya’t yamang tayo’y inaring-ganap sa pamamagitan ng
pananampalataya,…” – Muli kong sasabihin upang sadyang mabanat ang inyong kaisipan
- Walang sinoman ang maliligtas ng pananampalataya. Kailanman hindi makakapagligtas
ang pananampalataya. Sapagkat ang pananampalataya ay nakabatay sa tao. At nais kong
balikan ang palasak na talata Ephesians 2:8-9, “Sapagkat sa biyaya kayo’y naligtas sa
pamamagitan ng pananampalataya, at ito’y hindi sa pamamagitan ng inyong sarili, ito’y
kaloob ng Diyos;” Ang pananampalataya ay ang kamay na tumatanggap sa biyaya ng
Dios. Kung gaano ka man umiyak, kung gaano kataas ka tumalon, kung gaano man
karami ang ‘goosebump’s mo ay walang kinalaman sa biyaya ng Dios na ito. Ako’y po’y
naaawa sa mga Kristiyanong dumadalo sa gawain tuwing linggo, galak na galak sa
pagpupuri at pag-awit sa loob ng bahay sambahan, ngunit paglabas naman ay walang
nakikitang pagbabago sa kanilang buhay. Wala namang masama sa ‘emotional high that
you experience in worshiping the Lord, you can shout, and cry, and jump, and weep and
whatever you want to do in here, but i want to know what difference it makes when you
leave this place’.
Dumating na ako sa yugto ng aking buhay na napag-alaman ko na mayroong at least 4 na
pamantayan sa kaligtasan ng tao: pag-sisisi, pananampalataya, pagka-masunurin, at
tiyaga o’ pagsisikap. Minsan, mayroong nagtanong sa akin, sa apat na yan, ano ba ang
ubra kong laktawan at makarating pa rin sa langit pag namatay na ako? ‘See, that’s
exactly the wrong question. Because the goal of Christianity is not me getting to heaven
but Christlikeness now so that others can go to heaven with me’.
Ako’y naniniwala na mayroong 4 na bagay, 4 na kaloob na kaakibat noong ikaw ay
inaring-ganap ng Dios: 1. “mayroon tayong kapayapaan” – Naaalala nyo pa ba nung araw
na hindi pa kayo mananampalataya? Naaalala nyo pa ba yung mga gabing hindi kayo
mapagkatulog? Naaalala nyo ba ang pangamba na kayo’y haharap sa Dios na matuwid?
Naaala nyo pa kung ilang tao ang sinagasaan nyo upang makamit lamang ninyo ang pita
ng inyong laman? Naaalala nyo ba ang mga araw na iyon? Sariwa pa sa aking mga alaala
ang nga bagay na yaon. Ngunit nakalimutan ko na talaga yung mga bagay kung papaano
ako naligtas. Nakalimutan ko na lahat. Kung anong petsa ako nabautismuhan sa tubig.
Ngunit ang hindi ko malilimutan ay isang araw nung ako’y teen-ager pa, noong ako’y
nakaranas ng kawalang pag-asa, walang kahulugan sa buhay, walang direksyon sa buhay,
at sa bingit ng pagpapatiwakal, ay nagpahayag sa akin ang Panginoon. ‘For the first time
in my life i felt the love of God, i felt that i was important, i felt i had a purpose in life. I
felt the peace of God like a stream of cool water enveloping my entire being. For the first
time in my life, not being afraid of God. The peace of God that passeth all
understanding’. Kung tayo’y maghahanap ng mga parallel passages tungkol sa
kapayapaan ng Dios, ito’y lubhang magdudulot sa atin pagasa at kagalakan. John 14:27,
pakinggan nyo ito, “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo, ang aking kapayapaan ay
ibinibigay ko sa inyo. Hindi gaya ng ibinibigay ng sanlibutan ang ibinibigay ko sa inyo.
Huwag mabagabag ang inyong puso, o matakot man.”; Ano ba ang iyong ikinakatakot?
Malugi sa negosyo mo? Mawalan ng hanapbuhay? Ito sinasabi ko sa inyo, Walang
anuman bagay dito sa mundo ito na maaaring magdulot ng takot at bagabag sa isang
mananampalataya. Kung ang iyong kapayapaan ay nakabatay sa mga sirkumstansya sa
mundong ito, ilang saglit lamang at maglalaho yang kapayapaan na yan. Ngunit kung ang
iyong kapayapaan ay nakabatay sa Panginoong Hesus na Siyang namatay para sa iyo,
walang sinoman ang makakaagaw sa kapayapaan mo, kahit na sino ka man o ano man
ang mga sirkumstansya mo sa buhay. Sa John 16:33, pakinggan ninyo, “Ang mga bagay
na ito ay sinabi ko sa inyo, upang sa akin ay magkaroon kayo ng kapayapaan. “Sa
sanlibutan ay nahaharap kayo sa paguusig. Ngunit lakasan ninyo ang inyong loob,
dinaig ko na ang sanlibutan.” Uubra din natin basahin ang Colossians 1:20, o’ Philippians
4:7, “At ang kapayapaan ng Diyos, na hindi maabot ng pag-iisip, ang mag-iingat ng
inyong mga puso at mga pag-iisip kay Cristo Jesus.”
Ngayong hapon, saan ba nakabatay ang inyong kapayapaan? Sino ba ang nag-iingat ng
inyong puso at isipan? Nakatali ba ang inyong kapayapaan sa inyong negosyong palugi?
Nakabatay ba sa sinabi sa inyo ng doktor na meron kayong stage 4 cancer? Meron ba
kayong asunto sa husgado dahil sa meron umaagaw sa lupa ninyo? Real peace,
kapayapaan, Hindi ko maipaliwanag sa salita kung gaano kasarap na matulog sa gabi na
wala kang pakialam kung magising ka pa sa umaga? Kilala mo bang tunay si Hesus?
Wala itong kinalaman sa nagawa mo o hindi mo nagawa. Kilala mo ba ang Dios?
Mayroon ka bang kapayapaan sa iyong puso dahil sa ginawa ni Hesu-Kristo para sa iyo?
Mayroon ka ba noon? Kung wala ka ng kapayapaan na iyon, nakakalungkot naman
sapagkat iyon ang isa sa mga katangian ng tunay na mananampalataya. Alam nyo marami
tayo masyadong gayak o partikular sa pagiging relihiyoso, mga panlabas na anyo ng ating
relihiyon. Kung minsan naitatanong ko sa aking sarili, tunay nga bang tayo’y kristiyano?
Mayroong tao nagtanong sa akin, “ang mga catholics ba ay ligtas?” Ang sagot ko ay,
“tiyak mo ba na ang lahat ng kaanib mo ay ligtas? Ang ating kaligtasan ay hindi sa paganib sa anumang relihion. Ang tao ay ligtas lamang kung ang kanyang tiwala ay tanging
sa Panginoong Hesus lamang. Sa pamamagitan ng pananampalataya, mayroon tayong
pakikipagsundo sa Dios sa pamamagitan ng Panginoong Hesu-Kristo. “At sa
pamamagitan niya’y nakalapit tayo …”, “through whom also we have obtained our
introduction by faith”. Itong salitang ‘introduction’ ay mayroong 2 pagkakahulugan. Una,
maaaring itoy mangahulugan ng isang barkong puno ng mga kalakal, mayroong isa o
dalawang maliit na barko ang papalaot upang hilahin ang malaking barko na ito sa
daungan, sapagkat hindi batid ng malaking barko kung saan ang mababaw na bahagi ng
daungan, kayat siya ay inihahatid ng ligtas sa daungan. Isang posisbilidad na
interpretasyon yan. Ngunit sa palagay ko ang mas angkop na ilustrasyon dito ay ang
‘personal introduction to royalty’. Sa palagay nyo ba basta-basta kayong makakapasok sa
Malakanyang at sabihin na nais mong makipagusap sa Pangulong Duterte? Hindi uubra.
Ngunit kung kakilala mo yung panganay na anak ng pangulo, ay uubra kang ipakilala sa
pangulo. Sa ganitong paraan, Ang anak ng Dios na si Hesus, Siya ang naghahatid at
nagpapakilala sa atin sa harapan ng banal na Dios, at Kanyang sinasabi, “Ama nais kong
ipakilala sa iyo si Juan, (halimbawa lang) siya’y isang miyembro ng ating pamilya”.
‘Personal introduction to deity by faith through Christ.’ “…personal introduction into this
grace in which we stand…”. Naaalala ko ang 1 Corinthians 15:1, pakinggan nyo, “Now I
make known to you, brethren, the gospel which I preached to you, which also you
received, in which also you stand,”. Ito ang kabalintunaan ng ‘predestination’. Tinatanong
ako ng mga tao, “naniniwala ka ba sa predestination? ‘Of course’, naniniwala ako sa
predestination. Sapagkat ito’y tinuturo ng Biblia, at ang lahat ng mga bagay bagay ay
nagsisimula sa walang hanggang kapangyarihan ng Dios (Sovereignty of God).
Magsisimula ka ba sa Creation? o sa Humanism? o sa Rationalism. Ngunit, bagama’t
itinuturo ito ng Biblia at maraming verses tungkol sa predestination, marami din naman
mga verses katulad ng John 1:12, “Subalit ang lahat ng tumanggap sa kanya na
sumasampalataya sa kanyang pangalan…”, “…upang ang sinumang sa kanya’y
sumampalataya…” John 3:16, at sa talatang katulad ng 1 Cor 15:1, “…na siya naman
ninyong pinaninindigan,”. ‘There is a covenant tension and balance between the initiation
of a sovereign God and the sovereign God’s demand that human beings made in His
image respond and continue to respond in appropriate covenant ways. This is the
commitment balance. This is the “yes we must”.
Totoo na walang mabubuting gawa ng tao ang uubrang maghatid sa atin sa Dios. Walang
merito ng tao ang uubrang pumasa sa kabanalan ng Dios. Ngunit ang mabubuting gawa
ng tao, pagbabagong buhay pagtapos na makilala ang Dios ay ang ebidensya ng ating
kaligtasan. Hindi mga gawa ng tao ang batayan ng kaligtasan, ito ang bunga ng ating
kaligtasan. Kung sinasabi mong kilala mo si Kristo, ngunit walang pagbabagong nangyari
sa buhay mo, Biblically, meron malaking ‘question mark’ sa iyo. Hindi sa Bible, sa iyo.
Pansinin nyo yung mga bagay na ikinagagalak ng isang Kristiyano. Tatlong ulit na
ginamit ang salitang “nagagalak” or exult sa English. Kung pagaaralan at susuriin ninyo
ang mga salita na ginagamit sa Bible, hahanapin ninyo ang balangkas, hanapin ninyo ang
mga salitang inuulit, hanapin ninyo ang mga ‘keywords’, at mga ‘parallel passages’ sa
mga katotohanan sa Biblia, magugulat na lamang kayo at unti-unti ninyong mauunawaan
ang nilalayon ng orihinal na may-akda at magiging makabuluhan sa inyo ang pagaaral ng
Biblia. Una, “nagagalak tayo sa pag-asa ng kaluwalhatian ng Diyos”. Ito yung sinasabi
sa Titus 2:13, “habang hinihintay natin ang mapalad na pag-asa at ang pagpapakita ng
kaluwalhatian ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Hesu-Cristo” – Darating
ang isang araw bubuka ang kalangitan sa silangan, at bubulaga sa lahat ng mga nilalang
ang kaluwalhatian na hindi pa nila nakikita sa tanang buhay nila, Si Hesus, Hari ng mga
Hari, Panginoon ng mga Panginoon lilitaw sa mga ulap upang kunin Niya ang lahat ng sa
Kanya, at ito ang ikinagagalak ng lahat ng mga Kristiyano.
Pangalawa, 3″nagagalak rin tayo sa ating mga kapighatian” (tama ba ang aking binasa?)
kapighatian? Hindi kaya mali ang pagkakasalin? Meron kayang manuscript problem?
Hindi! ang mali ay ating kultura. Ang problema ay ang maling pananaw ng mga
Kristiyano sa kanilang pag-aakala na ang kaligtasan ay, hindi ka na magkakasakit at
aahon ka na sa hirap. Ito’y ang problema ng Ebanghelyo na naka focus sa ako, tayo, akin,
atin. Naaalala ko ang Romans 8:17, where Jesus said “you will reign with Me if you suffer
with Me”. Naaalala ko rin ang 1 Peter 4:12-16, “huwag kayong magtaka tungkol sa
mahigpit na pagsubok na dumarating sa inyo upang kayo’y subukin, na waring may isang
kataka-takang bagay na nangyayari sa inyo…” Hindi ba ninyo batid na kung inalipusta
ng mundo si Kristo, tayong mga tinawag na maging katulad ni kristo ay aalipustahin din
ng mundo? Ngunit ang problema talaga ay niyayapos tayo ng mundo. ‘The tragedy is the
world embraces us. The problem is, we’re one of them, and not one of His, and wonder
why we don’t see power in the church, because of our selfish lifestyle. Ang problema ay,
sadyang umiiwas ang Kristiyano sa kapighatian, na siya mismong maghuhulma sa atin na
maging katulad ni Kristo. Hebrews 5:8, “Jesus was perfected by the things that He
suffered”. ‘Now if Jesus is the Incarnate Son of God, and God used problems to make
Jesus what He wants Him to be, now why do you think you want to get out of it? I submit
to you the church will go through the same thing Jesus went through which is rejected by
a lost world.’ Ito ang palatandaan ng tunay na mananampalataya – nagagalak sa
kapighatian. Bakit tayo nagagalak sa kapighatian? Ano ba idinudulot ng kapighatian sa
atin? Sapagkat “ang kapighatian ay nagbubunga ng pagtitiis, 4 at ang pagtitiis ng
pagpapatibay; at ang pagpapatibay ng pag-asa. 5 At hindi tayo binibigo ng pag-asa,
sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng
Espiritu Santo na ibinigay sa atin.” Ang Banal na Espiritu na ibinuhos sa ating mga
puso.
Ang salitang pag-asa ay isang kahanga-hanga, kagila-gilalas na salita. Hindi ito
tumutukoy sa pangkaraniwang pagkakaunawa natin katulad sa Ingles, “Oh i hope so”,
“maybe”, “could be”, “Oh i wish so much”. Ang salitang ito ay nagpapatungkol sa
katuparan ng ating pananampalataya. Ang muling pagbabalik ng Panginoong Hesus. Ito
ay tiyak na mangyayari at hindi nagdudulot ng takot o’ pangamba sa puso ng
mananampalataya. Nais nating lahat na matupad ang pag-asa na yan sa lalong madaling
panahon. Ngayon na sana! Sa oras na ito! Sapagkat ang lahat ng ating pag-asa ay nakatali
sa kung sino Siya. “At ang pag-asa na ito ay hindi kailanman bumibigo sa atin.” So
number 1 meron tayong kapayapaan, number 2 meron tayong personal introduction, at
pangatlo meron tayong konsepto ng kagalakan sa gitna ng kapighatian. Mayroon tayong
kapayapaan sa gitna ng mundong nahulog sa kasalanan at ang lahat ng problema kaakibat
ng kasalanan. At pang-apat ay ang Banal na Espiritu bilang kaloob sa atin. Banal na
Espiritu ang tanda ng bagong tipan. ‘Believers have the gift of the Holy Spirit, and people
keep saying to me, “You need more of the Holy Spirit” Is this true? Or is it the Holy
Spirit who needs more of us? Because Romans 8 says you either got the Spirit or you
don’t got the Spirit. We don’t need a second blessing of the Holy Spirit, we need to walk
in the first blessing.’ Ang problema sa karamihan sa atin, ang gusto natin ay
pananampalataya na makasarili (selfish) – Anong makukuha ko diyan? Anong
mapapakinabangan ko dyan? Malimit na ang sarili ang pinaglalaanan nating mga
Kristiyano.
Verses 1 to 5 ay ang karanasan ng kaligtasan. Ngayon paano natin maiaangkop sa ating
buhay? Ano ang batayan ng kaligtasan? Pansinin nyo ang grammatical parallelism sa
verse 6 at verse 8 at theological parallelism sa verse 10. “Sapagkat noong tayo’y
mahihina pa”. that’s in verse 6. Ngayon sa verse 8, “na noong tayo’y mga makasalanan
pa,”. Now look at verse 10, “Sapagkat kung noon ngang tayo’y mga kaaway,”.
Obviously, yaong ‘mahihina’, ‘makasalanan’, at ‘kaaway’ ay mga parallel na konsepto.
‘What did God do when we were helpless, sinners, and enemies of God? He sent His Son
at the right time to die for the ungodly. Christ died for us’.
Ang susi sa Kristiyanismo ay ang kung sino si Hesus. Kung si Hesus ay hindi Anak ng
Dios at isang hamak lamang na anluwagi sa mga lansangan ng Jerusalem, mag-suicide na
lamang tayong lahat. ‘But if Jesus is what He claims to be, the promised Incarnate Son of
God, then we have hope’. Ito yaong Isaiah 53 “All of us like sheep have gone astray.
Each of us had turned unto his own way, but God has caused the iniquity of us all to fall
upon Him”. ‘It’s the principle of substitutionary atonement. You’re alive, and happy, and
healthy, and in relationship with God, because God was willing to offer His Son as a
ransom for us all!’
Yung huling talata, verse 11, kung saan sinasabi, “na sa pamamagitan Niya’y tinamo
natin ngayon ang pakikipagkasundo.” Ang salitang ito sa Griyego ang salitang “to
exchange” o ipinalit. Ipinagpalit natin ang ating kasalanan sa Kanyang katuwiran. ‘Oh
what an exchange! What a quid pro quo!’ At dahil dito tayong mananampalataya ay
nagagalak sa ating Dios sapagkat sa pamamagitan ng Panginoong Hesu-Kristo natanggap
natin ang pakikipagsundo sa Dios! Purihin ang Dios!
Leave a comment